BAYBAYIN A (Romanized)

211 9 0
                                    

Akala ko, hanggang dito na lang
Akala ko ito na ang simula ng katapusan
Napagtanto kong ako'y nasa gitna pa lang
Sa gitna ng mahabang pakikipagsapalaran

Walang katapusang pagsubok sa buhay
Paulit-ulit ko nang naranasan ang mamatay
Nang dahil sa pag-ibig na akala ko'y sa'kin
Inakala kong magdadala sa'kin ng araw, buwan, at mga bituin

Ngunit tila naiwan na ako sa ulap
Naiwan sa ere, at ngayo'y naghihirap
Biglang nawala sa isang iglap
Naglaho lahat pati mga pangarap

Sa aking pagbaba, nais kong mag-aral
Hindi lang kung pa'no magmahal
Pati na rin sana ang pagsusugal
Pagsugal sa bagay na 'di naman natin tiyak kung hanggang kailan tatagal

Hindi ko alam kung paano at kailan
Maghihintay na lang ng tamang dahilan
Kung sakaling 'di ko man matutunan
Hahayaan ko na lang na ako'y matauhan

Habang dala mo akong muli sa taas
Habang ako'y puno ng pagasa
At 'pag nakarating na tayo sa wakas
Iiwan mo akong muling nag-iisa

BAYBAYINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon