Sisimulan ko sa pagsulat
Katagang 'di masambit
'Pag nagsimula ka nang mamulat
Kasalanan na ang pumikitNangakong magiging tapat
Sinabing 'di mangungupit
Pagsisilbihan daw tayong lahat
Walang paratang na igigiitAlam naman ang nararapat
Pero mali ang pinipilit
'Pag nagsimula ka nang mamulat
Parang kasalanan na ang pumikitPandemya'y patuloy kumakalat
Libu-libo ang nagkakasakit
Maraming pera ngunit salat
Utang na abot hanggang langitHindi na nakagugulat
Parati na lamang nakagagalit
'Pag nagsimula ka nang mamulat
Mistulang kasalanan na ang pumikitPinangangalagaan nakatataas
Sa mamamaya'y naghihigpit
Kung sinumang tumaliwas sa batas
Ay siyang siguradong ililigpitHuwag kang kukurap
Sa pagkakamaling paulit-ulit
'Pag nagsimula ka nang mamulat
Totoong kasalanan na ang pumikitWalang sinuman ang mas malakas
Upang labanan ang dahas
Pipiliin bang mangahas
O magdusa sa likod ng rehas?Mga mata'y idilat
Para sa bayan magkapit-kapit
'Pag nagsimula ka nang mamulat
Siguradong kasalanan na ang pumikitPuro na lamang pasakit
Bansang labis na pait ang sinapit
Kung hindi ka pa rin galit
Maaari ko bang itanong kung bakit?
BINABASA MO ANG
BAYBAYIN
Poetry[KOLEKSYON NG MGA PANULAANG TAGALOG] Kathang naglalaman ng mga bagay na hindi masambit ng bibig. Maaaring tungkol sa maraming bagay ngunit hindi mabubuo kung walang pag-ibig. Mga tulang ginawa upang isaad mga natatagong damdamin. Basahin, kilalanin...