Ikukwento ko sana
Ang kwento nating dalawa
Kaso wala namang may gustong makinig
Sa nangyari sa ating pagibigIkukwento ko dapat
Ikukwento sa lahat
Ang mga pangyayaring naganap
Sa pagmamahalang ngayo'y di na mahanapIkukwento ko pa ba?
Ang kwento nating dalawa
Wala namang gustong makinig
Ititikom ko na lamang ba ang aking bibig?Ikaw at ako ang tauhan
Iba't ibang lugar ang tagpuan
Dito sa puso kong sugatan
At doon sa paraiso mong luntianKahit ga'no karaming pagsubok
Ay ating malalampasan
Ang mga apoy at usok
Sa'ting kwento'y may hanggananMapasangayon man o bukas
Mas lalo akong napapamahal
Sa bawat oras na lumilipas
Hiling ko'y tayo'y magtagalTayong dalawa ang bida
Sa kwento nating dalawa
Ang mundo ang kontrabida
Taliwas sa'tin ang bawat isaBawat pangyayari'y aking natatandaan
Bawat sitwasyo'y 'di malilimutan
Ngunit nabago ang lahat, nawala ang ating pinagsamahan
Nang dahil sa isang dayalogong iyong binitawanAko'y iyong iniwan
Ika'y agarang lumisan
Naiwan akong walang nalalaman
Walang pag asa at walang patutunguhanBawat kataga'y tumatak sa aking isipan
Lahat ng sinasabi mo'y patuloy na umaalingawngaw
Wala na akong magawang paraan
Sigaw ng puso't isip ko'y walang iba kundi ikawIkaw, at ikaw lamang
Hindi ka ba nanghihinayang?
Lahat, sa lahat ng bagay
At pinagsamahan nating nasayangWala akong nagawa kundi tumanaw mula sa malayo
Dahil ayokong lumapit
Alam kong ang pagbabalik mo'y malabo
Iiwas na lamang ako kahit masakitIiwasan kita kahit mahirap
Iiwas ako kahit pilit
Iiwas ako kahit hindi ko kaya
Iiwas ako kahit saglitPatuloy, at patuloy kitang mamahalin
Kahit di magkatulad ang ating damdamin
Patuloy, at patuloy kitang iibigin
Kahit sa huli'y alam kong ako'y mapapagod rinIkukwento ko pa ba?
Makikinig ka ba?
Sa kwento nating dalawa
Na aking isinulat at patuloy na isusulat nang mag isa
BINABASA MO ANG
BAYBAYIN
Poetry[KOLEKSYON NG MGA PANULAANG TAGALOG] Kathang naglalaman ng mga bagay na hindi masambit ng bibig. Maaaring tungkol sa maraming bagay ngunit hindi mabubuo kung walang pag-ibig. Mga tulang ginawa upang isaad mga natatagong damdamin. Basahin, kilalanin...