BAYBAYIN K

128 7 2
                                    

Kay sarap pagmasdan ng mga bituin
Lalo na't kung sa tabi mo ito gagawin
Naaalala ko tuloy noong narito ka pa
Panahong bago mo ako ipinagpalit sa iba

Malamig na simoy ng hangin
Dumampi man sa balat ay ayos lang sa'kin
Kahit malamig ay titiisin
Kahit masakit ay ikaw pa rin

Sana'y 'di na nahiwagaan sa mga tala
Kung alam ko lang na ika'y mawawala
Sana'y 'di na nagbilang
Sana'y 'di na naglibang

Bilangin mga bituing nagniningning
Pumikit at humiling
Bilangin mga bituing nagniningning
Habang may iba ka nang kapiling

Isa
Isa, dalawa, tatlo, o apat na taon
Lumipas na ang mahabang panahon
'Di ko pa rin nalilimutan
Alaala ng kahapon
Noong mga oras na masaya pa tayo
Mga oras na may tayo pa
Mga oras na may oras pa tayo sa isa't isa
Di katulad ngayong wala na
'Di ko napansin, pati tayo, wala na rin pala

Dalawa
Dalawang tao
Dalawang pusong umiibig
Dalawang pusong pumipintig
Dalawang nagmamahal para sa isa't isa
Isang sumuko at iniwan ang isa pa
Isang patuloy na kumapit kahit wala na
Walang kaalam-alam na wala nang pag-asa

Tatlo
Tatlong segundo?
Minuto?
Oras?
O araw ba to?
Nang mapagtanto ko sa sarili kong pag-ibig na yata ang nararamdaman ko
Hindi man sigurado
Pero nadarama ko
Nararamdaman ng puso kong ito

Apat
Dapat magkasama pa tayo hanggang ngayon
Kung 'di mo lang ako nilayuan
Dapat nandito ka pa sa tabi ko
Kung 'di mo lang ako pinabayaan
Pinabayaang dumistansya dahil pakiramdam ko sagabal ako
Sagabal sa'yo
Sagabal sa mga bagay na ginagawa mo
Dahil ayaw ko naman ng ganito
'Yong pakiramdam ko istorbo ako

Lima
Limang pangako
Pangakong napako
At patuloy na napapako
Sa dingding mong sira-sira
Mula sa bibig mong sunud-sunod mong dinudura
Naglalahong parang bula
Sinusulat sa papel mong lukut-lukot
Patuloy mong binubura
Nakalulungkot
Sunud-sunod mong binibitawan
Pinapakawalan
At kinakalimutan

Anim
Anim na beses mong sinabing mahal mo 'ko
Anim na beses din akong naniwala't naloko
Anim na beses mo kong ginago
Anim na beses tinanong kung mahal mo ba 'ko
At anim na beses kang sumagot ng oo
At kung babalik ka man sa ika-pitong beses
Umasa kang papayag pa rin ako

Pito
Pitumpu't pitong hakbang ang tinahak ko makita ka lang
Isa-isa, dahan-dahan
Hanggang makarating sa patutunguhan
Sana'y umabot din ang pag-ibig natin sa ganito
Sa puntong gaano man kahirap
Kahit na nakakapagod
Isa't isa'y hindi susukuan
Patuloy ang laban
Sana nga'y kaya rin nating lakarin ang patungo sa dulo
Kung meron mang ganon
Pero naalala ko
Napapagod rin ang binti at mga paa ko
Ano pa kaya ang sayo?

Walo
Walong iba't ibang regalo
Mula sa puso mo
Pagmamahal, pagdarasal, pagnanais na makasama ako
Pagintindi, pagkunsinti, pagsasabing mahal na mahal mo ako
Pangangako na hindi ka susuko
At pagpapatunay na mahalaga ako
Ngunit may isang regalong hinanap-hanap ako
At 'yon ay ang puso mo
Akala ko nga naglalaro lang tayo
Andami mong binigay na aguinaldo
Pero nin(o/a)ng ka nga pala ng maraming tao
Hindi lang ako ang niregaluhan mo

Siyam
Siyam na tanong ko ang hindi mo nasagot:

Una, bakit hindi na lang ako?
Simula naman sa umpisa ako na 'yong nandirito;

Pangalawa, posible pala 'to?
Magbibigay ka ng motibo
'Di mo naman pala mamahalin nang totoo;

Pangatlo, bakit gan'to?
Akala ko maaayos natin 'to
Hanggang mapagtanto kong ikaw pala'y taga-gulo
At ako 'yong tangang nagpupumilit magbuo
Magbuo ng bagay na matagal ng sira't di na mareremedyuhan
Magbuo ng bagay na kulang-kulang naman;

Pang-apat, bakit ka lumayo?
Lumayo nang walang pasabi
Lumayo nang walang anu-ano
Walang natira miski anino

Panlima, may nagawa ba akong mali sayo?
Sana sinabi mo
Sana inayos ko
Sana binanggit mo
Sana binago ko;

Pang-anim, lumayo ba ako sa bawat oras na nagkakamali ka?

Pampito, hindi naman diba?

Pangwalo, inisip mo rin kaya kahit isang beses kung anong meron sa isip at sa puso ko?

At huli, ang pangsiyam, kulang pa ba ako?
Sana sinabi mo agad
Para naman nagaral akong magadd

Sampu
Sampung tula o higit pa
Ang kaya kong ialay sa iyo
Maaaring nandon ang mga salita
Na hindi masabi nang harapan dahil sa kaba ko
Namimilipit kasi ang dila ko pag kaharap ka na
T'wing bubuka ang bibig ko'y anong hirap pa
Dito lamang naman ako magaling
Sa pagsulat ng mga bagay na walang kabolohan para sa iba
Nonsense kumbaga
Pero para sakin mahalaga ito
At ang taong pinatutungkulan ko

BAYBAYINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon