BAYBAYIN B (Romanized)

151 8 0
                                    

Bigyan mo 'ko ng dahilan upang kumapit
Tulad ng pagbibigay mo ng kasiyahan sa'kin sa t'wing ika'y lalapit
Gaya ng pagbibigay mo ng kagandahan sa mundo kong noon ay puro pasakit
Parang noong binigyan mo 'ko ng pag-ibig na saki'y palaging ipinagkakait
At higit sa lahat, bigyan mo naman sana 'ko ng dahilan kung bakit

Bakit sa t'wing nagkikita tayo, ika'y lumalayo?
Bakit sa t'wing lalapit ako, ika'y naglalaho?
Bakit kailangan pa ng pagbabago?
Bakit nawala na ang dating tayo?

Kahit na alam kong wala namang gano'n
Parang kinalimutan mo na ang lahat ng mga nangyari noon
Lumipas na ako sayong puso't isip kasabay ng panahon
Pero, alam mo kahit gano'n

Hindi ko naisip na limutin ka
Hindi ko piniling sumuko na
Kahit naman alam kong walang pag-asa para sa'ting dalawa
Dahil ako lang naman 'tong nagpapakatanga at umaasa — mag-isa

Umaasang maibabalik pa ang noon
Umaasang makababalik pa tayo roon
Pero wala nga palang tayo, oo walang gano'n
Siguro'y hindi na lamang ako iibig pa, mas mabuti nga iyon

Ngunit kung maisipan mo mang magbalik
Narito ako, na nananabik
Sabik sa mga yakap mo't halik
Sabihan mo lang ako
Na palaging narito
Naghihintay sayo
Handang magmahal muli
Kahit masaktan pa sa huli

BAYBAYINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon