Noong ako'y bata pa
Madalas akong nakakikita
Mga bagay na mailap sa mata
Hindi nagpaparamdam sa ibaNagtatago sa dilim
Kinukubli ng aninong itim
Baka sa kaliwa, baka sa kanan
Baka sa ilalim ng mga unanPapalapit nang papalapit
Hanggang sayo'y makakapit
Mga mata'y ipikit
H'wag nang magtanong kung bakitEngkanto ba itong naghahanap ng biktima?
Maligno sa ilalim ng aking kama?
Multong naghahanap ng kasama?
Sinong tatawagin kung wala si mama?Papa?
Mama?
Kayo ba'y naririyan pa?
O nagpakalayu-layo na?Lumaking ulila
Wala nang nagawa
Katinua'y nawala
Talagang kaawa-awaHanggang sa tumanda na
Madalas pa rin silang nakikita
Mga nilalang na mailap sa mata
Mistulang 'di nararamdaman ng ibaTinatago ng dilim
Nakakubli sa aninong itim
Nasa kaliwa, nasa kanan
Nasa ilalim ng mga unanIka'y lalapitan
Hanggang makapitan
Mga mata'y idilat
H'wag kang magugulatWalang engkantong nambibiktima
Walang maligno sa ilalim ng kama
Walang multong naghahanap ng kasama
Wala si papa, wala pa rin si mamaHindi na ako natatakot
Napalitan na lamang ng lungkot
Mga bagay na noo'y kinatatakutan
Ay demonyo lamang pala ng aking isipanSa isipang gaya ng kulungan
Nagbabakasakaling makakikita ng labasan
Naghahanap ng makakasama
Palayo sa sariling problema
BINABASA MO ANG
BAYBAYIN
Poetry[KOLEKSYON NG MGA PANULAANG TAGALOG] Kathang naglalaman ng mga bagay na hindi masambit ng bibig. Maaaring tungkol sa maraming bagay ngunit hindi mabubuo kung walang pag-ibig. Mga tulang ginawa upang isaad mga natatagong damdamin. Basahin, kilalanin...