Hindi ko gustong simulan ang tulang ito
Hindi ko naman kasi alam kung may mailalagay ba ako
Hindi ko rin batid kung may silbi ba ito
Kung hindi ko rin naman maipapakita sa'yoHindi ko kayang tumula sa harap ng maraming tao
Sa harap mo pa nga lang, nauutal na ako
Kahit simpleng salita nabubulol pa ako
Nanginginig, nanlalamig, bumibilis ang tibok ng pusong itoHindi mo siguro magugustuhan ang mga ginagawa kong tula
Ako pa nga lang ay nanlulumo na sa sarili kong gawa
Pakiramdam ko pag inulit-ulit, nakasasawa
Kahit maulit-ulit, walang makauunawaHindi ko gustong magsimula sa kahit anong salita
Dahil pakiramdam ko mali lahat kung pakikinggan
Pero kung ibabase mo sa emosyon ng aking mga mata
Siguro'y susubukan mong makipagtitiganTulad nga ng sinabi ko, hindi ko gustong simulan ang tulang ito
Dahil ayokong matapos tayo sa dulo
Sapagkat nasayo na ang puso ko
At dahil ayokong matuldukan ang ating kwentoTulad nga ng sinabi ko, hindi ko gustong simulan ang tulang ito
Dahil wala akong mailalagay na salita na makapagpapasaya sayo
Sana di ko na lang talaga ginawa
Pero tingnan mo naman nandito na tayo sa dulo
BINABASA MO ANG
BAYBAYIN
Poetry[KOLEKSYON NG MGA PANULAANG TAGALOG] Kathang naglalaman ng mga bagay na hindi masambit ng bibig. Maaaring tungkol sa maraming bagay ngunit hindi mabubuo kung walang pag-ibig. Mga tulang ginawa upang isaad mga natatagong damdamin. Basahin, kilalanin...