Still Maine's POV
Hindi ko alam kung saan pupunta si Alden kaya tinanong ko yung mga kaibigan niya
"Ahhh Ken pwede magtanong? San pupunta si Alden?" Tanong ko sa kanila
"Di rin namin alam eh. Bakit umalis ba siya?" Tumango lang ako. Kinuha ni Ken yung phone niya tapos may tinawagan siya
"Hello, Alden! Nasan ka?" Ah si Alden pala tinawagan niya
"Somewhere I only know" narinig ko kasi nakaspeaker. Paenglish-english pa ah
"Saan nga? May nag-aalala sa'yo dito" nagkatingin kami. Pinalo ko siya sa braso niya
"Babalik naman agad ako dyan mamaya"
"Sige, basta kung may kailangan ka, nandito lang kami ng kaibigan mo"
"Sige na, i-end call ni-----" I-end call na nila
"Huy, hindi pa nga tapos magsalita si Alden eh. I-end call niyo kaagad? Sige na ah, alis na ako. Bye"
"Bye" sabay sabay nilang sabi. Nasan kaya yung lalaking yun? Hmmpppp
Alden's POV
Haysssss, nandito ako sa secret hideaway (Rescue Me lang ampeg haha) ko. Nakita ko yung lalaki na kasama ni Leah kanina. Walang hiya naman oh, lumapit pa talaga sakin"Nandito pala yung 'campus heartthrob' daw?" Tumawa sila ng mga kaibigan niya
"Wala akong oras makipag-usap sa'yo" kinuha ko yung bag ko at tumayo. Lalagpasan ko na sana sila pero tinulak nila ako. Tumayo ako galing sa pagkabagsak ko
"Ano ba problema mo, abnoy ka?!" Hinila ko ang kwelyo niya
"Wag mo nga akong hahawakan!" Tinulak na naman niya ako pero hindi ako natumba, muntik lang
"Aba, siga ka ha?!" Hinila ko na naman ang kwelyo niya
"Aba, nanghahamon ka ba?" Tanong niya sakin
"Sige. Game ako" binaba ko ang bag ko. Una, nag-uusap-usap sila
"Ano ba yan?! Kailan ba yan matatapos?!" Sigaw ko. Humarap na sakin yung mokong na lalaki. Maraming tao na ang nasa paligid namin
Una, siya yung una nanuntok pero naka-ilag ako. Ako naman yung nanuntok pero naka-ilag siya tapos sinuntok ko uli siya sa ulo gamit ko yung isa kong kamay. Tapos nag-sign siya. Tapos nagsilapitan yung mga kaibigan niya
"Ang daya naman neto. Dapat tayong dalawa lang"
Pumunta sakin yung mga lalaki at pinagtulungan nila ako. Nakahiga na ako at nawalan ako ng malay
----------------------
Author's POV (for the first time haha)Habang naglalakad si Maine sa hallway. May nakita si Maine na pinagkakaguluhan, at lumapit siya dun
"Excuse me. Padaan po" sabi ni Maine habang nakikipagsiksikan. Pero hindi siya pinapadaan
"Grabe. Sino kaya gumawa nan kay Alden?"
"Nakakainis naman yung gumawa nyan kay Alden"
"Huhu. Anong nangyari kay Alden?"Narinig ni Maine ang mga sinasabi ng tao
"Huh? Anong nangyari kay Alden?" Bulong nito sa sarili
"Ah kuya, ano nangyari kay Alden?" Tanong niya sa lalaking katabi niya
"May sumuntok daw sa kanya eh"
"Ah? S-salamat po" naglakad uli si Maine. Wala siyang paki kung sino ang makabangga niya. Hanggang sa nakita niya si Alden na nakahiga at walang malay
----------------------
*in clinic*"Ah ma'am, pwede kayo po muna magbantay rito?" Tanong ng nurse
"Sige. Ako na bahala kay Alden" sabi ni Maine
"Salamat po" sabi ng nurse at tuluyang umalis. Nagising na si Alden
"Oh, Alden. Gising ka na pala"
"Ay hindi, tulog pa ako" Pamimilosopo ni Alden
"May masakit ba sa'yo? O ano?"
"Wala"
"Ano ba nangyari sa'yo?" Tanong ni Maine kay Alden
"May nakipagsuntukan sakin. Tapos kasama yung mga kaibigan niya, eh ako? Mag-isa lang naman ako eh"
"Sa susunod kasi, wag ka ng humamon"
"Sorry po"
"Sayang tuloy yang kagwapuhan mo" bulong ni Maine
"Ano sabi mo?" Pinapaulit ni Alden ang sinabi ni Maine
"Huh? Wala. Wala akong sinasabi no?" Biglang pumasok ang mga kaibigan ni Alden
"Pare, kamusta na?" Tanong ni Sam
"Ok lang naman ako"
"Diba sabi namin, kapag kailangan mo kami tawagan mo lang kami" sabi naman ni Kenneth
"Eh wala eh. Hindi ko na nakuha cellphone ko"
"Sino ba yung mga nanuntok at umaway sa'yo? Huh?!" Sabi naman ni Jerald
"Yung boyfriend ni Leah" nagulat sila sa sinabi ni Alden
"Ano? Sinuntok mo sarili mo? Haha" sabi ni Derrick
"Oo nga. Diba ikaw yung boyfriend ni Leah?" Sabi naman ni Jerald at tumango naman si Kenneth at Sam
"Meron siyang iba" nagulat lahat na naman sila napasama na rin si Maine dahil narinig niya lahat
"Sino naman yun?" Tanong ni Kenneth
"Di ko alam ang pangalan niya. Pero alam na alam ko ang kapangitan ng mukha niya" sabi ni Alden
"Sige pare, kapag pwede ka ng umalis dito sa clinic. Ituro mo samin yung lalaking yun, reresbakan namin" sabi ni Jerald
Nag-uusap sila Alden at ang mga kaibigan niya. Habang si Maine at ang mga kasama ng kaibigan ni Alden ay nag-uusap din
------------------------
*ina-ice bag ni Maine ang mga pasa at sugat ni Alden""A-aray! Mag-ingat ka naman!" Sigaw ni Alden
"Edi ikaw na!" Binigay ni Maine ang ice bag kay Alden
"Uy! Joke lang!" Hinila ni Alden si Maine. Binigay ni Alden ang ice bag kay Maine. Pinagmamasdan ni Alden ang mukha ni Maine
"Ang ganda mo" sabi ni Alden kay Maine
"Che! Thank you na lang!" Sabi ni Maine habang busy na nag-aalaga kay Alden
"Concern ka sakin no?" Tanong ni Alden
"Hindi ah"
"Eh, bakit mo ako inaalagaan?"
"Yun yung sabi sakin ng nurse na alagaan daw kita. At saka ayaw mo pala may mag-alaga sa'yo"
"Concern ka lang sakin" tumayo si Alden at nilapitan si Maine
"Umupo ka nga dun. Baka mapano ka" tinutulak ni Maine si Alden
"Aminin mo, concern ka lang sakin" kinukulit ni Alden si Maine hanggang napasigaw si Maine sa irita
"Oo na! Concern ako sa'yo! Ano masaya ka na?"
"Yown. Inamin din. Haha"
"Good bye. Mr. Faulkerson" kinuha ni Maine ang bag niya at umalis na
Itutuloy
--------------------
Yown. Nag-update na rin si otor haha
BINABASA MO ANG
[C] The Campus Heartthrob Is My Boyfriend
Fanfiction*SINULAT KO TO SA MGA PANAHONG CRINGEY YEARS KO KAYA ASAHAN NIYO NA CORNY TO* Sinabi na nung title... Highest Rank: (Fanfiction) #36 : (Maiden) #28