Part 20: Story of Leah

4K 126 14
                                    

Maine's POV
Bukas na yung pageant. Ramdam ko pa rin yung kaba. Pwede ba magback out? Haysss

"Maine, ready ka na ba bukas?" Tanong ni sir sa akin

"Sir, pwede po bang magback out na lang? Kinakabahan po talaga ako eh" sabi ko habang sinaslide ko yung dalawang kamay kong magkabila

"Maine naman, bukas na 'yon. Aatras ka pa ba?" Tama nga naman. Aatras pa ba ako? Ba't pa kasi ako pumayag?!

"Sige sir, pero kinakabahan po talaga ako eh" sabi ko

"Alam mo, itabi mo muna 'yang kaba mo" payo sa akin ni sir

"Ba't ka ba kinakabahan?" Tanong niya. Kinuha ko ang papel na nakuha ko kahapon at binigay ko kay Sir

"Ganyan talaga si Leah" sabi ni Sir

"Kilala niyo po siya?" Takang tanong ko

"Oo, simula nung Grade 1 yan, naging estudyante ko na 'yan" pagpapaliwanag niya sa akin

"Simula pa nung bata, masungit na 'yan. Alam mo kung bakit? May problema sila sa pamilya nila. Parang ang tingin niya, na ampon lang siya. Kasi imbis siya na bunso ang inaasikaso, ang ate pa niya ang laging inaasikaso. Isang araw na lang, nagsalita siya sa ate niya na sana hindi na lang nabuhay o ipinanganak ang ate niya. Kaya lumaki siyang masungit. Nung bata pa daw siya, isa siyang masiyahing at makulit na bata. Naglalaro pa nga daw sila ng ate niya. Nung una kasi tinabi niya ang pagseselos niya sa ate niya pero habang patagal na patagal nagseselos na siya. Yung ate niya, nag-aaral sa ibang bansa. Nagselos na naman siya nun, kasi siya pinag-aral lang siya dito sa pilipinas eh ang ate niya sa America pa" mahabang paliwanag ni Sir

Kaya pala naging ganon siya. Pero bakit kailangan pa niya maging masungit? Avah Maldita lang ampeg?

"Sige po sir, alis na po ako" pagpapaalam ko at tumango naman siya na siyang kinaalis ko

Napansin ko naman kaagad sila Valeen

"Bes! Namiss ka namin!" Sabi ni Valeen at niyakap niya ako

"Nako! 30 minutes lang tayo hindi nagkita, namiss mo na agad ako?" Pabiro kong sagot

"Ikaw naman bessy!" At kiniliti niya ako sa tagiliran

Napansin namin na dumaan si Leah sa harapan namin. At tumigil siya sa harap ko, oo sa harap ko mismo

"Goodluck, Poor Maine!" Inirapan niya muna ako bago umalis

"Aba aba! Sumosobra na 'yun ah!" Pagsisiga ni Patricia

"Oo nga! Makapanglait akala mo hindi siya yung poor!" Sigaw ni Valeen

"Bessies, tama na 'yan. Naintindihan ko naman siya kung bakit naging ganyan siya" sabi ko

"What do you mean?" Takang tanong ni Alden

"Alam ko ang buhay ng kwento niya" sabi ko

"Alam niyo kasi, alamin muna ang buhay niya bago siya awayin o laitin din" pagpapatuloy ko

"Tama si Maine" pagsasang-ayon ni Sam

"#BeforeYouHateKnowTheLife" sabi naman ni Jerald

"Sige na, tara na sa condo niyo at magpapractice pa si Maine because this is the last day before the pageant" sabi ni Valeen. Nang pagkasabi niya dun (sa may nakabold na letter) eh parang nangbabanta siya?

Haysss, nakakakakaba naman pala itong pageant na 'to

Itutuloy...

Sino taga-Nueva Ecija dito? Kaway naman dyan. Nandito ako sa Nueva Ecija, my province :). Buti na lang wi-fi dito sa bahay

Short ud muna *peace sign*

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon