Kinabukasan......
Maine's POV
New day! Nakabangon na pero inaantok pa rin. Parang akong zombie maglakad ditoLuto
Kain
Ligo
Bihis
Mag-aayos ng gamitNgayon hinihintay ko lang yung school service namin. Kailangan maaga ako magising para di ako mag-commute. Nandito na yung school service namin at sumakay na ako. Pagpasok na pagpasok ang ingay ingay ng mga STUPIDyante dito sa school service namin. Umupo ako sa dulo dun sa may sulok dahil ayoko makatabi ang mga bullies
--------------------------------
Nung malapit na kami sa school, tumayo na ako at pumunta sa harap ng pinto para ako unang makababa. Ayoko makipagsiksikan sa kanila lalo na may mga mayayabang dito. Pagstop namin sa tapat ng school binuksan na yung pintuan at saka bumaba akoDumaan ako sa hallway tapos pinagtitinginan nila ako. Bakit? Famous na ba ako? May dumi ba sa mukha ko? Sabihin niyo lang kung bakit niyo ako pinagtitinginan -_-. Nung nakatapat ako sa isang room na bukas ang pintuan biglang may humila sa akin at tinakpan niya ang bibig ko
"Wag kang sumigaw" bulong niya sakin. Teka? Si Alden 'to ah? Bakit kidnapper na ba siya? Holdaper na ba siya? At tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko
"Alden?" Sabi ko nang mahina lang dahil sabi niya wag akong sumigaw
"Ssshhhh" nakalagay ang index finger niya sa bibig niya parang sign na tahimik
"Bakit? Ano bang problema Alden?" Tanong ko sa kanya. At hinila na naman niya ako
"Yun na nga. Sikat tayong dalawa dito" kaya pala ako pinagtitinginan kanina eh
"What?! Bakit tayo sikat dito?" Tanong ko sa kanya
"Kasi nga diba? Magkasama tayo kahapon? Tapos hinawakan ko yung kamay mo? Pinicturan tayo tapos may mga nakalagay na letter"
"Kasalanan mo 'to Alden!" Galit ako sa kanya "Gawan mo 'to ng paraan" pagpapatuloy ko
"Meron na akong paraan pero baka di ka pumayag" bakit parang kinakabahan siya?
"Ano yun Alden? Di ko pa nga alam di na agad ako papayag?"
"Ok! Eto na. Can you be my fake girlfriend?" Tapos nagface palm siya
"Ano Alden?! Mas lalong lalala yang hiling mo sakin!"
"Alam kong hindi ka papayag. Pero eto lang ang paraan. Hindi 'to lalala kasi pag hindi ka pa pumayag mapagkakamalang tayo. Kapag inanunsyo natin na tayong dalawa na hindi na tayo mapagkakamalan non"
"Pero paano yung ex mo? Baka awayin ako non"
"Kung papayag ka, titira ako sa condo mo salit salitan titira rin tayo sa condo ko para di ka nila awayin. Para makasigurado ako na safe ka" sabi niya. Nag-iisip ako ng maisasagot ko "Pwede ba Maine?" Pagpapatuloy niya
"Okay"
"Talaga?!" Tumango lang ako at niyakap niya ako. What? Ano? Niyakap niya ako? Bes pengeng oxygen!! Charrr
"Ay sorry" tumigil siya sa pagyakap niya sakin. Sayang naman oh! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Hinawakan na naman niya yung kamay ko
"Handa ka na ba?" Tinignan niya ako ng seryoso
"H-huh? O-oo" nauutal kong sabi
"Ba't ka nauutal?" Tanong niya sakin. Oh no!
"Ano ahm, kinakabahan lang ako" nakadale ako haha
"Tara na" naglakad kami palabas. Oh no! Pinagtitinginan kami ni Alden. Tinignan ko si Alden, parang wala lang syang pake kung ano man sabihin ng iba. Pagpasok namin sa room, inalalayan niya akong umupo. Oo nga pala, magkatabi nga pala kami neto
"Hi Maine!" Bati sakin ng babae. Teka di ko kilala 'to ah? Pero bakit kilala niya ako?
"Ah hello! Sorry ah? Pero kilala ba kita?"
"Ay nga pala, ako si Valeen Montenegro tapos ito si Patricia Tumulak" sabi niya sabay ngiti
"Nice to meet you!" At nakipagshake hands ako sa kanila
"Inpeyrnes, kilala ka dito sa school Maine" sabi ni Patricia
"At nang dahil sakin" pakikisali ni Alden na nakatingin sa cellphone
"Like" at naglike sign ako means ok. Masyadong mayabang -_-
"Maine, pag-aalis ka magpaalam ka muna sakin" sabi ni Alden. Bakit? Boyfriend ko na ba siya? Oo boyfriend ko siya pero fake
"Aber bakit?"
"Basta" sabi niya at nagpatuloy sa pagcecellphone
-----------------------------
Recess time na. Niyaya ako nila Valeen at Patricia para sabay sabay kaming kumain"Alden, a------" pinutol ni Alden ang pagsasalita ko
"Pag nasa public tayo, tawagin mo 'ko ng Love, Babe, Baby o Honey" Watda?
"What?!" Gulat na sabi ko
"No choice. Pumayag ka. At saka nga pala mamaya samahan mo ko sa bahay"
"Bakit naman?"
"Kukunin ko yung mga gamit ko dahil dun na ako titira sa condo mo"
"What?!/Ano?!" Sabay sabay naming sabi nila Valeen, Particia, Sam at Jerald
"Bakit? Kausap ko kayong apat? Diba si Maine lang?" Oo nga naman. Mga chismoso't chismosa 'tong mga 'to eh
"Hindi naman. Nakikichismis lang" sabi ni Valeen "Tara na Maine" pagpapatuloy niya. Hinila niya kami ni Patricia. Pero hinabol kami ni Alden
"Hep! Hep! San niyo dadalhin si Maine?" Tanong ni Alden kay Valeen
"Kakain lang kami sa canteen" sabi ni Valeen kay Alden
"Sasama ako" sasama siya sa aming girls? Haha "Sam, Je sumama kayo sakin" pagpapatuloy niya" K. Haysss, no choice -_-
-----------------------------
Nakarating na kami sa canteen. Kanina hinawakan na naman ni Alden yung kamay ko. Araw-araw at bawat saglit niya ba gagawin yun? Dapak -_-"Love, anong order mo?" Ay oo nga pala. Nakakimutan ko yun ah
"Ano na lang Love ah" tumingin ako sa mga paninda " Chicken w/rice na lang na may juice. Eto pera ko oh" kinuha ko sa wallet ko yung pero ko tapos binigay ko sa kanya pero hindi niya tinanggap
"Ililibre na lang kita. Mag-ipon ka na lang para sa future mo at sa future natin" ano?! Myghaaaddd! Future namin?! Binalik ko na lang yung pera ko sa wallet ko
"Ayieeeeee" sabay sabay na sabi nila Valeen, Patricia, Sam at Jerald. Oo nga pala, hindi pa nila alam na fake lang 'tong relasyon namin
"Sige na love, alis na ako" tumayo siya sa tapat ko "Hoy! Ingatan niyo 'to ah? Papakasalan ko pa yan" What?! At tuluyan na siyang umalis sa tapat ko. Bale ganto posisyon namin
Alden Jerald Sam
T A B L E
Ako Valeen Patricia----------------------------------
993 words yan! Bukas na lang ako mag-uupdate uli. Basta hintayin niyo na lang. Thank you sa mga nagvote ng story ko. Thank you uli!
BINABASA MO ANG
[C] The Campus Heartthrob Is My Boyfriend
Fanfiction*SINULAT KO TO SA MGA PANAHONG CRINGEY YEARS KO KAYA ASAHAN NIYO NA CORNY TO* Sinabi na nung title... Highest Rank: (Fanfiction) #36 : (Maiden) #28