Maine's POV
Ngayong gabi na yung pageant. Feeling ko? Kabadong kabado. Tapos katabi ko pa 'tong Leah na 'to. Masyadong maarte"So, how's your feeling?" Tanong sa akin ni Leah habang minemake-up-an niya ang sarili niya. Buti pa siya marunong magmake-up :(
"Dapat ko bang sagutin 'yang tanong mo?" Pambabara ko sa kanya
"Yes, because I asked you" Aba! Sumasagot pa 'tong mukhang diksyunaryo! Kaya mo 'to Maine. Para sa ekonomiya
"Eh pa'no kung ayaw kitang sagutin?
"Fine. Hindi na kita pipilitin!" Sabi niya. Diba? Napabagsak ko rin siya? Haha
"Okay ka lang dito Maine? Aalis lang muna ako, tinatawag ako ni sir eh" sabi ni Alden na nasa likod ko
"Sige lang, okay lang ako dito" sabi ko at ngumiti ako
"Sige, babalik din ako ah?" Tumayo siya at hinalikan niya ako sa pisngi na siyang kinagulat ko
Nakita ko si Leah sa salamin na galit na galit siya. Siguro, sa ginawa sakin ni Alden kanina
"Why he kissed you?!" Aba! Englisherang palaka talaga 'to!
"'Di ko rin alam eh. Ngayon niya nga lang ginawa sa akin yun eh" pagpapa-inggit ko sa kanya
"Alam mo, nung kami pa ni Alden? He's so very sweet to me. He always hugged and kissed me" sabi niya
"Tinatanong ko ba, kung sweet siya sa'yo?' Pambabara ako na naman sa kanya
"Attention! Attention!" Sigaw ng host ng pageant
"So, after 1 hour magsisimula na ang pageant. Okay?" Sabi ng host at tumango lang kami. Umalis na yung host
Umalis din si Leah, siguro magc-cr siya
"Hi" lumingon ako sa pinanggalingan na boses na 'yun. 'Yun pala si Jenny, Jenny Almorena
"Hello, Jenny" at ngumiti ako
"Kilala mo 'ko?" Takang tanong niya
"Oo naman, diba ikaw yung nagbigay ng sulat sa akin?" Sabi ko at ngumiti ako
"Buti naman, natanggap mo 'yun" sabi niya at ngumiti
"Salamat dun ah?" Sabi ko
"Okay lang 'yun, ayoko naman 'yang si Leah eh" sabi niya
"Ahm, wag mong mamasamain ah? Kaibigan ba talaga kita?" Tanong ko
"Oo naman, bakit hindi ba mukhang kaibigan 'tong mukhang 'to?" Pagbibiro ni Jenny at tumawa kaming dalawa
"Goodluck sa'yo" nginitian ko siya
"Goodluck din sa'yo" sabi niya at nagyakapan kami
"Tapos na kayo?" Tumingin kaming dalawa sa pinanggalingan na boses at si Leah pala
Agad naman kaming bumitaw sa mga yakap namin. Umupo na si Leah sa pagitan namin
Dumating na sila Liza at inayusan na ako
After 55 minutes...
Ayos na ako! Hihi. Nagthank you na rin ako kila Liza. Nalagyan na rin ako ng number. Nakapila na kaming mga candidates"Candidate no. 19, Leah Delos Reyes" sabi ng host.
Nagsigawan yung mga tao. Parang buong audience ata yung sumigaw? Pero imposible, sila Alden? Susuportahan si Leah? Duh!
"I believe that everything happens for a reason. Leah Delos Reyes, Section 2-A!" Nagpalakpakan ang mga tao
"Last but not the least. Candidate No. 20, Maine Mendoza" nang sinabi 'yun ng host kinabahan agad ako
Nagsimula na akong maglakad ng stage. Pagkita ko sa kanila, biglang sumigaw yung mga tao. May nga banners sila, tapos yung iba hindi ko kilala
Tumapat na ako sa mic "Follow your dreams, believe in yourself and don't give up. Maine Mendoza, Section 2-B!" Pagkatapos sabihin ko 'yun ay nagsigawan na ang mga sumosoporta sa akin
"WE LOVE YOU MAINE!"
"GO MAINE!"
"WE'RE HERE YO SUPPORT YOU!"
"KAYA MO PO 'YAN!"
Sigaw ng mga tao. At may last akong narinig...."GO MAINE! I LOVE YOU!" Nabosesan ko siya. Si Alden :)
Ayttt, kilig to the matss naman ako
Nagsipasukan na yung mga naunang candidates. Nakita ko si Jenny, ningitian niya ako at bumawi naman ako ng ngiti sa kanya
Bumalik na kami sa backstage
Mamaya na daw iaanounce yung top 10. Ang dami agad nabawasan diba? Hayss, sana makapasok kami ni Jenny
After 10 minutes...
Nagpalit lang kami ng mga damit namin. Hinawakan ni Jenny yung kamay ko"Sana makapasok ka" sabay ngiti niyang sabi
"Ikaw rin, para may kachikahan pa ako dito. Haha!" Sabay naming tawa
"So guys, fall a line na!" Sabi ng nagbabantay sa amin. Agad naman kaming bumitaw sa isa't isa
Nandito na kami sa stage. Pito na yung natawag
"You're in, Candidate no. 19!" Buti pa siya pasok :( sana pasok kami ni Jenny
"Please step forward, Candidate no. 18!" Nagkatinginan kami. Nagyakapan kaming dalawa at saka siya naglakad
"Last but not the least. Siya na ang huli at siya pa ang huli rito. Candidate no. 20!" Napaangat ang ulo ko dun. Nakita ko ang mga tao na sumusuporta na naghihiyawan
Naglakad ako papunta sa harapan at nagkangitian kami ni Jenny
Itutuloy....
Guys! Sorry kung ngayon lang ako nakapagupdate ah? Busy kasi kami eh. Guys! Regalo ko nga pala? Haha!
At saka nalungkot ako kahapon. Hindi tayo nakaabot ng 1M tweets :(
Pero.... Merry Christmas! Labyah all!
BINABASA MO ANG
[C] The Campus Heartthrob Is My Boyfriend
Fanfiction*SINULAT KO TO SA MGA PANAHONG CRINGEY YEARS KO KAYA ASAHAN NIYO NA CORNY TO* Sinabi na nung title... Highest Rank: (Fanfiction) #36 : (Maiden) #28