Part 27: They're Back

3.8K 96 12
                                    

Alden's POV
"Mga lolas?" Sabi ni Maine at napalingon kaming lahat

"DIVINA!!" Sabi ng isang babae na maiksi yung damit. Divina?

"Lola Tinidora! Namiss po kita!" Sabi ni Maine at niyakap niya si Lola Tinidora ba 'yun?

"Apo!" Sabi naman ng isang babae na makapal ang make-up

"Lola Tidora! Naku, may magmamake-up na naman sa'kin!" Sabi ni Maine at niyakap naman niya si Lola Tidora.

"Apo, namiss kita!" Sabi naman ng isang babae na medyo maliit. Ang sama ko naman, porke matangkad lang ako

"Ikaw yung pinakanamiss ko lola!" Sabi ni Maine at niyakap naman niya si Lola Nidora. Augh, ang lambing naman niya

"Sino naman itong mga 'to?" Tanong ni Lola Tidora

"Lalo na etong lalaking 'to!" Sabay turo sakin ni Lola Tinidora. Ako? Umikot si Lola Tidora sa'kin

"Perfect!" Sabi ni Lola Tidora at ngumiti lang ako. "Perfect sa apo natin! Hahahaha! Whooo!" Sabay nagtatatalon at nakikipagapir kay Lola Tinidora

"Hoy, mga sisters! Tandaan niyo! Bawal pa magkalovelife ang apo natin!" Sabi ni Lola Nidora. Ayyy, nalungkot ako dun. Tumingin sakin si Maine

"Ang KJ mo naman ate! Syempre, sa future pa. Hehehe!" Sabi ni Lola Tidora

"Pakilala mo sila sa'kin, Divina" sabi ni Lola Nidora

"Ahm, siya po si Valeen" sabi ni Maine sabay turo kay Valeen

"Hi po mga lolas!" At nagmano siya sa tatlong lola

"Siya naman po si Patricia" sabi ni Maine sabay turo kay Patricia

"Welcome back po mga lolas!" Sabi ni Patricia at nagmano din siya sa tatlong lola

"Eto naman po si Jerald" sabi ni Maine sabay turo kay Jerald

"Kamusta po ang biyahe niyo?" Tanong ni Jerald sabay mano sa tatlong lola

"Ayos lang kami iho!" Sabi ni Lola Nidora

"Siya naman po si Sam" sabi ni Maine

"May bumbay pala kayong kaibigan!" Sabi ni Lola Tinidora habang nagmamano si Sam

"Sino naman ito?" Sabay turo sakin ni Lola Nidora

"Siya po si Alden" sabi ni Maine

"Hi po mga lolas!" Sabi ko. Imbis na magmamano ako, nakipagbeso naman sakin sila Lola Tinidora at Lola Tidora. Bale, nagmano lang ako kay Lola Nidora

"Kaibigan mo ba lahat 'to, Divina?" Tanong ni Lola Nidora

"Naku, hindi po!" Sigaw ni Jerald. Agad namang pinaglakihan ng mata ni Maine si Jerald

"Meron ka bang manliligaw dito?" Tanong ni Lola Nidora. Sheep! Kinakabahan ako. Pawis na pawis na ako. Hindi makasagot ang Menggay ko

"Sino ang manliligaw ni Menggay dito?!" Sabi ni Lola Nidora habang nagpapaypay

"Sino?!" Mas lalo pang lumakas ang boses ni Lola Nidora kaya mas lalo akong kinabahan. Nagulat na lang ako ng ituro nila akong lahat

"Ikaw?" Tanong ni Lola Nidora. Unti unti akong napatango

"Gaya nga ng sabi ko kanina, hindi pa pwede maglovelife ang apo ko!" Sabi ni Lola Nidora

"Tara na!" Sabi ni Lola Nidora

Nandito na kami sa labas ng airport

"Lola, may kotse po si Alden" sabi ni Maine

"Hindi na, papunta na ang mga Rogelios" sabi ni Lola Nidora

"S-sige po, mauna na po kami. Tara na!" Sabi ko at umalis na kami

"Ingat ka!" Sigaw ni Maine. Kaya mas lalo akong tumatag na ipapakita ko kung gaano ko siya kamahal :)

Kinabukasan....
Para akong artista dito, pinagkakaguluhan. Haha! Syempre, Campus Heartthrob 'to eh!

"Hi Maine!" Sabi ko habang paupo na ako

"Hello!" Sabi niya habang may sinusulat sa libro

"Kamusta?" Tanong ko

"Okay lang. Masaya! Ikaw, kamusta?" Tanong ni Maine

"Okay lang din. Medyo may lungkot kasi hindi kita kasama kagabi!" Sabi ko sabay kiliti sa tagiliran niya

"Ang harot mo talaga!" Sabi ni Maine sabay kiliti naman sa leeg ko
—————————
Uwian na namin ngayon. Niyaya ko si Maine na kumain sa McDo. Ano pa bang magagawa ko? Eh favorite fastfood niya dito?

"Alden, 'di ka ba kinakabahan?" Tanong ni Maine habang nakaupo pa rin kami dito kahit tapos na

"Bakit naman?" Tanong ko at ngumiti ako

"Kasi nandyan na 'yung mga lolas ko" sabi niya

"Ba't naman ako kakabahan? Eh nandito naman yung taong mahal ko?" Sabi ko

"Aysss, ang harot mo talaga! Sure ka ba?"

"Oo nga! Ipaglalaban ko 'to!" Sabi ko sabay suntok sa hangin

"Ipaglalaban mo? Eh hindi pa nga kita sinasagot?" Sabi niya

"Ayaw mo 'yun? Yung tipong kahit ano ipagawa sa'kin ng lola mo, dun mo 'ko sasagutin? Dahil masipag ako!" Sabi ko sabay suntok sa hangin na naman

"Awwww, ikaw talaga!" Sabi niya sabay pisil ng ilong ko

"E correi diu!" (Mahal kita) sabi niya. Akala niya hindi ko alam ahh....

"I love you too!" Nanlaki bigla ang mata niya

"A-alam mo 'yun?" Tumango lang ako

"Nanonood din kaya ako ng Encantadia!" Sabi ko

"Mahal mo ba talaga ako?" Tanong ko

"Hindi ah! Joke ko lang 'yun!" Sabi niya sabay iling

"Tsk. Tara na nga! Ayaw mo lang aminin eh!" Sabi ko sabay hila sa kanya

Nandito na kami sa tapat ng bahay ng mga lola ni Maine

"Sige Alden, alis ka na. Baka makita ka pa ni Lola Nidora" sabi niya

"Sige. Bye!" Sabi ko, pasakay na ako ng kotse ng biglang may nagsalita

"Sino 'yan Meng?" Sigaw ni Lola Nidora. Sheep!

"Ah lola si ano po si...." Sabi ni Maine na agad namang pinutol ni Lola Nidora

"Si Alden ba?" Unti unti napatango si Maine. Ayoko na! Sumakay na agad ako at pinaandar ang kotse at saka pinaharurot

Ba't ba ako naduduwag?! Ang tanga mo Alden! Hinding hindi ka maduduwag Alden! Hindi!

Itutuloy......
Bago magpasukan bukas, nag-update muna si otor. Susubukan ko uli mamaya, kung kaya?

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon