Part 8: Worklist/Mall

5.4K 203 5
                                    

Maine's POV
Sabado ngayon (A/N:fast forward na po 'to ah?). Gusto ko sanang lumabas kahit punta lang muna ng mall

"Alden, may gagawin ba tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya

"Meron" sabi niya habang may sinusulat sa papel

"Ano?" Pinakita niya sakin yung sinusulatan niyang papel. Worklist?

"Oh? Ano yan?" Tanong ko

"Sinulat ko dito yung mga dapat nating gawin dito" at nakita may mga gawaing bahay at may mga pangalan namin

"Bakit parang ang unfair? Ang dami mong gagawin?" Sita ko pano ba naman kasi eto yung worklist niya

Maine:
Maglalaba (ng sariling damit)
Maghuhugas ng plato
Magwawalis
Mag-aayos ng gamit sa kwarto

Alden:
Magluluto
Maglilinis ng banyo
Magmamop
Maglalaba (ng sariling damit)
Mag-aayos ng sirang gamit
Maglilinis ng bahay

"Hayaan mo na. Gawain naman yan eh" sabi niya

"Hindi, magpalit tayo" sabi ko

"No, wala ng bawian. Bukas na bukas gagawin na natin 'to" at umalis siya sa harapan ko at pumuntang kwarto
——————————
Ako na lang ang pupunta ng mall. Nakaligo na ako at nakabihis na. Hindi ko na sinama si Alden kasi mukhang pagod, tulog ngayon eh. Baka magalit pa yun.

——————————
*in mall*
Nandito na ako sa SM Megamall ❤_❤! Lagi akong pumupunta dito non! Pumunta ako sa FOREVER 21 para tumingin ng mga damit

After 10 minutes......
Nakahanap na ako ng damit at sinukat ko. Kasya sakin ❤_❤

*booogssh* (A/N: bangga po yan haha)

"Sorry miss" sabi sakin ng lalaki na nakayuko

"'Di okay lang" at tumingin siya sakin

"Maine?!/Jake?!" Sabay naming sabi. Oo nga pala, kaklase namin si siya ni Alden

"Bakit ka nandito? Nasan si Alden?" Tanong niya sakin

"Ah? Lagi kasi akong pumupunta dito. Si Alden? Ayun nasa condo. Tulog" sabi ko

"Ah ganun ba?"

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko naman sa kanya

"Wala lang, may imimeet dapat ako tapos dito kami magkikita pero hindi daw siya nakapunta eh" sabi niya

"Ah ganun ba? Sige magbabayad na ako. Bye" at umalis na ako

"Wait lang Maine!" At hinila niya ako

"Ako na magbabayad nyan" sabi niya

"Nako! Wag na! Akin naman 'to eh atsaka may pera naman ako eh" sabi ko

"Hindi, ako na!" Pagpipilit niya

"Sige na nga! Ang kulit mo eh!" Naglakad na lang ako uli at sinundan niya ako

"Ma'am, ₱999.00 po" ano ba yan hindi pa ginawang ₱1,000.00 may sukli pa kasing piso. Ano naman  gagawin ko dito? Ibibigay ko na lang sa pulubi -_-. Binigay sakin ni Jake yung pera niya

"Tara na" sabi niya sakin

"Teka? San tayo pupunta?" Tanong ko

"San pa ba? Edi kakain tayo. Libre ko" hinila na naman niya ako

"Jake, wag na. Ililibre mo na naman ba ako? Wag na, nakakahiya sa'yo"

"Ba't ka naman mahihiya? Eh magkaibigan at magkaklase naman na tayo?" Sabi niya

"Sige na nga. Pero last na 'to ha?" At tumango lang siya
———————————
Nandito na kami sa foodcourt

"Ah Jake, magc-cr lang muna ako ha?" Pagpapaalam ko

"Sige sige, hihintayin kita dito" sabi niya, ngiti lang ang naisagot ko at umalis na akong papuntang cr

(A/N: Tapos na daw umihi si Maine? Ha)

Nakalabas na ako ng cr. At may nakita akong........

PANDAAAAA!!!!! (A/N: Actually, si author ang may gusto ko panda haha)

Tumakbo ako papunta dun pero may nakabangga na naman ako. Bawat saglit ba may mababangga ako?

"Sorry po kuya" nakayuko kong sabi

"'Di kasi nag-iingat eh" wait? Parang kilala ko yung boses niya. Tumingin ako at siya nga......

Si Alden

Alden's POV (Eto pong POV na 'to eto po yung time na umalis si Maine)

Nakatulog ako kanina. Paggising ko lumabas ako ng kwarto at tinawag ko si Maine

"Maine?" Kinukusot ko pa yung mata ko ngayon

"Maine?" Pangalawa kong tawag. Pagmulat ko wala siya. San naman nagpunta yun? Tinawagan ko si Valeen baka magkasama sila

"Valeen?"

(Oh Alden, napatawag ka?)

"Kasama mo ba si Maine?"

(Hindi eh, bakit kayo? Diba magkasama kayo? Wala ba siya dyan?)

"Wala eh, paggising ko wala na siya eh"

(Baka nasa SM Megamall yun. Lagi yun nagpupunta dun)

"Ah ganun ba? Sige salamat. Bye"

(Bye)

Call Ended
—————————
After 30 minutes....
Nandito na ako sa mall (syempre naligo at nakalagbihis na siya). Kanina ko pa siya hinahanap pero wala talaga siya eh. Pupunta muna ako sa cr pero may nakabangga sa akin

"Sorry po kuya" mahina niyang sabi at nakayuko siya

"'Di ka kasi nag-iingat eh" inaayos ko ang damit ko at ramdam ko na tumingin siya sakin at tumingin din ako sa kanya

Thank God, nahanap na rin kita

Itutuloy....
——————————
Waaaaaah! Jusmiyooo! Thank you sa 1k reads! Thank you sa mga nagbabasa sa story na 'to at sa mga bumobot. Thank you sa patuloy na nagbabasa neto. Salamuch! Love lots!!

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon