Part 46: Valentines Date

3K 110 2
                                    

Maine's POV
February 14, 20** at 7:13 am...

Kahit anong oras daw kami pumasok kasi may presentation kami sa mga teachers namin

Kaya late na ako pumasok. Hihi ^_^

"Maine! Bilisan mo! May naghihintay sa'yo!" Sabi ni Valeen habang hila hila ako

Lakad kami ng lakad hanggang sa tumigil na kaming naglakad

Nakita kong may mga petals ng roses na nakakalat

Alam ko na kung sino gumawa neto

Sino pa ba? Edi si....

My gwapong cutie na gentleman na maka-Diyos na mabait at Campus Heartthrob kong boyfriend, si Alden! ♥_♥

Humarap siya sakin at binigyan niya ako ng tatlong roses

"Happy Valentines Day, love!" Bati sakin ni Alden

Napangiti naman ako

"Happy Valentines din, love!" Bati ko rin sa kanya

Mukha tuloy kaming PDA dito

"Alam mo ba ibig sabihin niyan?" Tanong niya at tumango lang ako

'I Love You' ^_^

Nakita kong nilabas niya 'yung phone niya at parang nagalit ata siya? Tumingin siya sa paligid niya

Nako! Baka may babae na siya?! Nako! Malalagot sakin 'yan! Bwiset!

Binigyan ko siya ng 'Sino-'yan' look

"Ahm, wala. Someone na hindi nagpapakilala." Sabi niya. Inakbayan naman niya ako habang naglalakad kami

Yeah. Alam kong maraming nakatingin sa'min -,-. Psh, inggit lang kasi sila. Hahaha

Alden's POV
Pagkatapos kong sinorpresa si Maine, biglang may nagtext sakin

From: Stranger
How sweet! Sinorpresa mo pa si Maine! Balang araw,  mangyayari din sa'ting dalawa 'yan kapag nawala na si Maine

Yeah. Stranger na 'yung pangalan niya

Hindi ako naniniwala sa 'Don't talk to strangers'. Eh paano ka magkakaroon ng kaibigan o yung girlfriend ko?! Diba?

Tumingin ako sa paligid ko. Kutob ko it's either na classmate or schoolmate namin siya...

Pumunta na lang kami sa room ni Maine

"Ba't ganyan mukha mo?" Tanong ni Jerald sakin

"Parang kasi, parang may nagbabanta sa b-buhay ni Maine." Nauutal kong sabi

Malayo naman si Maine sakin kasi nakikipagkwentuhan siya sa kela Valeen at Patricia

"Huh? Kung meron, sino naman 'yun?" Tanong ni Jerald

"Ewan ko. Basta may nagtetext na lang sa'kin." Explain ko naman

"Patingin nga." Sabi niya

Kinuha ko ang cellphone ko at binigay ko sa kanya

Binasa niya yung text message

"Parang kaschoolmate lang natin 'yan." -Jerald

"Hindi kaya si Julia?" Pagpapatuloy niya

"Kasi, diba bagong kaibigan niyo lang siya? Tapos baka may gusto sa'yo kaya may masamang balak. Balak ka niya agawin. Papatayin niya si Mai----."

"Sh*t! 'Wag mo nang ituloy! Kinakabahan ako!" Sabi ko

Napafacepalm na lang ako

"Goodmorning mga bro's! Good----." Naputol 'yung sinabi ni Sam nang nakita niya ako

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon