Maine's POV
Nahihirapan akong maglakad ngayon. Kanina pa nagtetext sakin si AldenAyoko mag-reply sa kanya. Galit ako sa kanya. Pero dahil lang sa dahilan na yun? Pero hindi eh, galit talaga ako na hindi. Aish! Ewan ko, ang gulo! Tatawid na sana ako pero....
"Ahhhhhhhh!" Muntik na ako masagasaan. Lumabas yung driver at saka tinulungan niya ako tumayo
"Sorry iha. Mabilis ata ang takbo ng kotse ko" sabi niya
"Hindi po, kasalanan ko po. Kasi....." Pinutol niya ang sinabi ko
"Hindi okay lang rin yun. Saan ba yung bahay mo o condo mo? Ihahatid na kita" sabi niya
"Ay! Hindi na po! Maglalakad na lang po ako mag-isa" sabi ko naman
"Hindi iha, mukhang pilay ka at muntik na kita masagasaan" sabi niya. No choice kundi papayag ako
"Sige na nga po" at inalalayan niya akong sumakay
—————————
Bago kami pumunta ng condo ko. Napansin ko parang iba yung dinadaanan namin. Pero pagtigil namin, parang familliar sakin 'tong lugar na"Iha, dito ka muna. May kukunin lang ako dun sa loob"
"Sige po" pumasok na yung lalaki sa condo. Parang eto ata yung condo na tinitirhan ni Alden
Pagkatapos ng limang minuto, bumalik naman na siya
"Sino po ba yung hinahanap niyo dyan?" Tanong ko habang nagdadrive na siya
"Anak ko kasi yung nandyan. Pero pag kita ko sa kwarto niya wala siya" sabi niya. Hindi kaya si Alden yung tinutukoy niya?
"Ano po ba name ng anak niyo?" Tanong ko
"Richard Reyes Faulkerson Jr. Ang real name niya. Pero ang pangalan niya Alden Richards" sabi ko na nga ba eh! Si Alden yung tinutukoy niya
"Kilala ko po siya. Kaschoolmate ko po siya" sabi ko. Hindi ko sinabi na fake boyfriend ko si Alden, baka mabigla siya
"Ah ganun ba? Ano bang pangalan mo?" Tanong niya sakin
"Nicomaine Dei Capili Mendoza po yung real name ko pero Maine Mendoza na lang po" sabi ko naman
Alden's POV
Nakalipas na ng 30 minutes nung galing ako sa school. Nandito na ako sa condo na tinitirahan ni Maine, nandito ako sa sala. Hinihintay siyaHabang nanonood ako, biglang may nagdoorbell. Baka si Maine na yan. Pumunta agad ako sa pintuan at saka ko binuksan
"Maine!" Agad ko naman siyang niyakap
"Alden, may bisita ngayon. Kaya pwede...." Nilalayo niya ako sa kanya
"Sino ba bisita natin?" Tanong ko
"Tignan mo kaya sa labas?" Sabi niya at saka siya pumasok. Nagulat ako sa nakita ko
"Dad?" Yan lang ang salitang nabanggit ko nang nakita ko yung Daddy ko
"Anak" at saka niya ako niyakap at niyakap ko rin siya
"I miss you so much, Dad" sabi ko habang nakayakap ako sa kanya
"I miss you too, anak" sabi niya. Nilayo niya ako sa pagyakap niya sakin
"Kamusta ang buhay anak? May lovelife ka na ba?" Tumingin ako kay Maine at ayun, naghahanda ng makakain
Napangiti ako sa tanong ni Dad
"Anak, mukhang meron na ah?" Tinapik niya ang balikat ko
"Po? Meron po hehe" napakamot na lang ako
"Sino naman yun? Pwede mo ba ako ipakilala dun?" Sabi sakin ni Dad. Umupo kami sa sofa
"Sino ba kasi yun, Alden?" Tanong uli sakin ni Dad. Tumingin ako kay Maine
"Siya? Si Maine?"
"Yes dad" tumango ako
"Ahhh, eto po oh. Kain po muna kayo" binaba niya yung tray na may mga pagkain at inalapag niya yung pagkain sa tapat namin
"Iha, bakit di mo man lang sinabi sakin na boyfriend mo pala 'tong anak ko?" Tinignan ko uli si Maine, halatang gulat na gulat siya
"Ah, kasi po baka magulat po kayo eh" at yumuko siya
"Bakit naman ako magugulat? Eh masaya nga ako na may first love na 'tong anak ko eh?" Lumapit sakin si Maine
"Hindi ba alam ng tatay mo na may girlfriend ka nung una?" Bulong niya sakin
"Hindi niya alam, kasi matagal nang wala si Daddy kaya hindi ko pa nakukwento sa kanya" bulong ko din sa kanya, para hindi kami marinig ni Daddy
"Ano pinag-uusapan niyo dyan? Magkakaroon na ba ako ng apo?" Natawa lang kami ni Maine sa sinabi ni Daddy
————————
Inabot na kami ng gabi kakakwento. Matutulog na kami ngayon, nakauwi na si Daddy. Pinatira ko muna siya sa condo na ginagamit ko dati. Nakahiga na kami ngayon at magkatabi kami"Maine" tawag ko sakanya
"Hmmm?" Lumimgon siya sakin
"Sorry kanina ah? Yung nangyari sa school" sabi ko
"Nako, mali rin ako. Magagalit ako, dahil sa ganong dahilan lang?" Sabi niya
"Sorry" sabay naming sabi
"Okay lang yun" sabay namin uling sabi. At niyakap namin ang isa't isa
Nakakalimutan ko na fake lang 'tong relasyon namin. Kung pwede lang sana, totoo na 'to at hindi peke
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
[C] The Campus Heartthrob Is My Boyfriend
Fanfiction*SINULAT KO TO SA MGA PANAHONG CRINGEY YEARS KO KAYA ASAHAN NIYO NA CORNY TO* Sinabi na nung title... Highest Rank: (Fanfiction) #36 : (Maiden) #28