Part 16: Sorry/Gown

4.7K 157 6
                                    

Maine's POV
Nag-alala kami nung nagwalk-out si Alden

"Ogag kasi kayo eh! Nag-walk out tuloy!" Sabi ni Sam

"Wow ha! Hiyang hiya kami sa'yo! Eh tumawa ka nga rin eh!" Sabi naman ni Valeen

"Oo nga! Kaya wag mo kaming pagalitan!" Sabi naman ni Jerald

"Hoy! Wag na nga kayong mag-away dyan. Hindi 'yan ang solusyon para mahanap natin si Alden!" Sabi ko

Tinext ko na si Alden pero hindi siya sumasagot

Tinext ko na si Alden pero hindi siya sumasagot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi pa rin siya nagrereply sa mga sagot ko. Galit nga yun

"Talagang hindi mo pa pinapalitan yung pangalan ni Alden dyan ah?" Sabi ni Sam. Inirapan ko lang siya at tumahimik ako

"Okay, silent means stop!" At tinaas niya yung dalawang kamay niya na parang hinuhuli siya ng mga pulis

"Meng, subukan mo nga tawagin yung Daddy niya. Baka alam ng Daddy ni Alden kung nasan si Alden" sabi naman ni Patricia

"Tama! Sige sige!"

Buti may number ako ng Daddy ni Alden

Dialling Alden's dad.....

Call ended

Try ko uli, baka kasi tulog na yung Daddy niya. Pero bakit cinall end niya?

Dialling Alden's Dad

(Hello?) Yun! Sumagot din

"Ah hello po, natutulog na po ba kayo?"

(Matutulog pa lang sana)

"Ah okay po. Sorry po ah? By the way po, nandyan po ba si Alden?"

(Ah, w-wala siya dito)

"Ah ganun po ba? Sorry po sa abala. Thank you na lang po"

(Sige iha, bye)

"Bye po"

Call Ended

Nakakahiya, matutulog na nga sana yung tao pero naistorbo ko pa ata

"Ano daw?" Tanong ni Valeen

"Wala daw siya dun bessy eh" at nalungkot ako nung sinabi ko yun

"Kasalanan ko 'to. Ako kasi ang unang tumawa eh" napayuko ako nung sinabi ko yun

"Maine, wag mong sisihin ang sarili mo. Lahat tayo ang may kasalanan" pagcocomfort sakin ni Patricia

Kinabukasan...
Pag dating ko kagabi dito, wala siya. Kaya mag-isa ako natulog kagabi. Buti pa nga eh nakatulog pa ako. Nandito na kami sa room, baka papasok si Alden

Mga ilang minuto, pumasok si Alden sa room. Tumabi siya sakin

"Good morning!" Bati ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin, kinuha niya yung earphones niya at saka nagpatugtog sa cellphone niya

Alden's POV
Recess time na namin ngayon. Pero may biglang sumigaw

"ALDEN!! ALDEN!!" Sigaw ng isang babae. Paglingon ko ay si Valeen

"Bakit Valeen, anyare?" Tanong ko

"Si Maine!" Sabi niya

"Bakit? Anong nangyare kay Maine?" Natataranta kong tanong

"Nasa clinic!" Sabi niya

"Huh?!" Gulat na sabi ko

"Tara na!" Hinila niya ako papuntang clinic

Nakita ko si Maine na nakahiga dun sa kama at tulog

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko

"Dahil 'to sa kagagagawan mo Alden!" Sabi ni Patricia

"Alam mo ba na hindi na siya kumain kagabi? Alam mo ba na muntik na hindi siya nakatulog kagabi? At alam mo ba na hindi siya kumain kaninang umaga dahil hindi ka niya kasama?" Pagpapatuloy ni Patricia. Napayuko ako sa kahihiyan

"Nasan ka nang kailangan ka ni Maine? Yung kailangan ka sa tabi niya!" Sigaw ni Patricia. Tama siya. Tama si Patricia, nasan nga ba ako nang kailangan ako ni Maine? Isang malaking kahihiyan sa akin 'to

"Sorry" nakayuko pa rin ako hanggang ngayon

"Magsorry ka muna kay Maine. Kapag napatawad ka na niya, papatawarin ka na rin namin" sabi ni Jerald at saka tinapik niya ang balikat ko. Umalis sila sa clinic, tanging ako lang at si Maine dito sa kwarto na 'to

Maine's POV
Nagising ako sa kwarto na puti. Inikot ko ang mga mata ko, at clinic 'to. Ramdam ko na may nakahawak sa kamay ko. Yun pala si Alden. Ginalaw ko yung kamay ko para alam niya gising ako

"Hmmmm" at tinaas niya ang ulo niya. Tumayo agad siya

"Maine, ano okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Tanong niya sakin

"Okay lang ako, Alden" sabi ko

"Ahhhmmm, sorry nga pala Maine kagabi ah? Pikunin kasi ako eh. Masyado rin kasi akong sensitive" sabi niya at yumuko siya

"Okay lang yun Alden. Naintindihan naman kita eh" sabi ko at napangiti siya sa sinabi ko

"Binantayan mo ba ako?" Tanong ko

"Oo naman, para sa taong mahal ko!" Kumindat siya. My ghaad, ang gwapo niya ❤_❤

"Anong subject na pala ngayon?" Tanong ko uli

"It's our last subject, Filipino" sabi niya

"What?! May two subjects akong nilagpasan?!" Gulat kong sabi

"Correction ha? Tayo hindi ako" sabi niya and he smirked

"Naku, sorry Alden! Nadamay ka pa!" Sabi ko

"Okay nga lang yun! Kulit mo ah?" Sabi niya at napatawa lang ako

Narinig namin ang bell means uwian na. Inalalayan ako ni Alden sa pagtay hanggang sa paglabas

"BEEESSSSYYY!!!" Sigaw ng dalawang babae na abnormal

"Ano?! Parang 5 years tayong hindi nagkita kita ah?!" Sabi ko sa kanila. Pano ba naman kasi ang higpit ng yakap nila sa akin

"Sorry naman bessy! Pano ba naman kasi, 3 subjects ka namin hindi nakita?!" Sabi ni Valeen

"Alam niyo ang O-O.A niyo!" And I smirked

"By the way, sabi nga pala ni sir. Dapat daw may mga gown ka na. So, mall uli tayo!" Sabi naman ni Patricia

"What?! Na naman?!" Hinila na nila agad ako
——————————
Sila Valeen at Patricia kung ano anong gown at dress ang pinagsususukat nila sa akin

Pero may dalawang gown na silang napili. Yung isa mahaba yung sa likod, tapos yung isa naman sakto lang yung haba. May dalawang dress rin silang napili. Parehong above the knee pero magkaibang kulay

Hindi nangialam yung mga boys kasi pagdating daw sa fashion wala daw silang alam.

Umuwi na kami ni Alden sa condo ko. Oo, bumalik na uli siya sakin at nangako na naman siya sakin. Sana hindi na ginawa ang sinungaling na word at gawa para maging totoo ang lahat na sinasabi nilang lahat

Itutuloy....

Waaaahhh! Naglelevel up na tayo! #223 in Fanfiction na 'tong book na 'to!❤_❤!  Thank you very much talaga sa inyo. Kaso minsan nawawala siya sa fangiction :( pero bumabalik naman minsan. Sa pagdating ng pasko, wag niyo masyadong iasam na mag-update kasi alam niyo na, celebrate celebrate kami, videoke videoke kami. Haha! Pero i'll try na mag-uupdate ako :)

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon