Maine's POV
Pagkatapos naming mag-recess, may in-announce si Alden. Nandito kaming lahat sa court para alam ng buong estudyante"May announcement ako, lalo na sa pinakamaganda sa mga rooms niyo" nagtaka ang iba, ang iba naman tinutulak nila yung pinakamagandang babae
"Dahil, magkakaroon tayo ng pageant" sabi niya
"Magsibalik na kayo sa room niyo at mag-usap usap kayo kung sino ang pambato niyo" nagsilaalisan na yung mga estudyante
—————————
Nandito na kami sa room"Gaya nga ng sabi ni Alden kanina, sino ang magiging pambato natin?" Tanong ng professor namin
"MAINE!!" Sigaw nilang lahat at isa nandun yung mga kaibigan ko at si Alden. Bakit ako?
"Huh? Bakit ako? Nandito naman sila Valeen at Patricia at saka ibang babae"
"Nako! Kung sasali man ako? Sa Miss Universe na lang!" Sabi ni Valeen. Nag-imagine siya na may corona na nilagay sa ulo niya
"Valeng! Hindi bagay sa'yo yun! Mas bagay sa akin!" Pang-aagaw naman ni Patricia ng korona ni Valeen
"Hoy! Hoy! Tama na nga yan! Hindi naman Miss Universe ang pinag-uusapan dito eh!" Pagsasaway ni Alden
"Maine, do you want to join in the pageant?" Tanong ng professor namin
"Ahhh...eehhh..." Di ko masabi kung oo o hindi. Tumingin ako kay Alden. Tumango siya
"I-yes mo na" mahinang sabi niya. Kahit mahina, rinig ko naman
"Yes or no?" Tanong uli ng professor namin
"Yes na"
"Oo nga. I-yes mo na"
"Don't worry, susuportahan ka naming lahat"
"Ikakasaya naming lahat 'pag nag-yes ka"Yan yung mga naririnig ko sa paligid ko
"Sige na nga. Yes na nga. Para sa ikakasaya ng lahat" sabi ko at nagcross arms ako. Nagsigawan silang lahat. Napangiti na lang ako nang may nakita ako nagtalunan lalo na 'tong si Alden
"Magsiupo nga kayo!" Pagsasaway ng professor namin
"Pffffft! Haha!" Tawa ko
"Why are you laughing, Ms. Mendoza?" Tanong ng professor namin
"Ahh, wala po sir" pinipilit kong hindi tumawa
"Nako! Girl! Kaming bahala sa'yo ni Patring! Kami yung magmemake up sa'yo, magpapaganda sa'yo para manalo ka sa gabing yon. Teka gabi ba?" Sabi ni Valeen na sabay tingin kay Alden
"Oo, gabi magaganap yun" at ngumiti siya
"Kailan ba yan magaganap?" Tanong ni Patring
"Sabi ni Dad, sa August 4 na" O_O what?!
"Ha?! Eh July 27 na eh!" Sabi ko
"Don't worry girl! Maghahanap tayo ng damit mo!" Sabi ni Valeen
"Syempre yung bongga, para kabog!" Sabi naman ni Patricia. Ang kulit talaga netong dalawa
"Hoy! Tigilan niyo nga yang kalokohan niyo!" Saway ni Alden sa dalawa
"Yan!" Sabi ko naman
—————————
Uwian na namin. Niyaya nila ako na magpunta ng mall. Magkakakasama kami nila Alden, Valeen, Patricia, Jerald, Sam at ako"Alden, libre mo naman kami oh! Ikaw ang pinakamayaman dito satin!" Sabi ni Valeen
"Oo nga!" Sabi naman ni Patricia
"Manglilibre na yan!" Sabi ni Jerald
"Manglilibre na yan!" Sabay na silang dalawa ni Sam at Jerald
"Manglilibre na yan!" At nakisabay na sila Patricia at Valeen sa dalawa
"Huy! Tumahimik nga kayo! Nakakahiya kaya!" Saway ni Alden sa kanila
"Tatahimik lang kami kapag nanlibre ka!" Sabi ni Valeen at nangdila siya
"Oo na, sige na. Manglilibre na ako. Basta tumahimik na kayo" sabi ni Alden
"Yes!" Sabay sabay nilang sabi nilang apat (V, P, J & S)
Nilibre kami ni Alden sa DQ (Dairy Queen). Pero napansin ko na mukhang bad mood na naman siya. Dahil ba nanglibre sila at nasali lang ako?
"Bakit parang galit ka?" Tanong ko sa kanya. Magkatabi kami ngayon
"Wala, may naalala lang ako dito" sabay kain ng ice cream niya
"Ano o sino naman yun?" Tanong ko uli sa kanya
"Wala" pag-iiwas niya
"Wala? Eh, sabi mo may naaalala ka" sabi ko naman. Medyo nakakainis siya, sabi niya may naaalala siya pero ngayon wala?
"Okay fine, sasabihin ko na. Naalala ko kayo ni Jake dito" yumuko siya pagkatapos niya sabihin 'yon
"Alden, hayaan mo na yun. Basta intindihin mo 'ko" at tinapik ko ang balikat niya. Kinuha niya ang kamay ko sa balikat niya at hinalikan niya ito
"Ehem! Nakaka-op dito!" Sigaw nilang apat
"Hoy! Samir! Magtapat ka na nga ng feelings mo dyan kay Patring!" Sabi ni Alden. Whut? May gusto siya kay Patty?
"Ikaw din Je! Para di ka ma-op, magtapat ka na rin ng feelings mo dyan kay Valeen!" Panglalaglag niya kay Jerald
"Totoo ba 'yun?" Tanong nila Valeen at Patricia
"Oo, sinabi nila sakin" sabi naman ni Alden
"Fvck Alden! Ba't mo sinabi?!" Sabi ni Sam. Nakakatawa pala siya pag galit siya
"Oo nga! Subukan mo talaga Alden, kapag may sikreto kang sinabi sakin, ilalaglag din kita!" Sabay turo niya kay Alden
"Sige magalit pa kayo sakin, hindi ko na kayo ililibre" sabi ni Alden at umiwas siya ng tingin kela Sam at Jerald
"De joke lang yun!" Sabi ni Sam
"Joke lang! Hindi naman mabiro! Labyu fafa Alden!" Sabi ni Jerald na parang nagbaklabaklaan siya. Kaming mga girls? Tawa lang kami ng tawa
Nakakaturn-on si Alden. Minsan, 24 years old minsan naman payb years old siya. Ang cucute nila, pero mas cute si Alden. Para silang bata na nag-aaway-away
Itutuloy....
—————————
Bukas o sa isang araw na lang uli ako mag-uupdate. Thank you
BINABASA MO ANG
[C] The Campus Heartthrob Is My Boyfriend
Fanfiction*SINULAT KO TO SA MGA PANAHONG CRINGEY YEARS KO KAYA ASAHAN NIYO NA CORNY TO* Sinabi na nung title... Highest Rank: (Fanfiction) #36 : (Maiden) #28