Part 18: The Candidates

4.2K 116 9
                                    

Maine's POV
Nandito kami sa bulletin board. Dito daw kasi nakasulat yung mga sasaling candidates

1. Margarette Dela Rosa
2. Anna Krystel Gonzales
3. Georgia Rivera
4. Annabelle Benigno
5. Samantha De Guzman
6. Nicole Villanueva
7. Anjunette Dantes
8. Sharon Garcia
9. Allyson Padilla
10. Barbie Lopez
11. Janice De Castro
12. Yna Ramos
13. Maria Cervantes
14. Trixia Bautista
15. Cecille Santos
16. Pia Dizon
17. Ariella Frida
18. Jenny Almorena
19. Leah Delos Reyes
20. Maine Mendoza

Ako pa yung pinakahuli ah?! Haysss okay na yun! Pero si Leah yung nagdala eh!

Pagkapasok ko tinanong na nila agad ako

"May kakilala ka bang kasali doon?" Tanong sa akin ni Valeen

"Oo" sagot ko sa tanong niya

"Sino naman 'yun?" Tanong naman ni Patricia. Tumingin ako kay Alden at nagtaka siya

"Si Alden? Kasali dun?" Sabi ni Sam agad naman siyang binatukan ni Jerald

"Ogag! Si Alden? Sasali dun? Dapak!" Sabi naman ni Jerald

"Ba't ka nakatingin sa akin?" Sabi ni Alden

"Yung ex mo, kasali dun. At ang mas malala, kasunod ko siya" sabi ko

"ANO?!" Sigaw nilang lahat

"Aray! Mababasag na eardrums ko!" Sigaw ko rin

"Naku! Delikado na dun!" Pagsisingit ni Liza

"Kami lang nag-uusap dito, oy!" Sabi ni Patricia

"Maine, okay lang 'yan. Kasama mo naman kami ni Patricia, Liza at Nadine eh!" Sabi ni Valeen sa akin

"Kapag inaway ka niya, reresbakin namin yun! Nanak-outin namin yun!" Sabi ni Nadine sabay suntok sa kaliwang niyang kamay

"Nadine, chill lang! Pinapakita mo na naman yang pag-aaral mo sa kung fu!" Sabi naman ni Liza

"Good morning class!" Sigaw ni Sir Justin. Agad naman kaming umupo sa mga upuan namin

"So Maine, may mga damit ka na ba for the pageant?" Tanong ni Sir

"Yes po sir. Kumpletong kumpleto na po!" Masiglang sabi ko

"Good!" Sabi naman ni Sir

Nagsimula na siyang magdiscuss
—————————
Pagdaring ng recess....

"Guys, wag tayo sa canteen kumain" sabi ni Valeen

"Eh, saan naman?" Tanong ni Alden

"Dun tayo sa may 7/11. Dyan lang oh, sa tapat" sabay turo niya sa tapat (Meron po talaga. Yung isa po dito sa school tapat niya po 7/11)

"Sige na nga. Basta KKB. Kasi malulugi ako eh. Lagi na lang ako yung nanglilibre" sabi ni Alden

"KKB?" Tanong ni Patricia

"Obob! Kanya kanya bili o kanya kanyang bayad yun!" Sigaw ni Sam

"Ikaw talagang bumbay ka! Nakakainis ka na eh!" Sabi ni Patricia

"Nako, dyan nagsisimula 'yan!" Sabi ko

"Sige ba! KKB tayo!" Sabi ni Jerald

"Tara na!" Sabi ko at umalis na ako, sinunod naman nila ako

Bumili kami ng tig-40 na slurpee. Tapos may kanya kanya kaming mga chichirya

"Penge ako Maine" sabi ni Valeen at kumuha siya sa Piattos ko

"Penge rin ako!" Sabi ko kay Valeen at kumuha ako ng Nova niya

"Guys, balik na tayo ng room" sabi ni Patricia

"Tara!" Sabi ni Alden

Pagkadating namin sa school...

"Guys, kunin ko lang yung phone ko ah? Baka tumatawag sakin si Nanay" pagpapaalam ko

"Sige! Hintayin ka namin dito!" Sabi ni Valeen

Bago ako pumasok sa room, biglang may kumuha ng slurpee ko at binuksan niya yun at tinapunan ako

"Leah?!" Sigaw ko

Alden's POV
"Ang tagal naman ng babaeng yun" sabi ni Patricia

Ang tagal na niya hindi bumabalik dito. Nag-aalala na ako sa kanya

"Guys, hanapin ko lang si Maine ah?" Pagpapaalam ko sa kanila. Tumango naman sila at tumakbo na ako paalis

Bago sa room, may pinagkakagukuhan dun. Baka si Maine na yun

Nakita ko ang isang babae na umiiyak at tawa naman ng tawa ang.... Si Leah?! Si Maine, sinaktan niya? Alam ko na lagi niyang sinasaktan si Maine

"Leah! Anong ginagawa mo kay Maine?"

"Pinaparusahan ko siya, dahil inagaw ka niya sa akin" sabi ni Leah at nagsmirked

"Langya ka! Ikaw ang mismong nakipagbreak sa akin tapos sasabihin mo na inagaw niya ako sayo! Wala ka na bang ibang magawa sa buhay Leah? Ba't di ka manglandi ng iba uli?" Sabi ko at sinampal niya ako

"How dare you, Alden! 'Yan na ba ang naimpluwensya sa iyo ng babaeng 'yan?!" Sabi niya habang turo turo niya si Maine na nakaupo sa sahig at umiiyak

"Tara na Maine" tutulungan ko na sana siyang tumayo pero tinulak na naman niya si Maine

"Leah, pwede ba?! Tumigil ka na! Titigil ka o papakick-out kita dito sa school?!" Sabi ko. Iniripan niya lang ako bago siya umalis

Umupo ako sa tabi niya at niyakap ko siya. Hinayaan ko lang siya ng umiyak siya sa dibdib ko

Itutuloy.....

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon