Maine's POV
Ginawa ko na ang daily routine ko at papasok na ako"Divina..." Nilingon ko kung saan galing 'yun, at si Lola Nidora
"Bakit po lola?" Tanong ko
"Kinuha o nakita mo ba ang cellphone mo?" Tanong ni Lola
"H-hindi po. Ni hindi ko nga po alam kung saan nakalagay 'yun eh" pagsisinungaling ko
"Oh sige, pumasok ka na at baka malate ka pa" sabi ni Lola. Nagwave ako sa kanya bago ako umalis
Alden's POV
Iniisip ko pa rin 'yung nangyari kagabi. Totoo ba 'yun? Hinalikan ko si Maine sa labi? Kung tanungin ko kaya siya? Pero... Augh! Wag na nga lang, pero mas maganda kung sasabihin pero... Aysss! Bahala na!Nandyan na siya....
"Guys, mall tayo mamaya after class ah?" Sabi ni Maine at umupo sa tabi ko. Oo, nasa tabi ko pa rin siya
Alam ko naman na hindi na naman niya ako isasama eh. Simula nung hindi kami nagpansinan, hindi na niya ako sinasama sa mga gala niya
"Gusto mo sumama?" Nagulat ako nang tinanong niya ako. Gusto niya ako isama?
"Huh? S-sure ka ba?" Gulat na sabi ko
"Oo naman! Ang tagal na kaya hindi tayo magkasama!" Hindi ako makapaniwala
"Sige ba!" Sabi ko sabay ngiti
"Dahil kasama si Alden, manglilibre siya!" Sigaw ni Jerald
"Asa ka! Lols!" At dinilaan ko siya
---------
Nandito na kami sa Timezone"San tayo?" Tanong ni Maine
"Timezone muna tayo!" Sabi ni Valeen
Pumunta na kami sa Timezone. Ginamit nila 'yung Timezone card ko
"DenDen, laro ka basketball!" Sabi ni Maine at ngumiti siya
"Ayoko, nahihiya ako" sabi oo at nagtago ako sa sarili ko
"Sus! Diba dati pumunta tayo dito? Tapos naglaro ka? Diba?" Sabi ni Maine
"Muling ibalik ang tamis ng lag-ibig🎵🎶!" Sabi ng apat. Sino pa ba? Edi sila, JerLeenSamPat
"Tumahimik nga kayo!" Sigaw ko
"Please, laro ka ba!" Sabi ni Maine habang tumatalon na parang bata
"Oo na, sige na! Wag ka ng makulit!" Sabi ko. Binaba ko ang bag ko at ini-swipe ko na ang card
Nagsimula na ako mag-shoot ng bola
Natapos na yung laro. 156 'yung score ko
"Ang galing ng fafa ko! Labyu fafa Alden!" At niyakap yakap niya ako. Sino pa ba tumatawag sakin ng fafa?!
"Umalis ka na nga! Kung pwede, kay Valeen mo 'yan gawin?!" Pambubuking ko. Haha! At lumayo siya sakin
"Tsk!" Sabi ni Jerald
Nakita ko si Maine sa 'Claw Machine' kumukuha ng panda na teddy bear.
"Okay ka kang ba dyan, Maine?" Tanong ko
"Hindi nga eh. Hindi ko kasi makuha 'yung panda na teddy bear eh" at nagpout siya. Ang cute niya pa rin ❤_❤
"Lemme try this!" Sabi ko. Sinubukan ko rin na kunin 'yung panda
"Kaya mo ba kunin?" Tanong ni Maine sakin
"Oo naman! Kapatid ko nga nakuhanan ko 'yan eh!" Sabi ko habang nakatingin sa loob ng machine
BINABASA MO ANG
[C] The Campus Heartthrob Is My Boyfriend
Fanfiction*SINULAT KO TO SA MGA PANAHONG CRINGEY YEARS KO KAYA ASAHAN NIYO NA CORNY TO* Sinabi na nung title... Highest Rank: (Fanfiction) #36 : (Maiden) #28