Part 10: Truth Revealed

5.3K 169 4
                                    

Maine's POV
"Alden, nood tayo sine sa tv" yaya ko sa kanya

"Ikaw na lang, inaantok na ako" at dumeretso siya sa kwarto. Bakit parang bm (bad mood) yun? Hayssss

It's 3pm hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Alden. Ayoko naman pumasok kasi baka maistorbo ko pa siya

Lumabas na siya ng kwarto. Dumeretso naman siya sa kusina. Tinitignan ko siya, mukhang bad mood nga talaga siya. Nagtitimpla siya ng Milo niya. Pagkatapos na pagkatapos niya magtimpla ng Milo, dumeretso na naman siya sa kwarto. Matutulog na nga lang ako dito sa sofa

Alden's POV
Makalabas nga uli. May nakalimutan akong kunin. Ginagawa ko kasi yung assignment naming dalawa ni Maine. Ayoko ko siyang mapagod. Paglabas ko, nakita ko si Maine na nakahiga at natutulog sa sofa. Lumapit ako sa kanya. Tinignan ko ang maamo niya mukha. Isa lang ang narealized ko, Maganda siya. Binuhat ko siya na pabridal style at hiniga ko siya sa kama sa kwaryo. Nilagyan ko siya ng kumot sa katawan niya para hindi siya malamigan

After 1 hour......
"Hmmmm..." Narinig kong boses ni Maine. Nakita ko siyang nag-uunat. Nakatingin ako sa salamin, nakikita ko siya dun. Tinago ko kaagad ang assignment namin na ginawa ko

Maine's POV
Nagising ako na nasa kwarto na ako. Sino nagdala sakin dito?

"Sino nagdala sakin dito?" Tanong ko

"Alangan ako. Tayong dalawa lang naman tao dito eh, alangan namang maglalakad ka papunta dito sa kwarto na tulog" ang sungit niya ngayon :(

"Sorry kung natanong ko pa" tumayo na ako at lumabas na ng kwarto. Matawagan ko na nga lang si Valeng

"Hello"

(Yes? Ms. Mendoza? Ba't ka napatawag?)

"Wala lang, malungkot lang ako ngayon"

(Bakit naman Menggay?)

"Parang ang sungit sakin ni Alden"

(Baka naman may kinagalit siya)

"Baka nga. Siguro. Oo nga no"

(Bakit Menggay)

"Kasi nakita ko si Jake kanina sa mall, yung kaklase natin. Tapos kasabay namin siya kumain. Tapos niyaya niya ako sa DQ na hindi ko isasama si Alden"

(Aba selos yun)

"Bakit naman yun magseselos eh fake lang naman relasyon namin" oh sheep! Naamin ko, nadulas ako!

(What did you say? Fake lang relationship niyo?)

"Huh? A-ako? May s-sinabi? W-wala akong sinasabi no!"

(Meron! Rinig na rinig ko yung Menggay!)

"Okay fine. Oo fake lang relationship namin. Pero wag mo ipagkalat kasi magagalit sakin si Alden"

(Sige sige. Quiet lang ako dito. Ssssshhh)

"Good girl. Pero bakit ganon si Alden?"

(Baka may red days)

"Luh? Red days? Pambabae lang yun uy!"

(Haha joke lang! Pinapatawa lang kita kasi alam kong malungkot ka)

"Hayyyy ikaw talaga! Haha!"

(Kaya nga eh, bakit ganon si Alden kung fake lang naman relationship niyo?)

"Ewan....."

(Baka, may totoong feelings na siya sa'yo bessy! Hayyyy! Pag-ibig nga naman!)

"Siya? Magkakagusto sakin? Sinusungitan niya nga ako eh"

(Ganun yun. Kapag masungit siya sa'yo, iniiwasan ka nun. Alam mo kung bakit? Para hindi mo malaman na may gusto siya sa'yo)

"Ganern?"

(Ganern na ganern! Menggay!)

"Sige na, magluluto muna ako"

(Nako nako! Kahit fake lang yan ah! Tinototoo mo na!)

"Hoy! Wag ka ngang ano dyan!"

(Sige na, ipagluto mo na siya. Babye bessy!)

"Bye din bessy"

Call Ended

Magluluto muna ako para paglabas ni Alden kakain na kami

7:00 pm
"Alden!" Kumakatok ako sa pinto. Tatawagin ko na siya kasi kakain na kami

"Bakit?" Sabi niya

"Kakain na!" Biglang bumukas yung pinto

"Ikaw yung nagluto?" Tanong niya sakin. Gulo gulo yung buhok niya

"Oo bakit?"

"Sorry, nakatulog kasi ako eh. Ako sana nagluto"

"Hindi, okay lang yun. Kasi alam ko naman na parang pagod ka. Diba sabi mo, inaantok ka kanina means pagod ka. Tama?"

"Sorry talaga ah?" At yumuko siya

"Hindi, okay nga lang yun"

"Kain na lang tayo" sabi niya at pumunta na siya ng kusina

*fast forward*
*after eating*

"Ako na mag-aayos sa kwarto" sabi ko at tumayo na ako. Pero pinigilan niya ako

"Ako na Maine, ikaw na nga nagluto ikaw pa mag-aayos" sabi naman niya

"Sige" tumayo na siya at pumunta na ng kwarto pero sinundan ko siya. Nakita ko na nag-aayos na ng higaan namin

"Galit ka ba Alden?" Tanong ko

"Hindi no" and he smirked

"Tulog na tayo" pagpapatuloy niya. Humiga na siya at humiga na rin ako. At sabay na kaming natulog....

Itutuloy....
—————————
Guys sana suportahan niyo yung bago kong story. Sana suportahan niyo gaya ng pagsuporta niyo sa story na 'to. Hindi ko pa siya napupublished pero ipupublish ko siya soon. Sabihin ko na lang kung publish na siya. Thank you! Love lots

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon