NAKAGAYAK na si Janina at Drew pa airport, naisakay na mga gamit nila sa sasakyan.
"Pano Ma, tawagan nyo ako kapag parating na kayo ha, ng maihanap ko naman kyo ng matutuluyan sa manila."Paalam ni Drew.
"Anong ibig mo sabihin di mo kami pauuwiin ng Davao?"Takang tanong ng Papa nya.
"Aba naman Pa, diretso ba naman tayo agad ng Davao kapag umuwi tayo, di man lang ba natin sisilipin ang manila miss ko na din lugar na yon, kahit lang naman siguro mga 3 days tayo bago tayo magpa Davao."Salo naman ni Ameries sa tanong ng kanyang Papa.
"O sige na, bala na kayo mag-usap tatlo basta kami ng boss ko uuwi n kita nalang tayo sa Pinas."Sabay yakap sa kanyang Mama.
"O ingat kayo dalawa ha, Drew yan kasama mo?"sabay ngiti.
"Ma, ayan ka nanaman. Sige na po tutuloy na kami."Paalam nya dito.
"Ma, Pa kita nalang po tayo sa Pinas,hihintayin po namin kayo ni Drew."Paalam nya sa mag-asawa at yumakap pa sa mga ito.
"Oo anak, kompleto na ba mga gamit nyo?"tanong nito ng huli.
"Opo."Sagot ng dalaga.
"O sya sige na tumuloy na kayo baka malate kayo."Taboy na ng ina ni Drew.
"Bye, Ameries see you there."Paalam din nya sa kapatid ng binata.
"Oo teh,tutuloy natin bonding natin dun."At nagbeso na sila bago pa sumakay ng sasakyan na maghahatid sa kanila sa airport.
Habang lulan sila ng sasakyan, excitement ang mababakas sa mukha ng dalaga.
"Are you feeling happy now?"Tanong nito kay Janina.
"Ofcourse,naman di ba halata?"Ngiting naman nyang sagot.
"Sobra pa yata sa happy eh?"Sabay himas sa pisngi ng dalaga.
Hinuli ni Janina ang kamay ng binata.
"Boss, promise me your always be my bestfriend and tulungan mo ako humanap ng lovelife ah?"Seryoso nyang sabi dito habang hawak ang kamay nito.
"Oo naman boss, ikaw pa nanginginig pa. Ako din ha, ihanap mo!"Sabay tawa.
"Oo boss, tapos sana double wedding."Nagkatawanan pa silang dalawa sa imagination ni Janina.
"Wala pa nga nakikita double wedding na agad."Di mapigil ni Drew ang tawa.
Maya maya huminto na sila nasa airport na pala sila ng di nila namamalayan dahil sa kwentuhan nila.
"Dito na pala tayo."Sabibni Drew.
"Hay sa wakas boss, tatapak nanaman tayo sa Pilipinas home sweet home."Tuwang sagot ni Janina."Konting oras nalang nasa Pilipinas na yang paa mo."Biro ni Drew.
"Yes boss can't wait to smell the Philippines."Dagdag ni Nina.
"Lito, pakibaba mo nalang yun mga gamit namin. Ikaw wala ka pa ba balak mag bakasyon?"Tanong nya sa binatang driver nila.
"Pagbalik siguro ng mga parents mo uuwi din ako."Sagot naman nito.
"Ah sige, salamat ha."Paalam ni Drew dito.
"Salamat."Kaway naman ni Janina ng sinilip nya ito mula sa labas.
"Sige, kami na bahala dito."Taboy nya ni Drew.

BINABASA MO ANG
Sometime's Love Just Ain't Enough[completed/UNEDITED]
RomanceHigh school friend sila Nina at Alex...barkada! Magkasama sa mga kalokohan, saya, minsan pati sa mga secrets share lang sa isa't isa. At pito silang magkakaibigan, pero sila ang sobrang close sa isa't isa minsan daig pa nila ang aso't pusa. At ka...