EPISODE 49

1.6K 50 1
                                    

5:00 AM na ng makarating si Janina sa bahay nila Tanie,weekend nga pala kaya medyo maraming sasakyan.

Ilan beses syang nag door bell walang taong lumalabas, ilang minuto inulit nanaman nya ang pag door bell maya maya nama'y lumabas ang isang kasambahay medyo madilim pa kaya di lumabas agad ang katulong nila Tanie.

"Hi good morning, gising naba si Tanie?"Tanong nya dito.

"Ang hindi pa eh, sino po sila?"Balik tanong nito.

Medyo tumapat sya sa liwanag, kinilala sya nito.

"Teka po parang nakikita ko po kayo sa mga picture eh. Di ko lang po kabisado ang name nyo."Paliwanag nito.

"Ganun ba salamat naman may pagkakilanlan ka sa akin. Pwede mo ba sya gisingin, maghihintay nalang ako dito."Sabi nya sa katulong.

"Naku, pumasok po kayo mapapagalitan ako kapag nakita kayong nandyan sa labas."Saka binuksan ang gate.

"Salamat ha."Pumasok sya hangang sa may garden.

"Sandali po gigisingin ko."Paalam nito.

Ilang minuto pang naghintay si Janina.

Tok...tok...tok...katok sa pintuan ng katulong.

"Tanie."Tawag nito medyo may edad ito kay Tanie kaya di naman nagpapagalang ang mga ito sa katulong.

"Ho...aga naman."Sabay bukas ng pinto at pupungas pungas pa si Tanie.

"May problema po ba at ang aga nyo nanggigising?"Inis ni Tanie tanong.

"May naghahanap kasi sayo babae nandun sa garden!"Turo nito sa labas ng bahay.

"Ha, pinapasok nyo agad, sino ba yan at ang aga?"Inis ito dahil napuyat sa happenings nilang magkakaibigan ng nagdaang gabi.

"Nandun sa garden, parang namumukhaan ko nga eh!"Kamot sa sa batok ng babae.

"Sino naman kaya yan, di nyo man lang ba tinanong ano pangalan?"Kunot noong tanong nya ulit.

Napangisi tuloy ang matanda bakit nga ba di man lang nya natanong ano pangalan nito.

"Saglit lang mag-patong ako ng damit."Pumasok ulit sa loob si Tanie at kumuha ng robe at isinuot.

Nauna naglakad ang katulong kasunod si Tanie.

"Ayon sya sa garden, naka upo."sabay turo.

        Sadya ni Janina magkubli sa medyo madilim para masopresa ang kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sadya ni Janina magkubli sa medyo madilim para masopresa ang kaibigan. Nakita nyang palapit ito.
Nagsalita ito.

"Hi..good morning."Bungad nito sa kanya.

Tumayo sya at hinawi ang buhok na nakakubli sa mukha nya. Ng mapigurahan sya nito napasigaw pa ang kaibigan.

"Janina, my god ikaw ba yan."Sabay patakbong lapit at yakap sa kaibigan.

Sometime's Love Just Ain't Enough[completed/UNEDITED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon