EPISODE 52

2K 87 6
                                    

         SI CRISSA, tuwang tuwa habang nakikinig sa sa labas ng pinto. Hindi pala ito umalis at lahat ng pinag-usapan ng dalawa ay kanyang narinig.

        At di nga ito nakatiis bigla bumukas nalang ang pinto at pumasok sya na kulang nalang ay magtatalon sa tuwa.

         "Ano ka ba naman, Crissa malapit na ako himatayin sa gulat sa'yo."Inis na wika ni Janina.

         "Ako din mare, malapit na ako himatayin sa tuwa sa inyo."Sabay tili at takip sa bibig.

        "Hoy, pinsan makatili ka dyan. Nandyan ka lang pala sa labas pano kung may ginawa kami di nakita mo?"Tuwang sabi ni Alex.

        "Yun nga hinihintay ko sana, kaso ang tagal sa sobrang kilig ko di ko mapigilan sabog na yata utot ko, kakapigil."Sabay halakhak.

        "Ikaw talaga."Sabay palo ni Janina sa braso nito.

        "Pano ba sasabay na ba kayo sakin?"Excited na tanong ni Crissa.

        "Pinsan, darating din tayo dyan. Di ba 'tol?"Sabay baling sa dalaga.

        "Ha-ah, teka kakasabi mo lang di ba, you must be courting me right?"Palusot ni Nina.

        Napakamot naman ng batok ang binata.

        "Ha..ha..hah...akala mo pinsan makakalusot ka ha? Ayan kasi may nalalaman pang manliligaw ha, sige manligaw ka nga ngayon!"Asar ni Crissa sa kanyang pinsan.

         "Oo naman pinsan, kung nga yun dalawang taon na mahigit nakapag hintay ako ngayon pang maliwanag pa sa sikat ng araw na maaabot ko sya."Nilingon nya si Janina na naka tingin lang kay Crissa na pigil ang ngiti.

         "Hay naku, kailangan pa ba yan kasi?"Tanong ni Crissa sa dalawa.

         "Kung kenakailangan pinsan gagawin ko just to proved her."Sagot ni Alex.

         "Ayun naman pala, Mare willing sya mgdusa so, whats his first step?Bigyan mo ng matindi-tindi at ng matauhan."Sabay irap sa binata.

         "Witness ka Mare, sya nagsabi na willing sya to passed everything?"sabay tawa ni Nina.

           "Kaya nga, yaan mo sya."Inis na sagot ni Crissa.

           "Nasan na sila Tanie."Pagliligaw ni Janina sa usapan.

           "Pinasyal si Basha. Kain na nga tayo sayang naman 'tong binili natin kung tatangahan lang."Sabay bukas ni Crissa sa dala nilang Cake.

            "Teka kukuha ako ng platito."Sabay tayo ni Janina.

            "Pinsan, sure ka ba na manliligaw ka pa. My god pahihirapan mo talaga sarili mo noh, its obvious naman she loves you, may nalalaman ka pa ligaw dyan?"Inis ulit na sabi Crissa.

            "Pinsan, alam mo naman noon pa yun ang di ko nagawa sa kanya."Sagot nya sa kanyang pinsan.

            "Okey, magtiis ka nga!"Sabay irap dito.

         Natawa nalang si Alex sa reaction nito.

           "O,pasensya na di kasi alam na darating kayo wala pa gano gamit dito sa bahay ni Drew."Sabay upo ni Janina.

         "Ah, nasan nga pala sya?"Tanong ni Alex.

         "Sinundo ni Art, may pinuntahan sila. Wala pa nga kaming rest pareho galing byahe, sa sobrang miss namin pareho sa mga kaibigan ayun, inuna pa maglakwatsa kesa magpahinga."Paliwanag ni Janina.

Sometime's Love Just Ain't Enough[completed/UNEDITED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon