EPISODE 28

1.7K 55 0
                                    

        

     Nakaalis si Janina ng bansa at kung kailan sya babalik yon ang hindi nya alam. Isa lang ang baon nya papuntang America, ang pag-asang gumaling si Drew di man para sa kanya para na din sa mga taong umaasa na gumaling ito.

        "Gagaling ka Drew,.lumaban ka para sa sarili mo at sa mga taong nagmamahal sayo!" bulong ng dalaga kay Drew habang lulan sila ng eroplano.

         "Kakayanin ko Boss, pero di ako nangangako!" Malungkot na tugon ni Drew sa dalaga.

          "Nandito lang kami, gagawin namin ang lahat gumaling ka lang!

         At doon nagsimulang lumuha si Drew dahil alam nya panginoon nalang ang makapag sasabi kung makakaligtas sya sa kanyang karamdaman. Ayaw nyang bumitaw sa palad ng dalaga dahil sa pakiramdam nya babawiin sya ng kung sino man sa kanyang mga mahal sa buhay. Hanggang makalapag na ang eroplanong sinasakyan nila.

        Sa Pilipinas, si Alex bagamat hindi pa kompletong nagbabalik ang kanyang memorya sinimulan na nyang buuin ang mga alaalang minsan na nyang nakalimutan. Ngunit hindi ganun kadali sa parte ni Pitch.

       "Hindi ako papayag Alex, pano kung buntis ako?"pahayag ni Pitch kay Alex.

        "Sige kung buntis ka ibibigay ko pangalan ko sa kanya!"tugon nya sa dalaga.

       "Bakit don lang ba matatapos ang pagiging isang ama, come on Alex kung materyal na bagay lang kaya ko din ibigay alam mo yan.!

       "Sige kahit ngayon din sasamahan kita, willing ako mag spend ng pera para malaman kung buntis ka!

       "No, Alex!"Sagot ni Pitch dahil alam nyang di sya buntis.

       "Ha, takot ka dahil alam mo sa sarili mo na hindi ka buntis? Please Pitch pakawalan mo na ako, oo maling-mali nagawa ko, but that was because wala ako naaalala!"giit ng binata.

       "Ganun nalang ba yon?"matatag na sabi ni Pitch.

       "Ano pa ba gusto mo?

       "Ikaw Alex, mahal kita!

      "Pero hindi yon ang nararamdaman ko para sayo.

       "Pano mo na nasasabi yan, ni hindi pa nga nagbabalik memory mo?

       "Dahil nararamdaman ko, Pitch.
Noon akala ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko mga tungkol kay Janina ay dahil lang sa matalik ko syang kaibigan, pero hindi alam kong sya mahal ko.

         Natawa si Pitch.

      "Ha! ha ha! Si Nina pala dahilan,.nasan yon minamahal mo, nandoon may mahal ng iba, kaya Alex makontento ka na lang sa kin.!"sabay hapit sa baywang nito at halik sa binata.

        "Wala ako pakialam kung may mahal sya, ayokong matali sa isang relasyon na pagdating ng araw pagsisihan ko.!"diretso ng binata kay Pitch at alis sa kamay ng dalaga na naka palipot sa baywang nya.

        "Alex, hayaan mong mahalin kita, kaya kong ibigay kung ano pwedeng ibigay sayo ni Nina. Tanggapin mo nalang may mahal na sya.

        "No Pitch sa ayaw at gusto mo maghihiwalay tayo.!

        "Hindi ako papayag Alex!

        "Sige ano gusto mo magdemandahan pa tayo? Huwag mo ako subukan Pitch, nakiki-usap ako ng maayos sayo, oo alam ko mahirap masakit pero tama na, si Janina ang laki ng sinakripisyo para sakin pero wala ako nagawa, panahon na para naman ako bumawi maintindihan mo sana!"paliwanag nya sa dalaga. 

Sometime's Love Just Ain't Enough[completed/UNEDITED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon