EPISODE 29

1.6K 51 0
                                    

      

       Nagpasya si Alex na bumalik ng villa, nararamdaman nyang masakit ang ulo nya..Kinuha nya muna gamit nya sa sasakyan at tumuloy na sa loob ng ng bahay, maya-maya may kumatok sa pinto.

        "Sino yan?tanong nya.

         "Sir,caretaker po!'tugon naman nito.

         "Ah halika pasok po kayo. "

         "Sir tatanong ko lang po sana kung may kailangan kayo!"dadag ng medyo na may edad ng lalaki.

         "Wala naman po, kung meron man po tatawag nalang ako dyan sa inyo!

         "O sige po, uuwi na ako. Nasa inyo naman po yata numero ng cellphone sa bahay?

         "Opo, sige salamat nalang po!

         Pag-alis ng matanda, nagpasyang mahiga si Alex sa sofa matapos isarado ang main door.

          "Kung nandito ka lang Nina, siguro mas madali ako maka-alala. Pero di ako susuko, hihintayin ko pagbabalik mo babawiin kita kay Drew!sapo ang ulo dahil parang tumitindi ang sakit.

          Pinilit kalamahin ni Alex ang sarili, hinilot nya nga unti-unti ang sintido at nakatulog sya. Sa pagtulog ni Alex isang panaginip ang sasagot sa kanya.

           "Sabi ko na, hindi panaginip ang lahat noon pa man mahal na kita Nina, pareho lang pala tayo naghihintay ng atensyon nating pareho, mahal na mahal kita Janina. Sabi ko na saakin yan?

        "Oo Alex!"sagot ng dalaga.

        "Ito pala sinabi nila na huwag ko hayaang mawala ka sa buhay ko, naiin tindihan ko na. Ang tagal ko hinintay Nina, di na ako papayag mawala ka sa buhay ko!

       "Alex, akala ko sadya mo lang kinalimutan ang gabing yon!

        "Hindi Janina,,hindi..!

       Nagising si Alex ramdam pa rin nya ang sakit sa kanya ulo, ngunit saya ang bumakas sa labi ng binata.

       "Ngayon malinaw ko nang nakikita ang mukha mo Janina! Pero pano ako babawi sayo napakalayo mo sa akin, at kung bumalik ka man wala ako kasiguraduhan kung akin ka pa. Isa lang hihilingin ko sa diyos kapalit ng mga ginawa mong sakripisyo sakin, hayaan nyang iparamdam ko sayo pagmamahal ko sayo!"bulong ng binata sa sarili.

         Nagpasya syang babalik na nga maynila upang magdaos ng pasko sa susunod na araw.

**********

        Sa America:Nai-admit na si Drew sa hospital lahat ng test sa kanya sa pilipinas ay ginawa ulit dito. Ngunit tulad ng findings sa Pilipinas wala pa ding pinagkaiba, yon lang mas malakas ang teknolohiya sa America kaya mas mabilis ang test na gagawin sa kanya.

           "Drew, nandito na tayo kayanin mo lahat please, para sakin!"iyak na si Janina dahil nakikita nyang ang sakit nararamdaman ng binata.

           "Boss, di ba sabi ko sayo kakayanin ko hanggat kaya ko lalaban ako. Hwag  ka umiyak, lalo ako nanghihina kapag nakikita kitang ganyan!"mahinang sabi ng binata.

           "Yes boss, christmas na isang araw, anong gusto mong regalo?

          "Kelangan pa ba itanong yan, syempre ikaw! Gusto kong umuwi makasama sina papa, mama mga kapatid ko at higit sa lahat syempre ikaw!"Sa sinabi ng binata lalo umiyak si Nina.

           "Huwag mong sabihin yan, kapag gumaling ka mas marami pang pagkakataon na makakasama mo kami!"Hikbi ng dalaga.

           Wala noon si Ameries tinawag ng doctor sa opisina.

Sometime's Love Just Ain't Enough[completed/UNEDITED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon