Chapter 12: Small talks

4.4K 153 2
                                    

LARA'S POV:

Dear Diary, 

     Gusto kong magalit kay Eumie. She kissed me again but then, hindi ko makapa sa dibdib ko ang sakit at galit.

May iba akong nararamdaman na hindi ko mapangalanan kung ano. Tenderness and affection…or awa?
Naguguluhan ako. Alam kong ang unti-unti niyang pagbabago ay bumalik sa pagdating ng kapatid niyang si Estella.

Ang sabi ng Inay ay pang-unawa. Lawakan ko ang pang unawa.

Lara.

~ ~ ~  ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

         Oo, nagulo ang buhay ko sa pagdating ni Eumie sa mansion, literally. Nasasaktan ako ngayon. I have learned to adjust naman sa presensiya niya. Naging seryoso siya sa usapan namin na huwag ko na siyang lapitan. More on concern ako sa paglayo ko, nag-aalala ako.

         She kissed me twice, was it lust or love? Ayokong sagutin. Hindi ko pinagsisihan na siya ang una ko. Maaaring hindi ko na rin 'yon makakalimutan habambuhay.

       Nagpatuloy ang malamig na pakikitungo sa akin ni Eumie. Dahil lang ba sa nakipaglapit ako kay Estella? Sa school ay nagpalipat na rin siya ng upuan. Wala nang nambubully sa akin as long as nandyan si Eumie. Okay na rin ako na she's doing well in school. Mabilis siyang tumatayo after ng klase at never na rin niya akong kinakausap sa school. Sa mansion naman ay ganu'n din. Hindi niya ako dinadabugan, hindi sinisimangutan pero hindi rin siya magiliw katulad ng dati. Para siyang…ooh pa'no ba? Walang reaksiyon?

       Minsan naman, tinetext ko siya. Alam kong nababasa niya pero expected ko namang hindi siya sasagot. I badly miss my Eumie. Oo, inangkin ko na siya sa puso ko mula ng una niyang angkinin ang labi ko.

       Nasa garden ako ngayon kasama si Jen, ang bestfriend ko. Nagpapatulong ako sa kanya sa mga idea para sa parol project namin. Nanghihingi rin ako sa kanya ng suggestions dahil nasa game committee ako sa Christmas party namin. Maya-maya naman ay pupunta ang ilan kong kagrupo para masimulan na ang parol. Ang mga ka group ni Eumie ay mamayang gabi naman ang dating.

           "Pasensiya ka na Jen, pizza lang sa kanto maooffer kong meryenda."

         "Busog ako, mamaya na lang tayo kumain sa labas tapos niyo. Ito, tingnan mo 'tong pocketsize book na dala ko, mga games 'yan sa mga party."

         Wala sa loob kong kinuha ang pocketbook at inisa-isa ang page.
"Ano'ng problema Lara?" tanong ni Jen.

         "Ha?"
        "Wala sa pages ang isip mo, lumilipad," marahan niyang binawi ang libro at sinara. "Si Eumie pa rin ba?"
        "Ehrgm….I am worried kasi. Nasasaktan at the same time. Kahit pilitin kong huwag, 'yun ang nararamdaman ko Jen."
        "Alam mo bes, kailangan munang isolve mag-isa ni Eumie ang self-problem niya. Kahit hilahin mo siya paangat kung 'yung may mismong paa, ayaw tumayo, mahirap. Tingnan mo ang sarili mo? Nako-consume masyado ang lakas at isip mo dahil sa kanya. Mapagod ka naman kaiisip. Alalahanin mong you have to do good, graduating na tayo. Isipin mo ang scholarship mo. Siya kahit hindi magpursige, buhay 'yan sa yaman niya. Eh ikaw?"

         "I got it Jen, sorry. Tara, ano ba dito ang suggestions mo? 'Yung masasayang games ha atsaka wholesome."

         Jen shook her head. She knows me enough that I am  just pretending to be okay. Nililista ko sa isang notebook naman ang mga mechanics ng napili kong games.

         "Okay na siguro 'to, may mga intermissions pa naman eh. Ikaw? Ano'ng contribution mo sa party niyo?"
         "Sinagot ko lahat ng props at prizes sa games."
         "Ikaw na!"
          "Oh, solve na tayo? Eh 'yung design ng parol niyo ano? Patingin nga ng materials niyo."
         "Ay okay sige, kunin ko lang sa taas, dyan ka muna. Pinalagay ko muna sa bodega eh, wait lang."

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon