Book2 Chapter 9: Confusion

3K 124 10
                                    

LARA'S POV:

       ISANG araw na lang ay matatapos ko na ang assignment ko! Whooo! Sa wakas. Matapos ko isend kay Eumie ang pang anim na batch ng letter
ay nakahinga na ako ng kaunti. Meaning, malapit na akong makapa-pahinga. I decided na ipagpa-bukas na ang huling article.

       The rest of the day? Inindulge ko na lang na lang sa panonood ng tv at ngumatngat ng tsokolate. Hindi ko na sinagot si Eumie sa paglalambing niya. Ngayon pa? Makalipas ang pitong taon, ngayon pa? 

       Saan ba siya natatakot kung aalis ako? Dahil nakasanayan lang niya na nakikita niya ako araw-araw ganon? 
Well, mabait ako oo pero kailangan ko ring maging mabait sa sarili ko lalo na sa puso ko. 

      Natulog ako ng maaga. Kinabukasan, fifth day of the countdown - as usual same routine. In a way, hinanapan ko ng text or message si Eumie pero wala. See? Paasa lang eh. Kaya I've learned my lesson, never expect sa mga mumunti niyang pagmamasweet.

Mabilis akong kumain at naligo. Hindi na muna ako ng work-out dahil gusto ko ng simulan ang gagawin ko. Nasa mood na ako. 

Nagpapatuyo ako ng buhok sa electricfan habang nanonood muna ng cinema-One. Palabas pa ni Jolina Magdangal at Marvin Agustin ang naabutan ko. The famous line "Oo…kaibi-gan- mo -lang - ako!" The funny thig is? Ni hindi nga ako kaibigan ni Eumie. Baka nga isang dakilang puwing lang sa mata o kaya naman ay isang magandang particle na lumulutang-lutang sa ere. 

Pinatay ko na ang tv at pumuwesto na sa kama ko. Sumandal ako sa headboard, indian seat at pinatong na ang laptop  sa hita ko. Hmmmm…ano na naman kayang drama ang naghihintay galing sa mga letter sender ni Eumie?  

 Binuksan ko ang file. Nakakatuwa ang pangalan niya. Parang nirambol ang second name ko. Kasing edad ko rin siya. Hmm.ano kayang hinaing ng babaeng 'to? 

 FILE #: 7-A
 LETTER SENDER: EL-KRIS
 LOCATION: ILO-ILO
 AGE: 21

 Dear Lara, 

      I just want to ask how to hold on to something that somehow can be mine? Medyo magulo kasi ang sitwasyon ko eh.

May isang tao akong minahal. Alam kong mahal niya rin ako. Hindi rin naman nalalayo sa iba ang pinagdadaanan ko. That someone I love since I was young. I was barely fifteen. Pinaramdam niya ang pagmamahal niya sa kin, or ako lang ba ang nag-assume na higit pa sa
kaibigan ang pagmamahal niya? But fate became good to me, naging kami pero napasaglit lang. 

 May mga reason siya kumbakit siya nakipaghiwalay. Alam ko lang dahil bata pa ako. Wala akong ibang minahal kundi siya lang. Buong buhay ko, siya ang pinangarap ko. Araw-araw nabubuhay ang pag-asa kong babalikan niya ako dahil wala naman din siyang nakaka-relasyon, alam ko 'yon. Siya ang naging sandigan ko sa mga delubyo ko sa buhay.

 Kahit kapamilya ang nais niyang ipahiwatig sa akin, hindi 'yon ang nakikita ko sa mga mata niya.

 What's holding him back? 

 ----

 Bumilis ang pintig ng puso ko. Bakit ganito? Bakit napaka-pamilyar ng kaso niya? Parang sinusulatan ko ang sarili ko? Bakit mula simula't-simula parang lahat konektado sa buhay ko? Iba-iba silang persona, iba-ibang edad at lokasyon pero sobrang nagkakataon lang ba? Anyway, di naman talaga nagkakalayo ang mga problemang -puso.

Sayang, ang ikli naman ng sulat ni EL-Kris. Baka sakaling may matutunan ako sa kanya. Huminga ako ng malalim. Haaay! This is it pansit, last entry then I will be free.

 Masyadong desidido ang  isip ko pero lungkot na lungkot ang pakiramdam ko. 

Magtatanghalian na, hindi pa rin nagpaparamdam si Eumie. Naisipan kong magbukas ng FB. Wala namang bago sa wall niya bukod sa mga meetings niya do'n. Nagbrowse ako sa previuous posts niya.

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon