Chapter 3: Lipstick

7.5K 185 9
                                    

Ito po sila...

LARA'S POV:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LARA'S POV:

          "Good morniiiing Inay!!!!" bati ko sa nanay ko nakatalikod at nagluluto ng sinangag.

          "Ang sarap po ng tulog ko kagabi,grabe," sabi ko sabay kuha ng mga placemat at nilatag ang apat sa mesa.  Ganito kami araw~ araw. Ke may pasok o wala, sinasabayan ko sya ng gising sa umaga para tulungan sya magsilbi sa mga amo namin. 

       Nilagay ni Inay ang kanin sa bowl habang nilalagay ko naman ang kumulong tubig sa thermos. "Oh mag ingat ka baka mabanlian ka na naman," paalala ni Inay sabay bukas ulit ng apoy at naglagay ng kawali sa kalan.

        Nilapit ko ang bacon sa kanya na sunod niyang lulutuin. "Umuwi po ba si Mam Merli?"

            "Oo anak, may importante raw aasikasuhin. Mag ayos ka na at bababa na rin ang mag~ina maya~maya lang."
            "Yung anak niyang suplada? Si Eumie? Kanina pa ho andon sa pool, lumalangoy na."
            "Ano?! Ala singko palang ng umaga? Mahamog pa ah! Tsk."
          "Nay ah....ang laki laking bulas kaya no'n! Hamo nga siya. Nakasalubong ko nga sa hagdan kanina, para lang akong hangin. Ano bang problema non? Adik .."
           "Ssssshhhst. ..ang bibig mo. Alalahanin mong sila nag papaaral sa 'yo at kay Laina. Nandito tayo para pag silbihan sila. Pasalamat ka at kahit anong kurso ay ibibigay ni Merlida."

          "..at sana inay, maalala niyo rin na dahil sa kamalditahan ng bruha na 'yan kaya nawala si Itay. Nawalan ako ng ama."

             "Matagal na iyun anak, kahit buhay ang ama mo, di ka sigurado kung kaya kayo pag aralin ng ganyan."

           Kinuha ni inay ang mga prutas sa ref. "Hindi mo alam ang pinag daanan ng batang 'yan. Mabait si Esmeralda, may mga bagay lang na dapat unawain at kailangan mong buksan ang puso mo para sa kanya."

         Patapos na ang pagluluto ni Inay. Nagbabanlaw na sya ng mga pinag lutuan sa lababo.

          "Basta ba wag nya lang ako kakantiin at si Laina, nay, di siya  uurungan epal."

          "Siyanga pala anak," sabi ni inay sabay punas ng kamay sa apron. "Ikaw ang naatasan ni Merli na maging bantay ni Eumie, pakiusap kong habaan mo ang pasensiya mo kung sakali. Mamya ay tatawagan ka ng yaya nya sa Maynila para sa mga bilin? nitong gamot at ilang bagay."

          "Naaay....bakit po ako?! Matanda pa ho sa 'kin yun?"

         Pinunasan ni inay ang tiles sa lababo,pinatay ang gripo at humarap sa akin. "Anak, 'yun ang utos. Hindi ganon ang lamang nya ng edad sa 'yo anak. Tsaka alam ni Merli na may maliit pa akong anak, si Laina."

           "Grabe ah! Di ko magets. May yaya, hindi kasama dito? May nanay naman sya. Laki laki na, binibilinan pa. anu ba yan?! Ang weird."

           "Sino'ng weird?" isang boses mula sa likuran ko. Si Eumie.

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon