Chapter 21: Oo love Kita

3.6K 161 13
                                    

LARA'S POV:

    "EUMIE wait!! Teka, aray! Madapa naman ako," medyo hinihingal na ako sa paglakad ng mabilis. Pumasok ulit kami ng school. "Eumie, ano ba'ng gagawin natin dyan? Nasa labas ang mga classmates natin!"

 Huminto kami sa Admin faculty. May susi siyang kinuha sa bulsa at binuksan ang kuwarto. 

      "Eumie, huy! Bakit ano bang gagawin mo sa loob? May nakalimutan ka ba? May inutos ba sa 'yo mga teachers?" 

    Pagbukas ng pinto ay hinila niya ako ng mabilis papasok. Kinabahan ako kasi baka kung ano na namang kapilyahan binabalak ng babaeng ito. 
 She turned on the light, sapat lang maliwanagan kung saan kami nakatayo. So parang one fourth lang ng faculty ang may ilaw.

    "Umupo ka muna dyan," utos niya sabay lapag ng pouch niya sa mesa. Kinuha niya ang pouch ko sa kamay at tinabi sa pouch niya. Bumaling siya sa akin.

    "So Lara, honestly, how do you feel right now?" tanong niya. Sa totoo lang? Naiinis ako dahil nawala siya, dahil iniwan niya akong mag-isa, dahil sumama siya kay Nelvie.

    "Ano ibig mo bang sabihin?"
    "Ako kasi naiinis eh. Naiinis ako sa mga tao sa paligid alam mo ba 'yon?"
    "Bakit naman? Inaano ka ba nila?"
    "As if…as if you don't deserve attention."
    "Sorry Eumie, hindi kita magets. Binabati naman nila ako ha. Hindi nga lang katulad ng inaashan mong uupuan nila ako tatabihan dahil wala naman akong barkada, si Jen lang."
    "So kung wala ako ngayon?"
    "Eh di wala ako ngayon dito! Sinabi ko naman sa 'yo na ayaw ko ng pumunta diba? Pinilit pilit mo ako tas aawayin mo ako? Ang gulo mo eh!"

    "Naiinis ako dahil ang baba ng self-esteem mo. Naiinis ako dahil hindi ka nag-sayaw sa kutilyon! Naiinis ako sa 'yo dahil andami mong pinapalagpas na chance para maexperience ang kabataan mo."

    "Sus! Ayun lang? Yun lang nagkaka-ganyan ka? Ang weird mo. O sige, ano ba gusto mong gawin para kumalma ka? Mag-sayaw ako, sige!" 

 Hinawakan ko ang kamay niya at aayain sana palabas ng faculty. 

    "No! stop Lara! Yes, gusto kong mag-sayaw ka pero hindi kasama ng iba."
    "Ano?" 
    "Dance with me."

Napa-kamot ako ng ulo. "Ah…so kaya mo ako dinala dito no? Para masolo ako?"

   "I admire your intelligence Lara, kuhang-kuha mo."
   "Hinde no, kilalang-kilala ko lang mga kilos mo. Kanino mo kinuha ang susi dito sa college?"
    "Kay Nelvie. Kaya ako nawala." 

        Ngumiwi ako. Lumapit siya sa akin at hinapit ako sa baywang. Biglang tumalon ang puso ko sa ginawa niya. 
 Hindi niya lang alam, kagabi pa bago ako matulog ay pina-pangarap ko ng maisayaw siya. Kung nananaginip ako, sana mamaya na ako magising.

        Naka-pulupot na ang kaliwang kamay niya sa beywang ko at pinag-entwine naman ang kanang kamay niya sa akin. I have no choice but to wrap my arms too  around her waist. Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko at hindi inaalis ang titig niya sa mata ko. 

       "Eumie, naiilang na ako, ang lakas ng trip mo," pilit akong nabiro dahil ang lakas na ng tambol ng dibdib ko. Mas malakas pa sa mobile sa labas. 

       "Bakit? Hindi mo ba trip? Don't you like to dance with me?" 
      "Eh----"
      "Sssh….huwag ka ng sumagot. Hindi kayang mag-sinungaling ng katawan mo, Lara." 
     "Fine, pero ayokong mag-sayaw ng sweet at Hey Mickey ang tugtog. Di mo naririnig sa labas?"

       Nadala ako sa pag-sway ng katawan ni Eumie. Parang hindi iniintindi ang sinasabi ko. 

        "Don’t worry baby, magpapalit din 'yan after two minutes," sagot niya sabay ngisi ng nakakaloko.

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon