Book 2: Entry #8: Iloveyou

3.2K 137 10
                                    

 Letter Sender: Eumie
 Age: 27
 Location: In your heart
 Subject: Mahal Kita 

 Dear Lara, 

     Hi! Sana matapos mong basahin ang labing-apat na sulat ay nalaman mo kung gaano rin ako nahirapan sa mga taon na dumaan.
 May mga nakatagong rason na sana sa pagbalik ko ay masabi kong lahat at pilit kong ipapaunawa sa 'yo. 

      Maraming salamat. Hindi ko man alam kung nasa'n ka ngayon the moment na binabasa mo ito ngayon - kung nasa malayo ka ba at iniwan na ako o babasahin mo ba itong katabi ako? Well, sana yung pangalawa. 

 -----

 Nangilid ang luha ko. Huminga ako ng malalim bago ko pinag-patuloy ang pagbasa.
....

 Sa bawat gabing dumadaan, lagi kong iniisip 'yung araw na una kitang nakita. My heart skipped that time and I hated myself that you have captured my heart since day one. Annoying you is my way of getting your attention.

That JS time, was my favorite moment of my life. I carried your love until now.  Inalagaan ko ang pagmamahal mo sa akin, Lara. Iba lang ang paraan ko pero mahal kita. 

 Hinintay ko lang ang tamang panahon para makuha kang muli at mamamatay akong masaya kung makakapiling pa kita. Ikaw na ang naging buhay ko at maraming salamat sa mga taon na ginugol mo sa akin.

May hangganan ang lahat, oo, alam ko. Gusto ko lang sabihin na, hindi ko sinasadyang saktan ka. 

 Kung nasa'n ka man ngayon Lara, habang binabasa mo ito, pangako kong susundan kita. Huwag kang tuluyang lumayo, paki-usap. 

 Mahal na mahal kita, Lara. 

 Eumie. 

 -------------

       Tuluy-tuloy ang pagbagsak ng luha ko matapos kong basahin ang email. Tama lang, tama lang na binasa ko itong katabi siya. Bumaling ako sa kanya at nakita ko na rin siyang umiiyak. 

     "Don't leave me Lara…" pahikbi niyang sabi. Niyakap ko siya habang umiiyak pa rin ako.

      "No…no…no…no…..Eumie. I won't ever leave you…."

 Saglit ko lang siyang niyakap. Kinawit ko ang kamay ko sa batok niya, nilapit ang mukha ko sa kanya at pinag-lapat ko ang mga labi namin.

      "I love you so much Eumie…mahal na mahal kita," sinasabi ko 'yon habang lumalim na ng lumalim ang halik namin.

    Isang halik habang nagsasanib ang mga patak ng luha namin. Luha ng pangungulila, luha ng pagpapatawad, pagtanggap at pag-asa ng kaligayahan.

 --------

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon