Chapter 22: Hers and Mine

3.8K 150 10
                                    

EUMIE'S POV:

     Lumabas kami ng faculty na magkahawak ng kamay. Hindi ko siya hinalikan sa labi kahit kami lang ang tao sa loob. I want to give all the respect due to her. Mahal ko si Lara at hindi ko siya ilalagay sa alanganin. I am here to protect her. 

    Nasalubong namin si Nelvie sa corridor. "Ano solb na?" Makahulugan niyang tanong. I've learned to put my trust on Nelvie and she is just so kind to me. Binalik ko ang susi ng faculty sa kanya.

     "Thank You Nels, she's my girl now," proud kong banggit sa kanya. 

    "Okay, my lips are sealed. Just be careful young ladies. Graduating na kayo in a month time. Just enjoy life and enjoy what you feel. If you need me, dito lang ako okay?"

    "Promise?"

    "Sure. Gumraduate man kayo ay masaya akong may nagawa ako para sa inyong dalawa na hindi niyo makakalimutan." 

    Inakbayan ko si Lara. "Eh Ms. Nelvie, pinagseselosan nga po kayo nito eh, ayaw lang umamin." 

 Siniko ako ni Lara. "Aruch!! Ma'm, sadista po oh. Wala pang isang oras nagiging kami!" 

    "Sus! Kayo talagang mga bata kayo. Hala, the night is still young. You party, dine at dance out there!"

         I held Lara's hand and it felt so good. Pumagitna kami sa dancefloor at nakisama na sa buong klase. Masaya si Lara, masaya ako. Masaya kami. 

        Bumalik kami sa upuan. Hinayaan ko si Lara na isayaw ng mga kalalakihan. I set my rules kung saan lang siya hahawakan. Nagkaro'n kami ng unawaan na sisignal siya kung nais na niyang tumigil sa kasayaw niya. I want her to experience her youth. Na sa gabing ito, alam kong ako lang ang 
espesyal para sa kanya pero hindi ko siya hahadlangan na maranasan ang isang bagay na dapat niyang maranasan sa edad niya.

    Nakita ko namang walang malisya ang lahat ng nakipag sayaw sa kanya. Then Dyke came. He invited me to dance when the beat of the music slowed down. Pinaunlakan ko siya. 

    "So how's your date?" I asked him. Ako dapat ang date niya pero nireject ko siya. Isang section five ang kumuha sa kanya bilang escort. 

       "Boring! You know, young girls are palyful but it's not my type."
       "Ako ba hindi boring?"
       "No, interesting but mystreious instead."
       "Challenging huh?" 
       "Yah maybe. Tanggap ko namang basted na ako but at least we can be friends, with Yul and Lara around."
      "Sure thank you." 

        Nakita kong may isang nakipag-sayaw kay Lara, ibang section. Ito 'yung tisoy na transferee sa section eight. Inobserbahan ko sila. Tumango ako kay Lara na meaning ay okay go lang. Pero nakita kong hinapit siya ni tisoy at nagdikit ang dibdib nila. 

         "Ah Dyke, excuse lang ha. Puntahan ko lang si Lara. Kinukuyug na eh."
        "Well she's beautiful." 
        "No it's serious. Iwan muna kita." 

         Tinalikuran ko si Dyke at nilapitan si Lara. "Excuse me sir, can I have a dance with this sweet lady?" Todo ngiti ako at natigilan ang tisoy. 

           "Oh sure." 

          Kami na ang magkasayaw ni Lara. "Antagal mo namang bumitaw sa ungas na 'yon?" Kunyari naiinis ako.  Hinapit ko ang likod niya papunta sa akin. We're dancing now cheek to cheek. 

           "Ako lang mula ngayon ang may karapatang humagod sa likod na 'to, naintindihan mo?"
         "Opo kamahalan." I felt her lips moved in a smile. 
        "Good. You'll get your reward after this."
       "Why not now?"
       "Are you teasing me young lady?"
       "Is it effective?"

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon