Book2 Chapter 6: Ewan ko ba

3K 129 6
                                    

LARA'S POV:

       NASANAY na ako sa nakalipas na taon na may sariling buhay si Eumie pero siya, pinakikialaman ako. Nitong umalis siya ay parang nagbago siya. Di ko lang maintindihan pa.

      Nagreply ako sa kanya. "Umuwi ka na nga lang dito ng hindi ka nangungulit sa akin. Goodnight."

       Inoff ko na ang cp ko at natulog. Maiinis lang ako. Kinabukasan, pangatlong araw na wala si Eumie, maaga akong nagising. Apat na entries ang schedule ko today na tapusin. Bubuksan ko na sana ang file ng may unknown number na tumawag. 

         "Hello Lara, Eumie to. Urgh! Urgh!"
        "Nasa'n ka ba? May sakit ka ba? Uubo-ubo ka dyan? Gamot mo?"
        "Alam ko ang gamot ko."
        "Nasend ko na ang anim na file, to follow within the day yung apat. Pipilitin ko. Napatawag ka?"
     "Ano gusto mong pasalubong?"
     "Haha! Seriously?"
     "Ano nga?!"
     "Malayo ka pa naman uuwi ah."
      "Apat na araw na lang ako dito."
     "What?!"
     "Oo nga."
     "Ganu'n ba? Eh huwag mo na kong guluhin ng matapos na ko sa deadline ko." 
      "Gusto kong may bilin sa 'yo."
      "Ikaw lang ang gusto ko Eumie. I mean, umuwi ka lang ng buo at ligtas."
     "Sweet ka pa rin."
     "Ikaw lang naman naging sour eh. Sige na, sige na, busy ako. Bye!'

       Shit naman, apat na araw na lang uuwi na siya. Ano ba yan! Kailangan ko na talagang madiliin ito.

 FILE #: 4-A
 LETTER SENDER: CRISTINA ANDRADE
 LOCATION: CEBU
 AGE: 19

 Dear Ate Lara, 

     Gusto ko lang ihingi ng payo ang sitwasyon ko sa kaibigan ko. Alam kong may feelings siya sa akin pero ayaw niya akong ipursue. 

 Ayaw daw niya ipagpalit ang friendship namin. Iniwasan ko siya pero sa tuwing nagkakaro'n ako ng manliligaw ay nagagalit siya. 
 Gusto lang daw niya akong protektahan pero bakit gano'n? Ako bawal pero siya okay lang? Ano? Paasa lang?

 Hay naku ate! I need your advise po talaga. 

 Tintin

 Thanks, 

 -----

         Maikli lang ang sulat ni Tintin pero mabilis dumaan sa ala-ala ko ang nakaraan ko kay Eumie.  

 Flasback four years ago: 

      Pinuntahan ko sa opisina niya si Eumie.

    "Eumie, aalis pala ako mamayang gabi. May thesis kami kina Bunny."

 May tinatype siya sa laptop niya at di niya ako tinatapunan ng tingin.

      "Sa mansion na lang kayo, sa library mas maluwag." 

 Inirapan ko siya kahit di niya ako nakikita. "Eh ako nga lang ang malayo sa school kaya ako na lang lalapit sa kanila."

     "Ipapasundo ko sila sa driver."

   "Ano ba naman yan?! Ano ba akala mo sa 'kin bata? Tsaka sa laki ng peklat ko sa dalawa kong pisngi, walang magkakainterest sa akin."

      "Sa mukha mo wala, sa katawan mo mayron."
     "Ang over mo eh! Bahala ka dyan! Aalis ako, period!'

      Pumunta nga ako kina Bunny pero pagdating ng alas diyes ay kinatok ako ni Bunny sa taas. Ang iba kong kasama kasi, sa salas gumagawa. 

     "Lara, sugar mommy mo, nasa baba. Tawag ka raw muna."
     "Ano? Ako ba talaga?" 
      "Oo nga, baba na, dali!" 

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon