Chapter 17: Ayoko Na - Sana

3.9K 136 4
                                    

LARA'S POV:

Dear Diary,

     Hello! Kamusta ang bakasyon? Ako okay lang. Masaya ako kasi okay na ang lahat. Inaamin ko naman na hindi lang simpleng crush ang nararamdaman ko ngayon sa kanya.
Pero musmos pa ang puso ko sa ngayon at pag-aaral ang dapat kong atupagin para sa Inang at kay Laina.

 First day ng klase ngayon, January 5. Hindi ko alam kung dapat ko bang itago ang peklat ko sa mukha. Mainit naman kung hindi ko ipopony lahat. 
 Alam mo ba 'yung pakiramdam na I'm striving hard para sa scholarship ko, kaya ako nagiging active sa school both academically and extra curricular. Tapos pag-uusapan kang epal? 

 Lalo na siguro ngayong may lamat na ang mukha ko. Malamang sasabihin ng ibang tao, ang panget panget ko at wala akong karapatang mag-maganda. Alam mo naman ang mga mata nila, mapanghusga. 

 But I won't let them to put me down. This scar has nothing to do with my personality. Isa lang naman ang mahalaga sa akin eh - 'yung taong mahal ako sa kabila ng marka sa mukha ko. 

 Absent si Eumie today. Dumating kasi ang friend niya galing abroad. Sa mansion nakatira, Vinia ang pangalan. Maganda, sexy.. 

 At nakatuon ang pansin niya do'n. Hindi ko na lang pinapansin. Pero nasasaktan ako….. ;( 

 Lara 

  ^^^^^^^^^^^

             "Lara!" Habol ang hininga ni Dyke papunta sa akin. Huminto ako sa paglakad. 

            "Sa'n ka?"

            "Sa library, magtatago! Ang yayabang kasi ng mga kaklase ko, kala mo ang gaganda nilang lahat! Sila na Diyosa. Tsaka ayoko na mag kuento kung paano ako nagka peklat, paulit-ulit lang!" 

          "Hay! Huwag mo na kasing silang pansinin. Mga wala lang magawa sa buhay 'yon. Basta ako friends tayo ha."

          "Sus! Ikaw pa? Lalo na ngayon nagpapalakad ka kay Eumie? Naku absent. May date." 

          "Ha? Ilan ba akming manliligaw niya?" 
          "Marami kayo." 

        Nagkamot lang si Dyke ng ulo. "May klase ka pa yata Dyke, lumakad ka na. Sabay  na lang tayo umuwi, text kita?"

          "O sige, sige. Basta huwag mo na lang pansinin yung chu-chu  ng mga tao sa school." 

     Pagdating ng Library ay sa sulok lang ako naupo. Tinext ko si Jen at pupuntahan niya ako sa breaktime niya. Naririnig ko ang bulungan ng mga kakilala ko at mga bungisngis ng pangungutya nila. Minsan kahit ayokong isipin, I'm beginning to hate my face' scar.

         "Hi!" bununggo ni Jen ang siko ko pag-upo niya sa tabi ko.            "Nagmumukmok ka?" 

        Nilagay niya ang bag sa ibabaw ng table at binigay ang pasalubong niya. 

          "Salamat," matamlay kong sagot. Pero unti-unti, pasasayahin ko ang sarili ko dahil unfair kay Jen na tunay na may malasakit sa akin. Hinawi ni Jen ang buhok na nakaladlad sa pisngi ko. Hinaplos niya ang pilat tsaka niya ako niyakap. 

         "Kung may magagawa lang ako," bulong niya. "Sorry wala ako sa tabi mo when it happened." 
         "Anukaba! Aksidente ito at walang may gusto. Mahalaga buhay ako." 

         After ng class ay sumama si Jen sa bahay, hinatid kami ni Dyke. Lumipas ang isang araw sa school na namimiss ko siya...si Eumie. Pagdating sa mansiyon ay pinaupo ko muna sa garden si Jen. "Dyan ka lang ha, magbibihis lang ako. Ano ba'ng gusto mong gawin?"

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon