Chapter 19: Hopeful

3.7K 130 6
                                    

EUMIES' POV:

      Napagod ako buong araw sa paglibot at orientation ni Mommy sa amin ni Ate Estella  sa M2E Publications. We met with the admin and staff.  Ito ang gusto kong i-handle at nasabi na ni Ate na ipapaubaya niya na sa akin ito.

       I was into details, I am interested and I want my Mom to be proud of me. Para na rin sa Daddy ko. Puwede pa namang bumawi diba? Sa isang banda, ginagawa ko ang lahat ng ito para sa isang taong insipirasyon ko, si Lara. 

       Pag-uwi ko ng bahay ay siya agad ang hinanap ko. Nasabi nani Nay Lynda na si Pete ng anag kasama niya. Ang kuya-kuyahan niya, kaibigan at mentor sa pagkanta. 
 
       Naiinis ako na umalis siya ng hindi man lang nagtext sa akin. Tapos ang tagal-tagal ko ng naghihintay sa loob ng bahay. Lumabas na ako hanggang lamukin na ang binti ko, wala pa rin. 

         Kumulo talaga ang dugo ko nang dumating naman sya na kasama ang lalaking 'yon. Matapos ang pagod ko, ito makikita ko? 

 Nakaakbay at nagpakiss sa pisngi?! It can't be!

       Sa sobrang selos ko ay nasigawan ko tuloy siya. Nagulat din ako ng sumigaw din siya na mamaya ko na siya kausapin. Hindi ako nagdalawang isip  na sundan siya sa kuwarto niya. Huminahon lang ako ng lumabas si Nay Lynda. 

         "Eumie anak, nag -away ba kayo ni Lara? Ang haba ng mukha. Anyare sa inyo?" 
        "Eh Nay, nangulit lang po ako. Asa'n po siya?"
         "Ay nasa loob, sige puntahan mo at aasikasuhin ko pa ang kusina, hala sige."

         Pagpasok ko ng kuwarto ay nakaluhod si Lara sa sahig, sulok patalikod sa double deck at nagdadamit. Binabaligtad pa muna nya ang tshirt niya kaya nakita kong naka-bra siyang itim. Makinis ang morenang balat niya, flawless. 

        Bumilis ang tibok ng puso ko dahil malakas ang epekto ng katawan ni Lara sa akin. Hindi nga ba't ilang beses ko ng pinigilang halikan siya sa tuwing malapit kami? Kung nahalikan ko man siya noon sa marahas na paraan, pinangako ko ng hindi na iyon mauulit. 

        Hinayaan ko munang magbihis siya tsaka ako nagsalita. 

       "Lara," tawag ko. Hindi siya tuminag. Tumayo siya pagkabihis at nilagay sa hamper sa likod ng pinto ang pinag-bihisan niya.

      Umupo ako sa kama. Muntik pa akong mauntog sa higaan ng deck sa taas. Hindi niya ako pinapansin at dinaanan lang ako para iayos naman ang mga tuwalya sa ibabaw ng kama. Kinuha niya at nilagay sa cabinet. Dinaanan niya ulit ako na parang hindi nakikita. Hindi naman siya nagdadabog pero masungit ang pagmumukha. 

       "Lara, tama na. Please," pakiusap ko. Kinuha naman niya ang gitarang hiniram niya kay Pete iniba ng puwesto sa tabi ng cabinet nila. 

       "Wala ka ng aayusin, hindi mo ako maiiwasan," sabi ko na naiinis na naman. 
       "Antok na ako Eumie, magpapahinga na ako if you don’t mind."
       "I mind."
       "Suit yourself."

       Tumayo ako at kinabig siya palapit sa akin. Malapit na malapit ang mga mukha namin at hinuli ko ang mata niya. 

       "Eumie please, baka makita tayo ng Inay."
       "Behave Lara." Niluwagan ko ang hawak sa beywang niya at umupo ako ulti sa kama. 
       "I'm sorry," mahina kong sabi. Nagulat ako ng tumabi siya sa akin. 

      "Nagiging mainitin ang ulo  mo Eumie, hindi magandang lagi kang galit sa ibang tao at sa akin ka lang magiliw. Nagseselos ka ba kay Kuya Pete?"

      "Hindi. Naiinis lang ako na…may ibang humahalik sa pisngi mo at naka-akbay."
      "Bakit naman? Kuya ang tingin ko sa kanya."
      "Kahit na, lalaki pa rin 'yon. Matuto kang  protektahan ang sarili mo. Dalaga ka na at natural sa lalaki ang nag-iinit. May malisya o wala."

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon