Book2 Chapter 11: hopeful

3.3K 137 2
                                    

LARA'S POV:

       Saturday night ay binasa kong  muli ang diary. Hanggang ngayon ay palaisipan kung bakit na kay Eumie ang lahat ng ito.

 Hindi rin meant na umalis ako bigla at iwang panghabambuhay ang mga katanungan sa isip ko. Baka humihingi ng second chance  ang tadhana? Sino ba naman ako para tumanggi? At least, hindi man maging maganda ang kalabasan, but still malinaw ang lahat. 

 After ng call ni Eumie kaninang umaga ay hindi na siya nagparamdam. Somehow, nag-aalala ako. Namimiss ko na ang snob na Eumie. 

 Natulog na lang ako ng maaga. Natulog akong may pag-asa sa dibdib kong magiging maayos din ang lahat at bukas ang puso ko sa pang-unawa at pagpapa-tawad. 

 Wala na akong sinagot sa huling entry niya. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi na kasi nabanggit ni Eumie ang oras ng uwi niya.  Hindi ko man siya sunduin sa airport gaya ng hiling niya, well at least, madadatnan naman niya ako sa bahay. 

 Ako na ang nagluto ng almusal, pati na rin for lunch. Niluto ko ang paborito niyang beef caldereta. Nabuhayan ako ng dugo nang sabihin ni Manang na tuloy raw ang uwi ni Eumie today. Nalowbat kasi cp ko kagabi at hindi ko na naicharge kaya't malamang sa landline na siya tumawag.

 Matapos kumain ng lunch ay ako na rin ang naghugas ng pinggan ko para bumaba ang kinain ko. Yun nga lang, matapos kumain ay inaantok naman ako. I decided to take a bath again. 

 Pagpasok ng banyo ay nakita kong medyo marumi na pala ang mga tiles ng CR. Kinuha ko lahat ng gamit at sinipag akong magkuskos ng sahig, pader, bowl, lahat na. Pati shower curtain ay nilabhan ko na. Bigla kong naisip ang banyo ni Eumie, baka marumi na rin 'yon.

 Matapos ko sa banyo ko ay sinunod ko ang banyo ni Eumie. Naku, tama nga ako. Medyo marungis na rin ang kanyang banyo. Ayun, walang kapaguran kong nilinis at kinuskos ang lahat ng gusto kong kuskusin. Pilit kong winawaksi ang mga makukulit na naming memory ni Eumie sa banyo na 'to. 

 Madalas kaming maligo ng sabay bago gumawa ng assignments. Nakakalungkot lang na napaka bilis matapos ang mga sandaling masasaya kami. Madudugtungan pa kaya 'yon o tuluyan ng magwawakas? 

 Nang makontento ako sa mga nilinis ko ay lumabas na ako ng banyo. Nahiga ako sa kama ni Eumie.  
Wala sa loob kong humiga ako at kinuha pa ang isa niyang unan para yakapin. Sinamyu-samyo ko ang amoy  Eumieng naiwan sa punda. I miss her so much. Walang gabing nagdaan na hindi ko inisip na kayakap ko siya.

 Maya-maya, sa pagod ay naramdaman kong sumakit ang balakang ko at likod. Marahil siguro sa pagyuko ko sa paglilinis. Idagdag pa na bumibigat na ang pilik-mata ko sa antok. Tinamad na akong bumangon at tuluyang pumikit. Saglit lang naman ako iidlip. 

     "Hindi tayo nararapat Lara. Magkaiba ang mundo natin, iba ang mga responsibilidad natin. Mag-aral ka, be someone that you want to be. 
 Do it without me dahil distraction lang ako sa 'yo. Disrtactions ka lang sa akin. Hindi lang tayong dalawa ang nasa paligid Lara. Maraming umaasa sa akin." 

       "Pero bakit kailangang maghiwalay tayo at itigil ang relasyon natin Eumie?" 

    "Dahil bata ka pa. When you grow more mature, magbabago din ang feelings mo at iisipin mong hindi mo naman pala ako mahal."

     "Ayoko! Eumie huwag mo akong iwan!"

Nakita ko siyang lumayo sa akin at hindi ko maangat ang mga paa ko para habulin siya. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Umiiyak ako. Hindi ko mapigilan ang luha sa pag-bagsak. 

      Naramdaman kong may mainit na humahaplos sa aking pisngi. Pinilit kong dumilat. Alam kong nananaginip lang ako. May naaninag akong isang pamilyar na bulto na nakaupo sa gilid ng kama. Si Manang ba ito?

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon