Chapter 11: ReLease me

4.7K 173 0
                                    

LARA'S POV:

       Patakbo akong bumaba at pumasok sa banyo. Doon ko binuhos ang sama ng loob ko. Galit ako sa sarili ko. Bakit ko hinayaang humantong sa gano'n? Ang dapat kong ginawa ay itulak siya palayo pero hinid ko nagawa. Nadala ako sa sitwasyon at sa pagka-advance ni Eumie. Hindi ako nakalaban.

       Pinunasan ko ang luha ko at naghilamos. Kinuha ko ang bimpong nakasampay at marahang tinuyo ang pisngi ko. Hinaplos ko ang labi kong hindi na birhen. Inaasam-asam ko sana na ang una kong halik ay mula sa isang taong mahal ko at mahal ako.

       Gusto kong magalit kay Eumie sa ginawa niya dahil kailanman ay hindi na matutupad na ang first kiss ko ay maging special and magical. Pero sa isang sulok ng puso ko ay gano'n. Dahil espesyal na si Eumie sa puso ko at tila may mahika nga ang kanyang halik dahil sa epekto noon sa akin.

      Huminga ko ng malalim at bumalik na sa kuwarto ko. Tulog na ang Inay at si Laina. Kinuha ko ang diary sa aparador ko. Umakyat na ako sa upper bed ng double deck namin.
Binuksan ko ang diary ko at sisinghot-singhot akong sumulat.

Dear Diary,
       Would you believe….I had my frist kiss a while ago? Funny thing is, it's not the kiss I've dreaming of.

       Not with a man that would be possibly my future husband,  but from a girl who makes my heart beats fast, from a girl whom I know can never love me back.

        I saw her girlfriend and I am never an inch of her beauty. On the other hand, who am I in her life? Anak lang ako ng kasambahay. What's hurting most? I allowed her to toy with my feelings. Oh is that so? Hindi naman niya alam na may feelings ako sa kanya.
      Tama naman diba? Kung sa kanya ay wala lang 'yon, bakit naman magkakaro'n ng meaning din sa akin 'yon? Stupid random kiss lang 'yon.

Haaaaay!!! Eumie…ano bang gagawin ko sa 'yo?

~~~~~~~~

        Sinara ko na ang diary ko. Niyakap ang unan ko at pumikit. Mukha ni Eumie ang nakikita ko at ang makasaysayang halik namin kanina.

      Bumalik din sa isip ko ang pagromansa ko sa kanyang dibdib.
Then suddenly I felt an amount of heat down there. Hindi ko alam kung ano eksakto pero aware ako sa pagbabagong 'yon.

       Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hati ang pakiramdam ko. Masaya na si Eumie ang first kiss ko, malungkot na hindi naman niya ako gusto, galit dahil hinayaan kong mangyari, hiya dahil sa babae ko unang naranasan at konsensiya dahil alam kong hindi ito ikakalugod ng Inay.

         "Anak, masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala niyang anong habang nag-aalmusal ako. Halata ba ako?
       "Masakit pa rin ng kaunti ang ulo ko Inay pero carry naman po, madami kaming quiz today kaya hindi ako puwedeng mag absent."
       "O sige, basta pag-uwi mo ay magpa-pigil kang kumilos. Kaya ko ang gawain."

       Hinaplos ni Inay ang ulo ko at hindi ko mapigilang maiyak sa loob ko. Mothers really care genuinely. She is all that I have and Laina. Ikakamatay ko kung anuman ang mangyari sa kanilang dalawa.

      "Nay…s-si Eumie po ba papasok?"
      "Oo anak, naka-alis na kanina pa."
      "Ho?"
      "Sinundo ng kaibigan niya."
      "Kaibigan?"
       "Oo, babae naman, Amanda raw."

      Nabitawan ko ang tinidor bigla at kumalansing sa sahig. Parang may dumakot at pumiga sa puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Amanda, ang ex niya. Bakit ba ganito ang bigla kong naramdaman? Bakit ako nasasaktan sa isiping magkasama sila ng ex niya?

      "N-Nay…tanong ko lang. Ako pa rin ho ba ang tagapag-alaga ni Eumie? I mean, nandito na kayo, ako pa rin ho ba ang kailangang magpa-alalala ng gamot niya at suyuin siya?"

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon