Chapter 15: Beneath the Stars

4K 132 0
                                    

EUMIE'S POV:

      MASASABI kong kahit papano ay nabunutuan ako ng tinik. Inalis ko na ang hinanakit sa buhay.
Slowly, natuto na akong tanggapin si Estella, ang ate Estella. She risked her life for me. I realized that I really, really can not change the past. I am here living for the present. Yes, life is too short.

        Nakauwi na ng bahay si Lara at si Ate. I have talked to my mom and we decided to start anew. I promised to finish now my high school, get a degree in college and by then, it is the only way I can repay my father. I promised mom to continue dad's legacy in their business. Sa sarili kong paraan ay magkaron naman ng saysay
ang pagkamatay ng tatay ko at bumawi sa mga taong naapektuhan. Lahat sila: My mom, Nanay Lynda, si Lara at si Laina. I need to move forward, life has to move on. Enough in holding grudges, enough in fighting, enough for pride.

         Apat kaming nag-aayos ng christmas décor sa salas. Ako, si Laina, Lara at Ate. We have smiles in our face. Binuhat ko si Laina para siya ang maglagay ng star sa tuktok ng chriitmas tree.

          "Yey! Very good baby!" sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya. Pupunan ko ng pagmamahal at atensiyon ang bunsong kapatid ni Lara, kapalit ng pagmamahal at dapat na aruga ng namatay nilang ama.

         Minsan talaga sa buhay, kailangan pang may mangyari pang trahedya bago mo malaman ang mga pagkukulang mo at ang mga dapat at di dapat mong ginawa.

          "Ang ganda ng christmas tree natin ate!!" Tuwang tuwa niyang reaksyon. Bunuhay naman ni Lara ang christmas light na nakaikot sa tree. Nagsimulang kumutitap ang ilaw kasabay ng mga pamaskong awit galing din sa christmas light.

        Masayang umindayog si Laina at nakita kong nakangiti lang na nagmamasid sa amin ang Mommy at Nanay Lynda galing may dining hall.
Napasulyap ako kay Lara. Pinangako ko rin sa sarili ko na aalagaan ko siya at mamahalin katulad ng…..higit pa sa kapatid. Di ko maiwasang hindi malungkot pag-sagi ng mata ko sa pilat sa pisngi niya.

            Sa mundo na hinuhusgahan ang pisikal mong anyo, alam kong magiging kabawasan ito para kay Lara. May hapding sumirit sa puso ko para sa kanya.

         Noche Buena. Masaya ang lahat. Sa bahay nagcelebrate si Kuya Yul at si Dyke. Nagpatuloy sa panliligaw si Dykie pero malinaw ang sinabi kong hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay.

*********
          Matapos kumain ay nag-ipon kami sa tabi ng christmas tree. Nagbigayan kami ng gifts sa isa't-isa. Masaya ang lahat.

         "Pagdamutan niyo na ang regalo ko kasi hindi pa dinadagdagan ni Mom ang allowance ko eh," biro ko.

        Si Ate Estella naman ay trainee na sa adverstising company namin kaya medyo may pera na rin siya.

          "Ako naman, sakto lang. I made sure na magagamit niyong lahat ang mga regalo ko, "sabi nya.

        "Oh for sure, lahat ng  gift ni Mom sa tin ay mamahalin! Diba Mom?" Humiling kasi ako sa kanya ng magandang cellphone. Kaya ko namang bumili no'n pero iba pa rin kung gift ni Mom. Hindi naman ako nabigo :)

       Binuksan ko naman ang regalo ni Lara sa akin. Isang white hanky na may burdang rosas. As in red ang petals at green ang stem and leaves.

         "Ikaw nag burda nito?" Tanong ko.
         "Oo, nagustuhan mo ba?"
         "Yah, it's so cute. Pare-pareho ba kami ng natanggap?"
         "Secret…"

         Matapos magbigayan ng gift ay isa-isa kaming nag-yakapan, bumati at humalik sa pisngi ng bawat isa. Nang mapagod ay kanya-kanyang balik na sila sa kuwarto. Naiwan kami ng mom sa salas at naglinis pa muna sa kusina sina Lara at Nay Lynda.

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon