Chapter 14: Scar

4K 139 0
                                    

LARA'S POV:

        NASA operating room ako ng ospital at nasa kabilang room naman si Estella. Hindi ko alintana ang hapdi ng pagtatahi ng doktor sa mukha ko dahil si Estella ang nasa isip ko. Kumpa'no siya sumulpot at kumpano rin ako nakita ni Eumie kasama ang mga hoodloom na 'yon.  Nag-aalala rin ako para sa nanay ko. Alam kong daramdamin niya ng husto ang nangyari sa akin. Tiniis ko ang hapdi at napapikit. Umukit muli sa isip ko ang trahedyang naganap.

          After ng Christmas party namin ay binalak ko sanang anyayahan si Eumie na kumain sa labas. Matagal ko na kasi siyang hindi nakakausap at sobrang miss ko na siya. Pero mabilis siyang nawala after naming magkabungguan sa labas ng room. Halos manikip ang dibdib ko sa bawat araw ng pag-iwas niya sa akin.

        Sumama na lang ako mag-bonding sa kagrupo ni Ash sa compound nila. Si Ash ang auditor ng klase at isa sa mga lalaking hindi humusga at nang-asar sa akin. Masyado akong naaliw sa mga kabarkada niya at nang mapansing nalalasing na sila ay nag-paalam na akong umuwi.

          Umiba ako ng direksiyon para shortcut sa bahay namin. Nakalimutan ko na kahit shortcut ito ay walang masyadong dumadaan dahil madilim. At minalas ako, oo. Halatang nag-aabang  ng masisilo ang mga walanghiya. Ibibigay ko naman na sana ang bag ko pero….ando'n kasi ang diary na matagal ko ng iniingatan at hindi ko kayang mawala. 

           Pinag-tawanan nila ako ng sabihin kong kunin lahat maliban sa diary ko. Natakot ako ng tangkain nila akong hubaran at do'n na napadaan si Eumie. Eumie saved my life. Then Estella suddenly appeared.

        Ang huling alam ko ay galing si Estella sa isang party sa second cousin niya at di malayong tinuro rin sa kanya ang shortcut. Sa gitna ng engkuwentro ay ninerbiyos na ang holdaper kayat napapadiin na niya ang dikit ng kutsilyo sa pisngi ko hanggang tuluyang mahiwa ang aking mukha at dumugo.

        Walang pagbabaka-sakaling hinarang ni Estella ang sarili niya sa saksak na para kay Eumie. Estella saved Eumie's life.

          "Inang…." daing ko pagmulat ko ng mata. May benda ang kalahati ng mukha ko at kasalukuyang nasa regular room na. Feeling ko, kasalanan ko ang lahat dahil ako ang unang biktima sana. Hawak ng Inang ang kamay ko.

          "Ssshhhh….anak, huwag ka munang mag-salita. Nahuli ang dalawang lalaki dahil may eksaktong may nagpapatrol sa kabilang bayan na pinaglabasan nila. Maging matatag ka anak, huwag kang sumuko. Pasalamat tayo sa Panginoon at hindi ka tuluyang napahamak."

          "Kamusta ka na hija?" marahan akong bumaling sa kabilang side ng kama. Narito rin pala sa silid si Dona Merlida.

          "Ma'm... Pasensiya na po. Dodoblehin ko na lang po ang sipag sa mansion para mabayaran ang bills sa ospital."

          "Ikaw talagang bata ka, ano ba' yang sinasabi mo? Wala kayong dapat alalahanin."
"S-si E-Estella po?"
        "Ligtas na rin si Estella hija. Hindi naman masyadong malalim ang tama ng patalim."

          "Nasa regular room na po ba siya? Maaari ko ba siyang makausap?"

         "Oo Lara, nagpapalakas na rin siya kaya magpalakas ka na rin. Hinihintay ka na ni Laina. Mabuti naman at last day ng pasukan at makakapag-pahinga at makakapag-palakas kayong dalawa."

         "Nasa'n po si Eumie? Kamusta na po siya? Ayos lang po ba siya?"

         "She's in a light shock at trauma sa mga nangyari. Bukas na bukas ay luluwas siya ng Manila at kapatid ko muna ang mangangalaga sa kanya."

          "Po? Aalis si Eumie? Kailangan ko pong makalabas ngayon para makapag-pasalamat. Pakiusap Ma'm."

Nagtinginan si Ma'm Merlida at ang Inang.

Diary ng EPAL, Diary ng BRAT (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon