"Okay. You may seat beside Mr. Hernandez." Seriously. This teacher is really bad at making seating arrangements. Ts.
Hindi ako makapag focus. Pano ba naman, tuwing titingin ako kay Drew, nakatingin din sakanya si Steph. At pag nagkakatinginan sila, nag ngingitian pa. Ugh. Annoying. Really!
Lunchbreak.
Lalapit sana ko kay Drew para kausapin sya. Kaso...
"Drew, sabay tayo mag lunch ah?" Steph said while making pa-cute to my Drew. Tsk. So fake.
Teka. Magpapatalo ba naman ako?
"Drew. Diba sabi mo sakin dapat lagi mo ko kasama?" Ugh. Ano ba 'tong ginagawa ko?
Tumingin sakin si Steph with her curious expression.
"Sorry Shane. Ngayon lang kasi ulit kami nagkita ni Steph eh. Next time nalang." He smiled at me. I smiled back. Seriously.. half-smile.
"Ah. Sige." Then tumingin ako kay Steph.
She looks at me then make an evil smile. Tsk. This girl is pissing me off. Bagay nga sila. Tsssk.
No. Naalala ko yung sabi ni Drew.
"WE look good TOGETHER." I believe in him. I trust him.
"Shane!" Tumingin ako sa likod ko. Tinatawag pala 'ko ni Dwayne.
"Gusto mo samin ka nalang sumabay mag lunch?" Dwayne suggested.
"S-sige." I smiled.
Pumunta na kami sa canteen. After bumili ng foods, umupo na kami malapit sa table ni Steph at Drew. Hindi ko mapigilan di sila tignan.
Ang saya kaya nila. Kung titignan mabuti, para nga silang magboyfriend-girlfriend. Tss.
"Nakaka miss din pala yan si Steph no?" Carl said while looking at Drew and Steph.
What? Pati ba naman sila?
"Oo nga eh. Matagal din sya nawala." Zeph added.
Ano bang meron dyan sa Steph na yan? Tsk.
"Kilala nyo sya?" I asked.
"Oo naman." Carl answered.
"Kaming 5 magkakasama noon. Halos sabay sabay na din kaming lumaki. At di mo nga aakalain na sa ugali nila na yan, naging sila dati."
Wait. Am I hearing it right? Naging sila?!
"Naging sila?" I asked
"Oo. Mga 2 years na yata sila nung nagbreak sila. Kelangan kasi pumunta ni Steph sa ibang bansa dahil nandun yung buong family nya." Dwayne answered.
So kung hindi pala umalis si Steph, siguro sila parin hanggang ngayon.
Nakatingin lang ako sa kanila.
Anobayan. Di man lang ako tinitignan ni Drew. Busy kasi masyado eh. Tss. Nakakainis ka Drew. :(
"Shane may problema ba?" Dwayne asked.
"H-ha? Wala wala." I fake a smile. Mai-stress lang ako pag iisipin ko pa yun.
Sinubo ko nalang yung carbonara. Tsk. Nakakainis talaga.
"Ah-Shane." Dwayne looks at me.
"Hm?" I asked. Nakatingin sya sakin. Ang tagal. Bakit kaya?
Papalapit na yung mukha nya sakin.
"D-dwayne, bakit?" Kinakabahan ako. Hindi ako maka galaw. Di ko alam gagawin. Ilang inches nalang, sobrang lapit na nya sakin. Pumikit ako.
Then may humila sakin. Pagbukas ko ng mata ko...
Si DREW.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Comment. Vote. :)
BINABASA MO ANG
Status: In love. ♥
Teen FictionFacebook Status. Halos lahat makaka relate pag ito na yung usapan. Pano kapag ito yung dahilan ng pagbabago ng buhay mo? Anong gagawin mo kapag pinag agawan ka ng dalawang school hearthrob?! Sinong pipiliin mo, yung matagal nang tinitibok ng puso mo...