SHANE'S POV
Weeks had passed. Wala parin akong balita kay Drew. Kahit isang text.... wala.
Well, ano nga ba ang iniintay ko? Eh pagkatapos kong magpaka tanga.. malamang galit na galit na yun. Haaaay. Namiss ko na si Drew. Miss na miss ko na ang DEVIL BOYFRIEND ko.
"Shane!" Pagtingin ko sa likod..... si Dwayne.
Wala namang something samin ni Dwayne. Kasi friend lang talaga turing namin sa isa't isa. Ang weird no? Pero kahit si Dwayne yung pinili ko.... mas mahal ko parin ang boyfriend-- I mean, ex-boyfriend ko.
"Oh, bakit?" tanong ko.
"Anong bakit? Hindi ka nanaman nag recess kanina! Oh!" sabay abot nya sakin ng lunch box.
Dwayne. Wag ka nga umasta ng ganyan. PLEASE. Mas lalo ko lang namimiss si Drew eh. Lalo ko lang naiisip yung mga katangahan na ginawa ko. Tsss.
Ilang araw pa ang dumaan. Nakikita ko lang si Drew sa corridor kasama ni Zeph at Carl. Pero tuwing titignan ko sya... hindi man lang sya tumintingin sakin.
Bumabalik nanaman sya sa pagiging bad boy nya. Haaay. Sobrang miss ko na talaga sya.
DREW HERNANDEZ. Bumalik ka na sa dati...
Bumalik ka na sakin....
Please. :(
-------------
Hinatid ako ni Dwayne pauwi. Wala paring nagbabago sa kanya. Sweet parin sya.
Pagka uwi ko, binuksan ko na gad yung facebook account ko. Matagal tagal ko na din palang di nabubuksan to. Masyado na kasi akong nadadala sa problema ko kay Drew.
Pagkabukas ko... nanghina na agad ako sa nakita ko.
*DREW HERNANDEZ is in a relationship with STEPH GARCIA*
BINABASA MO ANG
Status: In love. ♥
Teen FictionFacebook Status. Halos lahat makaka relate pag ito na yung usapan. Pano kapag ito yung dahilan ng pagbabago ng buhay mo? Anong gagawin mo kapag pinag agawan ka ng dalawang school hearthrob?! Sinong pipiliin mo, yung matagal nang tinitibok ng puso mo...