SHANE'S POV
Nakasakay na kami sa bus at katabi ko na din si Dwayne. Nang biglang nagvibrate yung phone ko.
*1 message received*
From: Mama.
Shane. Kamusta fieldtrip? Ingat pauwi ah. Wag kang uuwi pag wala kang pasalubong! Hihi.
Haaay. Naman oh. Paalis na kami eh. Wrong timing naman. Tss.
"Dwayne. Saglit lang ah. May bibilin lang ako." Nag nod sya then smile.
Pagbaba ko ng bus.. diretso agad ako sa souvenir shop. Ano naman kaya ibibili ko kela mama? Tsk. Talaga naman!
Pagka open ko ng door ng souvenir shop..
Sht!
Guess who, nakita ko?
Ang mayabang na si Drew lang naman.
Teka. Paalis na yung bus ah. Ano pang ginagawa nya dito?
"Ah. Miss. May nakita ba kayong cellphone dito kanina?" tanong ni Drew sa tindera.
"Ah. Opo. Naiwan nyo po yata nung bumili kayo ng necklace."
Oh, Sht~~~
Binigay nung tindera yung phone ni Drew. Todo thank you naman 'to. Kala mo kung sinong anghel. Tss!
"Miss.. dalawa nga nito." tinuro ko yung isang souvenir shirt.
Then biglang napatingin sakin si Drew.
"Ba't ka nandito?" tanong nya.
"Bakit, sayo ba 'to?!" inirapan ko sya sabay kuha nung shirt.
"Magka kilala po kayo?" gulat na tanongnung tindera.
Unfortunately.. yes.
"Ah- classmates. bakit?" Ang galang ko. HAHA.
"Ibig sabihin destined talaga kayo." tapos medyo kinikilig yung tindera Ano daw? Di ko ma gets.
"Ha?" tanong ko ulit kay Ate.
"Yung necklace po na binili nyo... magka partner."
Nagkatinginan kami ni Drew. Ohnoes. Sya yung soulmate ko? Pano na si LEE MIN HO? Jk.
"Oy. Patingin nga ko nung sayo."
sabi ko sabay bigay nya sakin ng necklace nya.
Shemay. Yung pendant... yung boy hinahalikan yung babae sa forehead. Ohmyyyy. Ito nga. :(
DREW'S POV
Anak ng. Si Shane pala yung may ari nung necklace. Sabi na.. di ko na dapat binili eh. Pano.. pinilit ako ni Steph bumili. Nung nabili na namin, tsaka lang sinabi nung tindera na hindi magka partner yung necklace namin. Tss. Buti naman.
Kinuha ko ulit yung necklace kay Shane. Magka partner nga. Psh.
Umalis na agad ako. Baka kasi kung ano pa masabi ko. Pero akalain mo yun.. sa dinami dami ng tao na pwedeng makabili nung isa.. si Shane pa.
T*ngna. Kinilig ako dun ah.
Magkatabi na si Shane at Dwayne sa bus. Ako naman, si Steph. Di tuloy ako makatulog ng ayos. Pano ba naman... ang likot nitong Steph na to. Tsss. Buti pa si Shane eh.
Tumingin ako sa left side. Katabi lang kasi namin yung upuan nila Shane.
Naka sandal si Shane kay Dwayne tapos nakasandal naman yung ulo ni Dwayne kay Shane.
P*ch*. Di sila bagay.
Shane.... sakin ka lang nababagay.
BINABASA MO ANG
Status: In love. ♥
Teen FictionFacebook Status. Halos lahat makaka relate pag ito na yung usapan. Pano kapag ito yung dahilan ng pagbabago ng buhay mo? Anong gagawin mo kapag pinag agawan ka ng dalawang school hearthrob?! Sinong pipiliin mo, yung matagal nang tinitibok ng puso mo...