4 years later...
Owkaaay. 4 years later na agad. Grabeng author naman to. Excited HAHA. After namin mag graduate sa college, marami na ring nagbago.
Si Carl at Zeph.. business partner ng car company. Ang tibay talaga nung dalawang yun. Hindi mapag hiwalay eh.
Si Gwen? Syempre. Isa na ring sikat na fashion designer. Akalain mo.. may mapupuntahan pala yung 3 oras na pagbibihis nya? HAHA. Pero pangarap nya talaga yun, dati pa. Kaya nga tuwang tuwa sya nung makakuha sya ng trabaho eh.
Eh anong nangyari sa love triangle nila? Wala.
Pareho silang basted. Sa ngayon, isang model ang boyfriend ni girlfriend! OHA! Taraaay. :)
Pero ako... ano nga ba nangyari sakin?
Well, eto. Isa lang naman akong..
Actress.
Hindi ko nga din alam kung bakit yun napili ko eh. Siguro sa sobrang kabaliwan ko.. dun napunta lahat sa acting skills ko... Joke.
Pero okay lang. I'm living my life happily and contented naman eh.
With my friends... and family.
Kaso... may isang pangyayari na nagpabago ng takbo ng buhay ko.
---------------------------------------------------------
"Siguro nga tama na pinakawalan ko sya. Siguro dapat noon palang isinuko ko na sya. Siguro nga.. hindi talaga kami para sa isa't isa."
Pero may biglang yumakap sakin mula sa likod.
"Kaya pa naman natin lumaban, diba? Hindi ako pupunta sa America. Kung sasabihin mo sa'kin na ayaw mo... mananatili ako sa tabi mo."
Ramdam na ramdam ko yung bawat paghinga nya. Lalo nyang hinigpitan yung pagyakap sakin.
Pinikit ko mata ko. Hindi pwede. Ayokong masira ang pangarap nya ng dahil lang sakin.
"Kailangan mong umalis... Drew. Pinapakawalan na kita."
Natigilan sya. Medyo lumuwag na din yung pagyakap nya. Sorry, Drew. Maiintindihan mo anamna ko diba?
Humarap ako sa kanya.
"Pinaglaban kita, Shane. Pinili kong wag umalis para lang makasama ka.
Pero bakit hindi mo pinaparamdam sakin na tama yung ginawa ko?
Bakit ka bumibitaw?
Bakit....
Bakit di mo man lang ako mapag laban?"
Tears running down on his face.
"Dahil nagising na ko sa katotohanan, Drew. Tanggapin mo nalang. Hindi talaga tayo ang nakatakda para sa isa't isa."
Umiwas ako ng tingin sakanya. Hindi ko sya kayang makitang nahihirapan.
"Kahit kailan hindi ko naramdamang isuko ka....
Pero ngayon, isa nalang ang nararamdamam ko.
Shane.. Pagod na ko. Pagod na pagod na ko."
Pinipigilan kong pumatak yung luha ko. Pinipigilan kong wag ipakita sakanya na nag hihina ako. Drew. Ang sakit.
Umalis sya pagkatapos nun. At ako... nakatayo dito. Naghihintay na balikan nya.
Pero hindi.
Ako may gusto nito eh. Alam kong masakit. Pero someday, mar-realize mo din na para sayo din 'to. Para satin.
Tama naman yung ginawa ko diba?
Hindi ko sya pwedeng pigilan.
Nasa ibang bansa ang pangarap nya.....
Ang buhay nya.
BINABASA MO ANG
Status: In love. ♥
Roman pour AdolescentsFacebook Status. Halos lahat makaka relate pag ito na yung usapan. Pano kapag ito yung dahilan ng pagbabago ng buhay mo? Anong gagawin mo kapag pinag agawan ka ng dalawang school hearthrob?! Sinong pipiliin mo, yung matagal nang tinitibok ng puso mo...