Chapter 33: Complicated.

1.6K 18 1
                                    

DWAYNE'S POV

Nandito ko sa park, nagpapahangin. Madalas ako dito pag wala akong ginagawa. Pero nakita ko si Shane na umiiyak at naka upo sa swing.

Lumapit ako sa kanya. Hindi nya siguro napansin. Umiiyak parin sya ng umiiyak.

Shane. Hindi mo ba alam kung gano ka hirap?

Kung gano kahirap magpasaya ng taong mahal mo tapos makikita mo lang na pinapaiyak sya ng taong wala man lang pakialam sa nararamdaman nya?

Hindi ko sya kayang kausapin sa lagay na to. Tinitignan ko lang sya. Alam kong masakit to para sayo, Shane.

Pero sa nakikita ko ngayon.... doble pa yung sakit na nararamdaman ko.

Gabi na. Buti naman tumigil na din sya. Tatayo na sana sya pero..

"Buti naman tapos ka na?"

Nagulat ko yata sya.

"Dwayne. Kanina ka pa dyan?"

Nag nod ako. Shane. ayaw kitang makitang ganyan. Ngumiti ka na.

Then, di ko alam kung nababasa nya ang utak ko pero... ngumiti sya. Buti naman. Shane... Ngumiti ka lang.

SHANE'S POV

Thursday morning. Naglalakad na ko papunta sa school. Nakita ko si Drew na naglalakad. Chance mo na to Shane. Go.

Tumakbo 'ko papunta sa kanya. sabay tigil sa harap nya.

"Drew" napatigil sya.

Kaya mo yan, Shane. Wag kang papadala sa mga sasabihin nya. Get him back.

"Mag-usap tayo." tinignan ko yung mga mata nya. Yung mga mata na ginagamit nya sakin pag galit ako. Kasi alam nya na tingin palang nya.. nawawala na galit ko. Pero ngayon.. coldness yung nakikita ko. Sigh.

"Sino ka?"  Ano bang pinagsasabi nito?

"Drew, please. Wag ka naman ganyan. Magpapaliwanag ako."

Tumigil sya sa paglalakad nya. Nagsalita sya habang nakatalikod sya.

"Wag, Shane. Masaya na ko ngayon."

Humarap sya sakin.

"MAS masaya na ko ngayon." he added.

Status: In love. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon