PROLOGUE

65 1 2
                                    


"Ang akala mo ba'y matatakasan mo ako, Rachel?" nakakaloko ang ngisi ni Holy habang nakatayo sa abandonanong bahay sa gitna ng gubat. Sa likuran niya ay ang bulto ng kanyang kakambal. "Tandaan mong ako ang dahilan kung bakit nakatakas tayo!"

Hindi maitago ang galit sa mukha ng kakambal niyang si Rachel. Wala siyang pakialam sa panggagalaiti nito. Ang importante ay malaya na sila. Malaya na siyang gawin ang lahat ng gusto niya.

Nabigla siya nang sakalin siya ni Rachel. "Ah! Ah!"

Pinigilan niya ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa leeg niya. Nagpupumiglas siya nang maramdamang nauubusan siya ng hangin. Buong lakas na tinama niya ang sarili sa pader. Hindi bumitaw si Rachel sa pagsakal sa kanya. Muli niyang tinama ang katawan sa pader pero hindi ito tumigil.

"W-Walang hiya ka!" sa nahihirapang tinig ay wika niya. Nakita niya ang nakausling steel rod sa pader. Mabilis na dinala niya ang sarili roon, may kaunting distansya ang tagiliran niya sa steel rod. "S-Sige Rachel, bibitaw ka ba o pareho tayong mamatay? Ah baka gusto mong patayin ko rin si Candia?"

"You bitch!" lumipat ang mga kamay ni Rachel sa buhok niya. Sinabunutan siya at pinagmumura. "Paano mo nalaman ang tungkol kay Candia?"

Ubo siya nang ubo habang habol ang hininga. "Tonta! Tanga na ba talaga ang tingin mo sa'kin? Of course, kilala ko ang isa pa nating kakambal na si Candia. But don't you worry wala akong balak magpakilala sa bobong 'yon."

"Kahit kailan ay wala kang kuwenta, Holy! Sinira mo ang buhay ko! Kapag may ginawa ka kay Candia ay hinding hindi kita mapapatawad!"

Humalakhak siya na parang baliw. "Talaga lang ha? As if naman may magagawa ka." may kinuha siyang larawan sa bulsa ng kanyang shorts. "Here, diyan tayo pupunta." aniya kasabay ng paghagis niyon at ng isang bag na punong puno ng pera.

"Saan mo nakuha ang mga 'yan?"

"Pakialam mo." pinagpag niya ang suot na t-shirt. "Pupunta tayo ng La Muerte sa ayaw at gusto mo. Subukan mong huwag sundin ang gusto ko Rachel, mapipilitan akong tapusin ang buhay mo, buhay ko at ng pinakamamahal mong si Candia."

Nagustuhan niya ang takot sa mga mata ni Rachel. Nabubuhay ang dugo niya sa takot na nakikita rito. Alam niyang wala itong pagpipilian kung hindi ay sundin ang utos niya. Matagal na niyang pinag-aaralan ang tungkol sa La Muerte. It is the perfect hideout for her. Katulad ng dugong nananalaytay sa kanya, La Muerte means death. And that's what she liked. Death. Pasasaan ba't mawawala sa landas niya si Rachel pati na rin ang bagong kakampi nitong si Candia.

DARK SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon