CHAPTER ELEVEN

5 0 0
                                    

"Si Candia?"

Naghintay muna ng ilang minuto si Edward bago pumasok sa diner. Kanina pa siya naroon at inaabangan ang pagdating ni Kleo at Candia. Ayaw niyang masyadong maging halata kaya naghintay muna siya sa labas.

"Nagbanyo pa." nakatingin ang kapatid niya sa hawak na menu. "Umupo ka muna para kang nata-tae."

Umupo siya sa harapan nito. Nakatingin sa pinto ng banyo. Mukhang niloloko 'ata siya ng kapatid niya. Nagdaan na lang ang ilang minuto ay walang Candia na lumabas doon.

"Bakit wala pa rin siya?"

"Lalabas din iyon. Baka may ginawang importante sa loob."

"Nandito ba talaga siya?" naiinip na tanong niya.

Hinampas siya ni Kleo ng hawak nito. "I'm not a liar."

Muli siyang tumingin sa pinto ng banyo. Bumukas iyon. Napakurap siya ng makitang lumabas si Candia. Nakayuko iyo habang naglakad papunta sa kanila. Nakalugay ang mahaba at brunette nitong buhok. Nagulat siya nang lagpasan sila ni Candia. Mabilis na hinabol niya ito bago ito makalabas.

"Hey, Candia!" hinawakan niya ang braso nito.

Noon lang ito nag-angat ng tingin. "A-Ah, Edward..." nauutal na bigkas nito sa pangalan niya.

"Uuwi ka na? Kakain pa tayo!" sinenyasan sila ni Kloe na bumalik sa mesa.

Inakay niya ang nahihiyang si Candia na bumalik sa mesa. Tumabi siya rito sa upuan.

"Kakain din ako rito sa diner when I saw my sister Kloe. Narito rin pala kayo." swabeng palusot niya.

Tumikhim si Kloe. Pinandilatan niya ito ng mga mata.

"K-Kapatid mo si... si Kloe?"

Normal na siguro sa boses ni Candia ang manginig at mautal minsan. Kaya siguro minsan ay nahihiya ito at yumuyuko kapag nangayayari iyon.

"Hey, Are you okay? You're acting weird." puna ni Kloe sa kaharap ng dalaga.

Nadagdagan ang pagkakayuko ni Candia sa sinabi ng kapatid niya.

"Order na tayo!" binigay niya kay Candia ang menu.

Kimi itong ngumiti at tinanggap iyon. Medyo kakaiba nga si Candia ngayon kumpara noong isang araw.

Bad timing. Kailangang si Candia ang humarap sa katrabaho ni Rachel na ngayon lang niya nakita. Kung bakit ba kasi ngayon pa nangyari 'to. Hindi pa naman siya sanay na makipaghalubilo sa ibang tao. Baka nakahalata si Kleo dahil sa pananahimik niya.

Buti na lang at dumating iyong lalaking hindi niya rin kilala. Jorge raw ang pangalan. Sumama si Kleo rito dahil tumawag ang mommy nito at pinapauwi na siya. Pinakiusapan ni Edward si Jorge na ihatid ang kapatid nito.

Ang akala niya'y makakaligtas na siya at makakauwi na sa bahay pero hindi pa pala. Nagpa-iwan si Edward para samahan siyang tapusin ang pagkain.

Hindi siya nabalaan ni Rachel na kasama pala nito si Edward. Sa takot at hiya ay hindi niya napansing papalabas na siya kanina sa diner. Buti na lang at pinigilan siya nito.

"Gusto mo ng ice cream?" lumipat ng upuan si Edward. Nakaharap na ito sa kanya ngayon.

"I-Ice cream? Sige." medyo komportable na siya ngayong wala na silang kasama ng binata.

Kanina pakiramdam niya'y sinasakal siya habang nagsasalita si Kleo tungkol sa mga bagay na wala naman siyang alam. Pinili niyang manahimik kaysa magkamali ng sasabihin.

"Oorder lang ako, wait."

Nagkaroon siya ng lakas na loob na sundan ng tingin si Edward nang tumalikod ito. Papasa itong modelo kung susubukan nito. Papayag kaya itong maging model niya kung sakaling ipipinta niya ang binata? Nag-init ang mga pisngi niya. Nakakahiya. Baka magalit ito o ang nobya nito. May nobya na kaya ito? Mas lalo siyang nahiya sa naisip.

"Hey, Candia?"

"H-Ha?"

"I was asking kung anong flavor ang gusto mo."

Napayuko siya. Kanina pa pala siya nakatitig kay Edward. Ano kayang iniisip nito ngayon? Baka isipin nitong nababaliw siya. Nakakahiya talaga. Kung si Rachel lang sana ang kaharap nito ay madali lang iyon sa kapatid niya.

"K-Kahit anong flavor." nakayuko niya pa ring sagot.

"Okay."

Mayamaya pa'y bumalik na ito hawak ang dalawang ice cream cup. Binigay nito ang isa sa kanya pati na ang kutsara na gawa sa plastic.

"Were you always been like that?" nagsimula ng kumain si Edward ng ice cream.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Siguro ang tinutukoy nito ay ang pagsta-stammer niya. Sinubukan na siayng tulungan noon ni Rachel sa problema niyang iyon pero bumabalik pa rin. Tinulungan din siya ng kapatid na i-boost ang self confidence niya na unti-unti niyang pinag-aaralang gawin.

"Hindi ka pala madaldal like what Kleo said." sagot nito.

"Tinanong mo si Kleo tungkol sa'kin?"

Nabigla si Edward sa sinabi niya. Nalunok nito 'agad ang ice cream na nasa bibig. Inubo ito dahil sa ginawa.

"Ah, hindi naman. Nabanggit niya lang."

Kinuha niya ang tissue paper sa ibabaw ng mesa at binigay iyon kay Edward. Pinunasan 'agad nito ang nagkalat na ice cream sa bibig.

"Meron pa sa kabila."

"I think we are destined to meet each other." tapos na nitong linisin ang bibig.

"Paano mo naman nasabi?" nakatuon ang mga mata niya sa ice cream cup.

Hinawakan ni Edward ang baba niya at matamis siyang nginitian. "Hindi ko rin alam pero baka dahil nakatakda tayong maging magkaibigan? Or maybe we are destined to make a big impact on each other's lives."

DARK SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon