"Oh ano, Edward? Magre-resign ka na sa trabaho mo? Aba't kailangan ka namin ng daddy mo sa negosyo natin. Kailan mo pa kukunin ang responsibilidad na iyon, kapag patay na kami?"
Umagang-umaga pa lang iyon. Katatapos niya lang maligo at magbihis para pumunta sa trabaho niya nang pasukin siya ng mommy niya. As usual dinadasalan na naman siya. Sa loob ng utak niya ay naka-play ang favorite niyang kanta para balewalain ang mga sinasabi ng mommy niya.
"Ano'ng nginingisi mo bata ka? Aba't hindi mo na ako nire-respeto ha, Edwardo?"
Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri niya.
"Mom naman! Tigilan niyo na nga ang katatawag sa'king Edwardo. This handsome man's name is Edward." kinindatan niya pa ito.
Hindi iyon umobra sa mommy niya. Sinugod siya nito ng dalawang kurot sa tagiliran. Imbes na masaktan ay tumawa lang siya. Mas lalong nadagdagan ang inis ng mommy niya.
"Seryoso ako sa mga sinasabi ko, Edward."
"Aalis na ako. Ihahatid ko si Kleo sa trabaho then I'll head to the hardware store." dinampot niya ang susi ng kanyang motor at nag-kiss sa mommy niya.
"Umuwi ka 'agad mamaya, Edwardo!"
"Mom!" sita niya rito.
Sinalubong siya ni Kleo sa labas ng kanyang kwarto. Sabay silang bumaba sa hagdanan.
"Pinakiusapan ka ni mommy na ihatid ako?" siniko siya nito.
"Hindi ba puwedeng mabait lang talaga ako?"
Kleo rolled her eyes. "Ang hangin!"
Inakbayan niya ang nakababatang kapatid. "May atraso ka pa sa'kin. Sinundo kita noong isang araw but you're not there. Sino'ng sumundo sa'yo?"
Inalis ni Kleo ang pagkaka-akbay niya rito. Halatang ayaw nitong sagutin ang tanong niya dahil nagmamadali itong bumaba sa hagdanan.
Dumiretso ito sa motor niyang naka-park sa labas. Sinuot nito ang pink helmet na nakasabit sa manibela ng motor niya. Nilapitan niya si Kleo at matalim na tinitigan.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
Ngumisi siya. "Secret."
Excited si Edward habang minamaneho ang kanyang harley. May usapan sila ng kapatid niyang si Kleo. Actually, plano niya iyon. Tinakot niya ang kapatid na isusumbong niya ito sa mga magulang nila kung hindi nito gagawin ang pakiusap niya.
Nagtiyaga siyang abangan sa kanto ng bahay nila si Kleo noong isang araw. Sasabunin siya ng mommy niya kapag umuwi siyang hindi kasama ang kapatid. Iisipin nitong hindi niya sinundo si Kleo. Umamin naman sa kanya kanina si Kleo na kasama nitong kumain sa labas ang isang kaibigan kaya hindi na siya nito nahintay. May ideya na siya kung sino ang "kaibigan" na iyon pero hindi niya isinatinig.
Medyo kinakabahan siya. Tama lang ang bilis ng pagpapatakbo niya sa kanyang motor. Mahirap nang maaksidente dahil baka hindi siya makasipot sa pupuntahang diner. Siniguro niyang mauna roon ng kalahating oras. Yeah, he's seeing Candia again tonight.
Ang sabi sa kanya ni Kleo ay Rachel daw ang gamit na pangalan ni Candia sa opisina. Na-gets niya naman 'agad kung bakit. Baka palayaw iyon ng dalaga o Rachel Candia ang tunay na pangalan nito. Ah, he doesn't care. Gusto niya itong maging kaibigan. Tinukso pa nga siya ni Kleo dahil sa pakiusap niya rito kapalit ng pananahimik niya sa ginawa nito. Torpe raw siya dahil hindi niya maimbitahan ng personal si Candia. Hindi naman iyon totoo. Nahihiya lang siya o mas tamang sabihing nag-aalangan. Baka kasi mali ang isipin nito kung 'agad niya itong iimbitahing kumain sa labas gayong hindi pa sila close.
Ang perfect cover ay yayain ni Kleo si Candia. Siguradong hindi makakatanggi si Candia dahil katrabaho naman nito ang kapatid niya. Then maybe he can offer her friendship.
Unang bumaba si Rachel sa kanyang kotse. Sumunod din naman ang kaibigan niyang si Kleo. Niyaya siya nitong kumain sa diner na matatagpuan sa poblacion ng La Muerte. Matagal na niyang naririnig na masasarap daw ang mga pagkain sa diner na 'yon pero ngayon lang niya mapapatunayan.
Tinulak ni Kleo ang babasaging pintuan. Sumunod siya rito hanggang sa mesang napili nito na malapit sa bintana at entrada ng diner.
"Oorder na ba'agad tayo?"
Pansin niyang palinga-linga si Kleo sa labas ng diner. "Sure, pili ka ng kahit anong gusto mo. Libre ko."
"Talaga?" excited na sabi niya.
"Oo. Gagamit lang ako ng banyo ha? Order ka na."
"Sige."
Pinag-aralan niya ang menu na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Mukhang masasarap ang lahat ng nakalagay na pangalan samahan pa ng pictures. Sandali niyang inalis ang mga mata sa menu. Marami-rami rin ang kumakain sa diner ngayon. Halos lahat ay magkakapamilya. Base lang iyon sa nakikita at pakiramdam niya.
Malaki kasi ang data ng broken families sa La Muerte. Iyon ang malaking factor kung bakit na-i-involve rin ang mga kabataan sa murang edad na gumawa ng masama o ma-engage sa mga pinagbabawal na gamot. Noong una ay hindi niya talaga gusto ang La Muerte pero noong kalaunan ay na-realize niya na baka ito ang pagkakataon niyang makatulong gamit ang pinag-aralan niya.
Nabigo man siya sa kapatid na si Holy, baka kapag pinagpatuloy niya ang pagtulong sa iba ay ma-realize nito na tama siya. All this time ay tama siya.
Nakaramdam siya ng pagka-uhaw kaya tumayo siya para humingi ng tubig sa counter. Pero may boses na umutos sa kanyang pumunta sa banyo. Doon nga siya dumiretso. Eksakto namang lumabas ng banyo si Kleo.
"Naka-order ka na?"
"Ah, wala pa. Cr muna ako." bigla siyang tinadtad ng pawis sa noo nang dire-diretso siyang pumasok sa banyo at sinara iyon.
Napahawak siya sa dibdib at pilit na pinapakalma ang sarili. Papasok na sana siya sa cubicle nang mapansin ang malapad na salamin sa harapan niya.
"C-Candia?" gulat na sambit niya.
BINABASA MO ANG
DARK SECRETS
Mystery / ThrillerTatlong babae na iibig sa iisang lalaki. Whose love will prevail? Ano'ng kayang gawin ng bawat isa para lumigaya? Who among them have the darkest secret? Si Candia. Walang karanasan pagdating sa pag-ibig. Nang makilala ang lalaking nagpatibok ng pu...