CHAPTER SIX

24 0 0
                                    

Abala sa buong maghapon si Rachel sa kanyang trabaho. Kaninang tanghali ay may ni-rescue ang mga kasamahan niya. Isang menor de edad na binubugbog at pinapatrabaho ng mga magulang nito. Naalala pa niya ang takot sa mga mata ng bata noong dumaan ito sa mesa niya. Pero pilit niyang inalis sa isipan ang tungkol doon. Anumang negatibong damdamin na walang magandang maidudulot sa kaniya ay inaalis niya 'agad sa kanyang sistema.

She's thankful na hinayaan na naman siya ni Candia na umalis at pumasok sa trabaho niya. Wala na sa bahay nila ang lalaking tinulungan niya kagabi. Ang sabi sa kanya ni Candia ay Edward daw ang pangalan ng lalaki. Pinakain daw ito ng kapatid niya pagkatapos ay pinauwi.

Minsan ay nag-aalala siya kay Candia sa tuwing wala siya. Natatakot siyang baka lumitaw si Holy at saktan ito. Nakakapagtaka talaga ang tunay na dahilan kung bakit hindi pa rin nagpapakilala si Holy kay Candia. Tiyak na may plano si Holy sa kanila.

Una niyang nakilala si Holy noong nasa orphanage siya. Masama ang ugali nito at napaka-inggitera sa mga bagay na mayroon siya. Laking tuwa nga niya noong hindi na ito nagpakita sa orphanage. Then she met Candia noong panahong wasak na wasak ang puso niya sa pagkawala ng dati niyang nobyo. Ito ang kasama niyang umiyak at naging sandalan para bumangon at labanan si Holy sa kataksilan nito.

Sa pagkakaalam niya'y patay na ang mga magulang nilang tatlo. Namatay raw sa sunog ang tatay nila samantalang namatay naman sa panganganak ang nanay nila kaya pinaghiwalay sila.

"Miss Fontanilla, busy ka ba?" untag ng kasamahan niya sa trabahong si Kleo.

"Hindi, bakit?"

Lumingon ito sa kwartong nilabasan. Naroon ang batang ni-rescue nito kanina.

"May bibilhin lang sana ako sa labas. Pakikiusapan sana kita kung puwedeng pakitingnan 'yung bata. Baka kasi maisipang tumakas."

Nag-alangan siya 'agad pero wala siyang maisip na idadahilan kay Kleo. Sinabi na niya rito na hindi siya busy. Nakakahiya naman kung ibahin niya ang nasabi. Isa pa'y ngayon lang ito nakiusap sa kanya.

"Ah, sige ba. Babalik ka ba 'agad?" napakurap siya ng tumingin sa pintuan ng kwarto kung nasaan ang bata.

Tila naramdaman niya 'agad ang negatibong enerheya mula roon.

"Yeah, I'll be very quick. Thanks, ha?" iyon lang at umalis na ito.

Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair. Nakakailang ang pamamawis ng mga kamay niya habang naglalakad patungo sa kwarto ng bata. She rubbed her hands in her pants. Pinikit niya rin ang mga mata para isipin ang magagandang alaala nila ni Candia. Epektibo naman ang ginawa niya dahil huminto ang pamamawis ng mga kamay niya. Naging normal na rin ang pagtibok ng puso niya.

Minulat niya ang mga mata at naghanda ng isang matamis na ngiti nang buksan niya ang pinto. Nakatalikod sa kanya ang bulto ng isang payat na batang babaeng nakaupo sa sahig. Ang noo nito'y nakasandal sa kama.

"Hi, kumusta? Gusto mo bang maglaro?" humakbang siya papalapit dito.

Lumingon ito sa kanya. The way the kid looked at her sent a chill down her spine. Natagpuan niya ang sariling umaatras papalayo rito.

Namutla siya sa takot nang ibuka nito ang bibig.

"Hello, sister....." halos pabulong na wika nito.

Hindi maalis-alis ang ngisi ni Holy habang minamaneho niya ang kotse. Sa wakas, napalayas na niya ang malditang si Rachel. Napakadali lang ng kahinaan ni Rachel. To think na hindi niya naman talaga planong takutin ito sa pamamagitan ng payat na batang 'yon sa kwarto.

Nakatakda lang talaga siyang lumabas at ito ang takdang araw na 'yon. Pinihit niya hanggang sa maximum volume ang radyo. Isang rock song ang naka-play. Halos mabingi siya sa lakas niyon pero wala siyang pakialam. Nag-headbang pa siya at sinabayan ang magulong kanta.

Nakakabulabog ang lakas ng radyo niya pero iyon ang trip niya ngayong gabi. Papunta pa nga siya sa poblacion ng La Muerte para magsaya. Ang balak niya'y mag-bar, makipag-inuman at kung susuwertihin ay makipag-sex sa kahit sinong lalaking magustuhan niya. Of course he'll pay the price after. Ganoon ang kondisyon niya.

Hindi siya natatakot na baka sundan siya ni Rachel. Matapang lang ito sa pambabanta sa kanya. Wala nga itong nagawa noon, ngayon pa kaya?

Pinilit si Edward ng kaibigang si Jorge na pumunta sa disco bar 'di kalayuan sa bahay ng huli. Natuyo na ang sugat sa kanyang noo kaya kinuha na niya ang benda roon. Medyo hindi na rin masakit ang mga pasa niya pati na ang mga kamay niya.

"Nasa loob din sina Jacob at Andrei?" tanong niya rito nang bumaba siya sa kotse nito.

Sinundo siya nito kanina sa pinagtatrabahuan niya. Hindi niya ginamit ang harley dahil bumunganga ang mommy niya. Baka madisgrasya na naman daw siya o siya ang makadisgrasya. Pagkatapos niyon ay pinangaralan na naman siyang mag-resign sa trabaho para tumulong sa negosyo nila. Pinalabas niya lang sa kabilang teynga ang mga sinabi nito. Ganoon lagi ang ginagawa niya o 'di kaya'y magdadahilang aalis siya.

"Kanina pa..."

Sabay silang lumakad papasok sa umiilaw na entrada ng bar. Maingay na sa loob, idagdag pa ang nakakahilong iba't ibang klase ng ilaw na umiikot. Noon ay nag-e-enjoy siya sa ganoon pero simula noong nagbago na siya'y nag-iba na rin ang hilig niya. Sa katunayan ay pinag-iisipan na niyang tumulong sa negosyo nila. Sadyang nagmamadali lang talaga ang mommy niya.

Minsan ay hindi niya rin naman ito masisi sa mga lumalabas sa bibig nito. Inaamin niya na abot langit ang problemang dinala niya sa mga magulang noon, siguro hanggang ngayon. Hindi na nakapagtataka kung bakit ayaw maniwala ng mommy niya na nagbago na siya. Ang naniniwala lang naman sa kanya ay si Kleo at ang daddy niya.

"Dude!" masiglang salubong sa kanila ni Jacob. Overweight ito pero nabawi naman sa ugali ang hitsura nito. "I thought you're not coming."

Tinaasan siya ng kilay ni Jorge. "Pinilit ko lang talaga 'tong si Edward na sumama. Alam niyo namang nagbagong buhay na itong kaibigan natin." nagtawanan sila.

Naglakad silang tatlo patungo sa isang pabilog na mesa. Sumalampak siya ng upo sa pahabang sofa.

"Si Andrei?" aniya.

Tumingin sa paligid si Jacob at Jorge. Sinusubukang hagilapin ang isa nilang kaibigan.

"Ayun! Busy sa bago niyang prospect." may halong malisyang sabi ni Jacob.

Sa kanilang magkakaibigan ay kilala si Andrei na mahilig sa babae. Hindi lang mahilig, iyon na nga rin 'ata ang pinagkakaabalahan nito araw-araw. Ang paghahanap ng babaeng maika-kama.

"Tatawagin ko lang ang isang 'yon para makapag-umpisa na tayo. Hindi ako puwedeng gabihin ngayon, strict ang parents ko."

"Ulol!" ganti ni Jorge.

Tinawanan niya lang ito. Mabilis na tumayo siya at pinuntahan si Andrei. Mukhang masayang masaya ang loko sa kausap nito.

"Man...." medyo may kalakasang tawag niya kay Andrei.

Nag-angat ng tingin sa kanya ang kaibigan. "Edward! Kanina pa kayo?" bumaling ito sa babaeng kaharap. "Ah, ang kasama ko pala. What was your name again?"

Napatingin na rin siya sa babae sa tabi niya. Napakunot siya ng noo.

"Candia?" gulat na bulalas niya.

Nanatili itong nakatitig sa kanya. Pagkaraan ng ilang minuto ay tila nagising ito sa isang mahimbing na pagkakatulog.

"E-Edward..." nauutal na anas nito sa pangalan niya.

DARK SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon