CHAPTER FOUR

21 0 0
                                    

Tahimik na pinag-aaralan ni Edward ang magandang dalagang tumulong sa kanya. Malaki ang utang na loob niya kay Candia. Kung hindi dahil dito, baka nilalamay na ang katawan niya sa bahay nila. Worse is, baka walang lamay na mangyayari dahil hindi mahanap ang bangkay niya.

Sa La Muerta siya lumaki pero noong nagkolehiyo siya ay nilipat siya ng mga magulang sa ibang probinsya. Bad influence raw sa kanya ang mga barkada niya kaya hindi siya makapagtapos sa pag-aaral. Noong una ay hindi nakatulong ang paglipat niya sa ibang lugar. Mas lalong lumala pa nga ang katigasan ng ulo niya lalong lalo na ang bisyo niya.

Kilala ang pamilya nila sa La Muerte sa dami ng pag-aaring mga lupain ng mga magulang niya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi maiwan-iwan ng mga ito ang lugar kahit na talamak doon ang hindi kanais-nais na mga gawain. Malaki ang kontribusyon ng La Muerte sa agrikultura ng buong Pilipinas. Pero tila nakakabit na sa pangalan ng probinsya nila ang mga krimeng nangyayari roon.

Tama nga rin sigurong sabihin na malaking rason kung bakit ganoon ang ibang nakatira sa La Muerta ay dahil sa kasaysayan ng probinsya. In spanish, La Muerte means death. Isang espanyol ang unang nakatuklas sa kanilang probinsya. Tila normal sa mga taga-roon kapag may nababalitaang patayan o alitan. Ang kaso ng mga batang hindi nag-aaral, maagang nabuntis o kaya nama'y gumagamit ng pinagbabawal na gamot ay mataas. Alam niya iyon dahil isa rin siya sa mga napabilang noon sa mga gumagamit ng pinagbabawal na gamot.

"May trike na dumadaan sa labas kapag ganitong oras."

Halatang hindi komportable si Candia sa ginagawa niyang pagtitig dito. Pansin niya rin na lagi itong nakayuko o 'di kaya'y nauutal. Sa tingin niya'y hindi iyon kabawasan sa kabutihan ng puso nito. Kung ibang tao lang ang nakatiyempong hiningian niya ng tulong kagabi ay siguradong wala siyang mapapala.

"Salamat ulit sa tulong mo Candia. Anything na kabayaran para suklian ko ang tulong mo, I'll do it." sinserong wika niya.

"Wala 'yon. Kahit sino naman siguro tutulungan ka."

Sumunod ito sa kanya hanggang sa labas ng bahay. Pinagbuksan din siya ng dalaga ng gate.

"Paano, thank you ulit ha?"

Kimi itong ngumiti. Pinara nito ang isang trike na dumaan. "Sakay na."

Nahihirapang pinagkasya niya ang sarili sa entrada ng trike. Nang makapuwesto na siya'y kumaway siya sa dalaga. Nakahawak ito sa railing ng gate.

"Bye Candia!" sigaw niya nang umandar na ang sinasakyan. Hindi kumaway sa kanya si Candia pero tumango ito.

Napapailing na tinuon niya ang mga mata sa kalsada pagkatapos makitang umalis na sa gate ang dalaga.

"Sa'n tayo boss?" tanong ng driver.

"Sa bahay ng mga Rivera."

"Okay boss!"

DARK SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon