CHAPTER FIVE

16 0 0
                                    

"Ano na namang gulo ang pinasok mo Edwardo?!"

Galit na bungad sa kanya ng mommy niya nang lapitan niya ito para humingi ng baryang ibabayad sa trike driver.

"Mom, magbabayad muna ako bago niyo ako sermunan."

Ito ang nagbayad sa driver pagkatapos ay matalim siyang tinitigan nang naglakad siya papunta sa loob ng kanilang bahay.

"Hoy bata ka! Lalayasan mo na naman ako? Pagkatapos kong halos mamatay sa pag-aalala sa'yo. Saan ka ba nanggaling kagabi? Bakit hindi ka umuwi rito sa bahay? Akala mo 'ata ay walang naghihintay sa pag-uwi mo kaya ka ganyan!" nang abutan siya nito ay mas lumakas ang boses ng mommy niya. "At saan mo nakuha ang mga sugat na 'yan? Siguro ay nakipag-away ka 'no? Sino'ng kaaway mo? 'Yung pinagpalit sa'yo ni Celine? Hay naku naman Edward! Beinte otso ka na, kailan ka ba titino?"

Nang marinig ang pangalan ng dating nobya ay napatigil siya sa paglalakad. Nayukom niya ang kamao. Magsasalita sana siya para sagutin ang ina pero pinili niyang huwag na. Mapapahaba lang ang lintaya ng mommy niya. Isa pa'y sumasakit na ang sugat niya sa noo.

"Mamaya na tayo mag-usap mom. I need to take a rest." nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa hagdan.

Nakapameywang na napapailing ang mommy niya. "Diyos ko! Ano ba ang nagawa kong kasalanan at ganito ang anak ko?"

"Maganda raw kasi kayo kaya ganoon!" ganting biro niya nang umabot siya sa ikalawang palapag.

"Bolero!"

Narinig pa niyang sigaw ng mommy niya bago siya pumasok sa loob ng kanyang kwarto.

Masakit ang katawan na humiga siya sa malambot na kama. Nagsinungaling siya kanina kay Candia. Tama ang mommy niya, nakipag-away na naman siya kay Tom. Ang lalaking pinalit sa kanya ng dati niyang nobya ng isang taon na si Celine. Batchmate niya sa highschool si Tom. Minsan ay nagkasama na rin silang dalawa sa isang pot session. Kung gaano siya kalulong noon ay mas matindi ang pagkakalulong ni Tom sa drugs. At least siya ay nagbago na two years ago. Ayaw nga lang maniwala ng mommy niya.

Nasaktan siya dahil sa ginawa ni Celine. Kung inamin nito sa pagmumukha niya na may mahal na itong iba ay hindi niya naman ito pipiliting manatili sa relasyon nila. Ang kailangan lang ay maging honest ito pero sa iba pa niya malalaman ang kataksilan ng babae. Nainsulto siya nang husto. It was already four months nang official silang naghiwalay. Wala na sa kanya ang lahat. Nakapagmove on din 'agad siya. Hindi rin kasi naman ganoon katindi ang nararamdaman niya para kay Celine.

Galing siya sa trabaho bilang store manager kagabi nang madaanan si Tom kasama ang mga kaibigan nito. Lalagpasan sana niya ang lalaki nang pinaringgan siya nito tungkol sa pang-aagaw nito kay Celine. Marami pa itong sinabi na nagpakulo sa dugo niya. Sa galit ay hindi niya nakontrol ang sarili. Nakalimutan niya rin na wala nga pala siyang laban kay Tom dahil kasama nito ang mga kaibigan. Napuruhan niya si Tom sa suntukan pero pinagtulungan siya ng mga itong isakay sa kotse. Binugbog siya pagkatapos dalhin sa malayo. Nang makatakas siya'y masuwerte siyang hinintuan ni Candia sa gitna ng kalsada.

"Edward, this is Jorge."

Natigil ang pagmumuni-muni niya. "Pasok!"

"Whoa! Mukhang mamamatay ka na, bro." sinuntok nito ang balikat niya.

"Aray naman, balak mo talaga akong patayin kaya ka pumunta rito."

Tinulungan siya nitong makatayo. "You know that's not true. Tinawagan ako ni Tita Olga. Orasyonan daw kita para magbago ka na."

"Alam mong matagal na akong nagbago 'no. Hindi lang halata. Why you're here? Iyong totoo gusto mo lang makita si Kleo, 'no?"

Mabilis na umiling si Jorge. Matagal na niyang alam na may gusto ito sa nag-iisa niyang kapatid. Kahit na hindi nito aminin ay halatang halata ang nararamdaman nito tuwing nakikita si Kleo.

"Gamutin ko raw ang mga pasa mo. May dinagdag pa si Tita Olga, pati na rin daw ang sugatan mong puso." binuksan nito ang dalang bag at pinatong sa ibabaw ng kama niya ang mga laman niyon.

"Ang corny mo. Pero thanks, bro. Wala ka bang duty ngayon?"

Nurse ito sa hospital ng La Muerte. Kababata niya si Jorge pero lumipat ito sa Maynila noong sampung taong gulang ito. Kababalik lang nila sa La Muerte last year.

"Meron pero alam mo namang malakas ka sa'kin, eh."

Malutong siyang natawa. "Utot mo, Jorge. Nagpapalakas ka lang dahil kay Kloe."

Sumeryoso ang mukha nito. Tinanggal nito ang benda niya sa noo. Walang babala na diniin nito ang hawak na cotton ball doon pagkatapos lagyan iyon ng gamot mula sa maliit na bote.

"Ano ba'ng nangyari?"

Kinuwento niya sa kaibigan ang lahat. Napapailing lang ito at minsan ay napapamura sa mga sinasabi niya.

"Buti na lang at may tumulong sa'yo. Tarantado ka rin minsan, bro. So, this Candia helped you? Sure ka iyon lang ang nangyari?"

Tinitigan niya ito ng masama kahit na alam niyang nagbibiro lang ito. Kung nakita lang nito kung anong klaseng babae ang dalaga. Si Candia ang tipong matatakot kang hawakan. And it's not because she's not attractive. Unang kita palang niya rito ay alam niyang disenteng babae ito. Laking malas nga lang nito dahil napadpad ito sa La Muerte.

DARK SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon