CHAPTER NINE

8 0 0
                                    

Habang hinahanda ni Rachel ang mga sahog sa lulutuing sinigang ay bigla niyang naalala si Edward. Bakit hindi niya 'agad natandaan na ito ang lalaking tinulungan niya noong isang gabi? But he mistakenly thought she's Candia. Medyo nakaka-alarma iyon pero mas okay na si Candia ang nakilala nito kaysa si Holy.

Hiniwa niya ng pahaba ang karne ng baboy at hinugasan iyon. Masama ang kutob niya sa uri ng pagtitig ni Edward sa kanya. Kahit pa sabihing akala nito ay siya si Candia. Kailangan niyang balaan ang kakambal sa mga lalaking gaya ni Edward. Problema lamang ang dala niyon. Inosente at likas na malambot ang puso ni Candia. Kapag nagpatuloy ito sa pakikipagkita kay Edward ay hindi malabong mahulog ang loob nito sa binata.

Edward is far above average sa mga lalaking nakilala niya at naka-relasyon. Mukhang mula rin ito sa mayamang pamilya. Kung magkaroon man ng malaking himala na hindi lilitaw si Holy para sirain si Candia, wala pa ring chance sina Edward at Candia. Hangga't maaga ay kailangan niyang pigilan ang kakambal bago ito masaktan gaya niya.

Bukas ay palihim niyang ibabalik ang cellphone ni Lilith. Gusto man niyang isauli iyon ng personal ay baka hindi maintindihan ni Lilith ang dahilan niya. Mawawalan ito at ang mga kasamahan niya sa trabaho ng tiwala sa kanya. Baka paalisin pa siya sa trabaho. Saan sila pupulutin kapag nagkataon?

Mamaya pala ay kailangan niyang mag-relax. Baka matulungan siya ni Candia. Ito lang naman sa kanilang tatlo ni Holy ang wala 'atang problema. Dapat matulog siya ng maaga at alisin muna sa isip niya ang problema tungkol kay Holy. Kapag lagi itong nakatatak sa isip niya ay panibagong problema ang iniimbita niya. Dapat ay hindi niya ito pansinin. Siguradong sinasadya ni Holy na sirain ang matagal na niyang pinaghihirapang peace of mind. She promised na hinding hindi na ito makakalabas sa lungga nito.

"Rachel?" boses babae kasabay ng mga katok.

Kilala niya iyon. Ang may-ari ng bahay na inuupahan nila ni Candia.

"Sandali lang!" naghugas muna siya ng kamay at tinuyo iyon sa nakasabit na tela sa hawakan ng ref. Binuksan niya ang pinto. "Bakit, Edna?"

Sumilip ang singkwenta anyos na ginang sa loob ng bahay niya.

"May kasama ka bang lalaki kagabi? Nakita ko kasi na bumaba ka sa trike kasama ang isang lalaki, eh."

"Ha? Ah..." naalala niya ang sinabi kanina ni Edward. "Oo, sumama kasi ang pakiramdam ko kahapon kaya pinakiusapan ko 'yung kaibigan ko na ihatid ako."

Sa pagkakaalam niya'y hindi naman bawal ang pagpapasok ng kahit sino sa bahay na inuupahan nila ni Candia. Pero likas na may pagka-tsismosa lang din talaga si Edna.

"Ah, pinabibigay pala ni Magda." binigay nito ang isang makapal na libro tungkol sa pagpipinta. Anak nito ang dalagang si Magda. "Sige, alis na ako ha? Ingat ka sa mga pinapasok mo sa bahay. Maraming loko rito sa La Muerte."

"Sige, salamat."

Sinara niya ang pinto nang umalis ang ginang. Binuklat niya ang librong bigay nito. Para iyon kay Candia. Matutuwa ito kapag nakita ang librong matagal na nitong gustong magkaroon.

DARK SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon